" Joe bakit?" Tanung ko sakanya ng makalapit.

" naiwan pala ito ni Ma'am Sophia."

Napatingin ako sa hawak ni Joe. Cellphone nga ng team Leader namin ang hawak nya.

Napakunot ang noo ko na napatitig kay Joe

" bakit sakin binibigay?" Takang tanung ko

" tumawag kase si Ma'am Sophia sakin gamit ang phone ni Ma'am Catherine. Sabi nya kung pwede mo daw idaan sakanila sa hotel. Alam mo naman saang hotel ginanap ang launch ng commercial natin."

Alinlangan na tumingin ako sa cellphone at kay Joe

" sige na Talie.. On the way ka naman dun at isa pa need ko umuwi agad anniversary namin ngayon ng asawa ko"

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Napaisip muna ako bago ako nagdesisyon.

Walang nagawang kinuha ko ang cellphone ni Ma'am Sophia.

" malakas asawa mo sakin kaya pasalamat ka" nakangiting saad ko.

Kung titigan mo maigi si Joe hindi mo aakalain na may asawa at anak na ito. Isang matangkad at gwapong lalake si Joe. Marami din nagkakagusto sakanya maliban saamin sa team dahil lalagotin kami kay Pia, isa din sa kateam namin ang asawa ni Joe.

Hininto ko ang sasakyan ko sa tabi ng hotel at bumaba.

" key madam" Tanung sakin ng isang mandak na lalake nagba-valet

" hindi ako magtatagal. Sa receptionist lang ako  at iiwan ko ang cellphone ng boss ko doon"saad ko

" anong floor po ba nakacheck in ang boss nyo"

" nandoon sya sa party ng Montero Corp ngayon."

" pasok na po kayo" tumango ako at nagtungo sa receptionist

" good evening ma'am, may I help you" magalang na saad ng receptionist

" Gusto ko lang sana ipaabot sainyo itong Cellphone, pakibigay nalang kay Sophia Reyes nandyan sya sa loob sa party ng Montero Corp."

Kinuha ng babaeng receptionist ang inaabot kung phone.

" madam please write your name for more details" tumango ako at agad na sinulat ang pangalan ko

Hindi ko naman kase personal na maibigay kase ma'am Sophia cellphone nya lalo na mahigpit ang hotel sa guest nila.

" thank you" saad ko at tumalikod na ako para umalis na. Kinuha ko sa bag ang cellphone ko para set ang location na pupuntaha  ko. Palabas na ako ng hotel ng may narinig akong tumatawag sa pangalan ko.

" Natalie?"

Titigil sana ako dahil may tumawag sakin ngunit hindi ko na magawa lalo na tumunog ang cellphone ko.

" nasaan ka na Talie?" Si Maila

Oo nga pala nakalimutan ko may pinag usapan pala kami ng kaibigan ko

" on the way na ako.." Saad ko at agad na sumakay sa kotse

Paalis na ako sa hotel ng may nahagip ang mata ko na dalawang tao na nakatayo sa entrance ng hotel at seryosong nakatingin sakin.

Long Lost MEmoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon