"Eh, what are you doing here?" I ask





"Wow. Thank you sa pag welcome back ha? Tss" Tapos umirap sya "Sasabihin ko sayo pag tumigil na yang luha mo sa kakaagos habang kausap ako"






Agad akong napahawak sa pisngi ko. Oo nga! Umiiyak pa rin ako. BAdtrip naman! Pinunasan ko mukha ko at pinilit na wag maiyak. Nakakahiya naman sa bagong dating eh.






"Eto na oh! Wala na" i said sabay turo sa mukha ko






Hinawakan nya yung mukha ko. Aba? Ayaw pa maniwala. Ibang klase talaga.



"There. Alam mo namang ayokong nakikita kang nasasaktan eh" He said then smile


"Kyle..."

"Ok. Sorry. Sorry"




"Hmm, so bakit ka nga andito?"



"Kakarating ko lang kaninang madaling araw. Hindi ako mapakali kasi iniisip kita. Kaya hinintay ko na lang ang oras ng pasok mo. Tsaka kung bakit ako andito? Kasi na-miss kita bee. Namiss kita ng sobra sobra."







Wala akong nasabi. Niyakap ko na pang sya ng mahigpit.



HAbang nag uusp kami, biglang nag ring yung phone ko. Tinignan ko kung sino, si Pat ang tumatawag. Sinagot ko agad kasi baka importante.




"Oy Pat? Napa --"

"Hoy bruha! Baka nakakalimutan mong may practice tayo para sa prom? Bumalik ka na dito!" Sigaw nya sa kabilang linya






Shet! Oo nga pala! May practice pala sa prom ngayon. Tsk! Niyaya ko na lang si Kyle sa covered court at doon na lang ako hintayin para sabay na kami umuwi at ililibre nya pa kami ni kuya ng pizza.
















--

Nakarating ako sa covered court ng pawisan. Nakita kami ni Jacob ng magka-hawak kamay. Yung mukha naman ni Pat, tuwang tuwa. Kilala na kasi nila Pat si Kyle.








Pumwesto na ako sa harap ni Jacob. Hindi ko sya pinapansin. Kung pwede na lang makipagpalit ako ng partner, gagawin ko. At kung pwede lang na si Kyle ang partner ko, sus! Masayang masaya.









Nung nag start na, kinakausap ako ni Jacob pero di ko sya pinapansin.






"Athena, sino yun?" Pagtatakang tanong nya




Hindi ako nagsasalita. Focus lang ako sa practice. BAhala sya dyan! MAnigaw sya. Tss







"Athena?! I'm sorry"
"Athena kausapin mo naman ako"
"Babe please"
"Babe let me explain, please"
"Babe I love --"






Bago pa man matapos ni Jacob yung sasabihin nya, nagsinungaling ako na nagugutom na ako at kailangan ko ng kumain. Buti pumayag sila. Haha








Agad akong lumapit kay Kyle at hinila sya papuntang canteen. Hindi na ako lumingon, tinatawag kasi ako ni Jacob.








Naupo na kami at nag order naman ng pagkain si Kyle. NAgulat na lang ako ng biglang silang sumulpot sa harap ko. Si Nicole, Pat, Jacob, Camille at yung iba.










"Athena! Where's Kyle?!" Sabi ni Pat






Hindi ko muna pinapansin si Pat kasi uupo na sana si Jacob sa tabi ko. Eh upuan yun ni Kyle. Doon sya dapat sa bakanteng chair na tabi kay Nicole. Tss







"May nakaupo dyan." I said




"Pero Athena?"



"I said may nakaupo dyan. Doon ka sa bakanteng chair!"






Umalis sya at naupo sa bakanteng upuan. Nakayuko lang sya. Ano ba yan! Nakokonsensya ako. Tss




"Bee, eto na foods mo"



"Thank you bee" I smile




Bigla na lang akong nagulat ng biglang sumigaw si Pat. "Kyle!! Kamusta ka na?!"




"Ok lang naman ako eh. Ikaw?" Kyle said




"Me too. Ay, Kyle, these are my friends. Camille, Troy, Jacob, and John"


"Hi guys." Kyle said




Sumagot yung iba maliban kay Nicole at Jacob.







Nakita kong tinatanggal ni Jacob yung raisins sa sandwich, ganun din si Kyle. Pagkatapos, sabay pa silang nag-abot.


Nagulat ako sa ginawa ng dalawa. Hmm.





Tatanggi na sana ako ng biglang kinuha ni Nicole yung sandwich na ibibigay sana sakin ni Jacob. Kahit kelan talaga! Di nya ba nakikitang andito ang girlfriend? Duh?!








Inaagaw ni Jacob yung sandwich sa kamay ni Nicole. Pero di nya makuha.





Napatigil na lang silang dalawa ng nakita ni Jacob at Nicole ang ginawa ko.







"Thank you bee" Tapos hinalikan sa cheeks.









Alam kong nagulat si Kyle sa ginawa ko, kahit naman ako nagulat sa ginawa ko. Sinapian na naman ako ng pagka-baliw ko. Tsk







Bigla naman akong siniko ni Pat ang bumulong "Anong drama yan Athena?"

My Boyfriend Cheated On Me With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon