"Bakit po ganyan ang sinasabi ninyo? Lalong hindi ko na po kayo naiintindihan. Pinapaalis niyo na ako at gusto niyong iwan ko kayo? Alam niyo naman po ang isasagot ko---

"At alam mo rin ang paulit-ulit ko lang na sasabihin sayo, Cielle. Iyon ay ang maka-alis ka na rito ng ligtas. Nauubos na ang pasensya ko! Makinig ka naman saakin."

Agad na nabitawan ko ang kamay ni Itay at napatakip ako sa aking mukha. Hindi ko na mapigilan ang paghagul-gol. Ngayon lang ako naging ganito sa buong buhay ko. Hindi ko kayang iwan si Itay. Kung ano man iyong bumabagabag sakanya at gusto niya na akong paalisin, hindi ko matanggap iyon. Ang sakit. Saan ako pupunta pagkatapos ko siyang iwan. Sino mag-aalaga sakanya. Paano kung may mangyaring masama sakanya?

"Paano po kayo? Nararamdaman kong hindi maganda ang mangyayari dahil sa sinasabi ninyo kaya paano ko kayo iiwan? Paano kung may mangyaring masama sainyo, Itay? Hindi ko kakayanin iyon. Ikaw nalang ang pamilya ko."

Patuloy parin ako sa pag-iyak, hanggang sa hawakan ni Itay ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. Hinawakan rin niya ang pisngi ko at pinunasan ang aking luha. Tumingin ako sakanya at bumalik ang maamo niyang mukha. Nakangiti na siya ngayon.

"Masyado na akong matanda, anak.  Mahina na ang katawan ko. Alam ko ring nahihirapan ka na sa pag-aalaga saakin kaya hindi na ako pwedeng sumama pa saiyo. Magtiwala ka lang dahil magiging maayos lang ako rito." Nihawi niya ang buhok na nakalagpas sa mukha ko at inilagay ito sa likod ng aking tenga.

"Mas magiging masaya ako kung ligtas ka. Basta tandaan na mahal na mahal kita, anak. Masaya kami ng Nanay Grace mong inalagaan ka." Ngumiti siya at nakita kong nangingilid ang kanyang luha.

"Pero sana huwag magbago ang tingin mo saamin ng Nanay mo kapag nalaman mo na ang katotohanan." Lumungkot ang boses niya nung sabihin niya iyon. Mukhang importante talaga ang nasa loob ng music box kaya ganyan kaapektado si Itay. Mukhang pati ako ang higit na maaapektuhan sa oras nga na makita ko na iyon.

"Pangako ko po Itay. Hinding-hindi." Paniniguro ko. Ngumiti siya at doon ko na siya mabilis na niyakap. Hinaplos niya ang likod ko para tumahan na ako dahil tuloy parin ako sa pag-iyak. Feeling ko hindi ako matitigil sa kakaiyak.

Pero napatigil ako nang may malakas na katok kaming narinig sa may pintuan. Unti-unti naging mabilis at marahas na ang pagkatok nito. Kinabahan na ako bigla. Ang presensyang ito. Hindi maaari!

Nanginginig ang kamay ko nang hinawakan ni Itay ang balikat ko saka tumango saakin. Hindi! Hindi pwede! Sa likod ng pintong iyan ay walang kasiguraduhan kung sino man iyan. Sa oras na buksan ko iyan ay maaring magbago o maglaho sa isang iglap ang lahat.

Gusto kong iligtas si Itay sa kung ano man ang mangyayari pero siya na rin ang nagsabing kailangan ako makaligtas at maiiwan siya. Hindi ko kaya kaya naman nanatili ako sa tabi niya at inihanda ko na lang ang aking sarili sa kung sino mang nasa labas.

Patuloy parin ito sa pagkatok sa aming pintuan. At hindi kami umimik man lang. Pigil hininga kami rito.

"Sige na. Kunin mo na sa sala iyong gamit. Pagkatapos ay tumakas ka na."

Umiling ako. 'Di ko kaya.

"Tay, hindi ko kaya." Mangiyak-ngiyak kong sabi. Nakita kong umiling din siya.

"Umalis ka na. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na mapahamak ka. Nangako ako sa isang importanteng tao na poprotektahan kita. Hindi ka na dapat naririto. Dapat ay matagal ko nang ginawa ang lahat bago pa nangyari lahat ng ito. Sige na, Cielle. Ito na ang huling pakiusap ko sayo, anak."

Kahit na humihikbi ako ng sobra ay agad akong nagtungo na sa may sala at nakita ang Music box sa mesa saka kinuha ito. Hindi ko man alam kung anong ibig niyang sabihin sa kung sino man iyong importanteng taong pinangakuan niya.

Ewan ko kung bakit ko sinunod si Itay. Ewan ko kung anong klaseng magic word ang mga binitawan niya kaya ako napapunta rito, pero sa isang iglap iyong katok sa pinto ay biglang lumakas na at parang nasisira na rin. Hindi to maari!

Tumakbo ako sa kwarto ni Itay. Malungkot na tinignan ko siya habang hawak niya na ang isang rosaryo. Lumapit ako sakanya at mahigpit siyang niyakap, sinuklian niya rin ito.

"Nakuha mo na ba ang lahat?" Tanong niya. Hawak ko na ang Music Box at yung picture. Nakasabit na dati sa leeg ko ang kwintas.

"Opo." Wika ko. Tumango-tango siya saka bumitaw na sa pagkakayakap.

Buo na ng loob kong hindi ko iiwan si Itay at handa akong protektahan siya rito.

Nabigla naman kami nang tuluyan na ring nawasak ang pintuan ng bahay. Kinakabahan akong napalingon sa may pinto ng kwarto kung sino ang bubungad. Tumayo ako para harangan si Itay at protektahan siya saka ko nihanda ang sarili ko. Ngunit nagulat ako kung sino ang taong bumungad sa may pinto.

Anong ginagawa niya rito?

Hindi ko inaasahang siya ang taong nararamdaman kong nagmamay-ari ng presensyang iyon.

Ibang-iba ang itsura niya na tulad mismo sa madalas kong mapanaginipan.

Hindi siya iyong kilala ko.

Mariin siyang nakatingin saakin at nakakunot din ang noo niya. Hindi ko kailan nakitang kumunot ang noo niya, ngayon lang!

Naka-all black siya. Mula sa leather jacket hanggang sa suot niyang boots at ang buhok niyang dating kulot ay unat na unat na ito ngayon.

Tulala lang ako at tanging naiusal ko nalang ay ang pangalan niya.

"Miria?"

*****

To be Continued...

Edited: 06-06-2019

Heiress(Part One:COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon