Chapter 4: Treat Me

Magsimula sa umpisa
                                    

"Master, si Miss Sulli Choi po ang natukoy naming nagmamay-ari ng Diary na nasa pangangalaga nyo. Nasa desk nyo na po ang profile nya, gayun na rin po ang current address nya. Isang agent na rin po natin ang sumusubaybay sa mga kilos nya ngayon."

SULLI? Sulli Choi? Kakaibang pangalan!

Walang anu-ano, tumakbo ako papunta sa desk ko para tingnan ang biography profile nya.

Pagbuklat ko ng folder...napatigil ang aking mata sa litrato ng isang babae. Malamlam ang mga mata...matangos ang ilong...maliit ang labi...maganda sya.

"Sya ba 'to?" usisa ko kay Gavin na kasunod ko. Marahan syang tumango "Opo, Master Allen. Sya po si Miss Sulli Choi."

Ang layo ng kagandahan nya mula sa weirdong nakahoodie sa bus noong isang linggo!

Mas lalong tumaas ang interes ko na makilala sya ng personal. Hindi na ako nagaksaya pa ng panahon. Mabilis pa sa alas-kwatro, pinuntahan ko kaagad ang address na pinalalagian nya ngayon.

SULLI'S POV

Ilang araw na mula ng mawala ang Diary ko. Mabuti at wala akong pangalan na inilagay doon. Sana lang, walang pakialamerang tao ang nagtangkang magbasa ng kung anomang nakasulat doon.

Araw-araw akong bumibili ng mga dyaryo at nanonood ng balita, dahil sa kaba na baka may nagbasa noon at nag research para hanapin ako at ipagkalulong sa media.

Bakit naman kasi naisipan ko pang ilabas yoon sa bag ko noon sa bus! Sising-sisi talaga ako! Pero wala namang magawa ang pasisisi ko!

Tinatanong nyo kung bakit ako may Diary na parang isang Kindergarden student na may assignment na ikwento sa pamamagitan ng pagsulat sa notebook ang naging araw nila?

Isang malamlam na ngiti ang kumawala sa aking labi.

Hindi ko rin talaga alam.

Basta't dumating ang panahon na...pakiramdam ko...kulang ang mga ala-ala na naiwan ko na magpapaalala sa mundo na isang Sulli Choi ang nabuhay at nagpangiti sa kanila sa isang punto ng buhay nila.

Gusto ko na may kahit isang tao ang magbabasa ng Diary kong iyon, na tunay na makakikilala sa akin, bilang ako, at hindi ang popstar na humaharap sa camera.

Pero hindi na iyon ang balak ko!

That Diary, is my memory, for me to keep alone. No one should dare read it! No one should know everything I've gone through! No one should know my thoughts!

Tapos na ang madilim na parte ng buhay ko, because of my brother's sacrifice.

Natutunan ko na ring mag-enjoy sa pamumuhay na simple at wala sa limelight.

Sa ganitong buhay ko naramdaman ang tunay na kasiyahan. Kasiyahang hindi nababase sa approval ng iba. Kasiyahang hindi nakadepende sa mga materyal na bagay at achievements.

Ilang araw ko na ring napapakiramdaman na parang may mga matang nakamasid sa akin. Noong una akala ko napaparanoid lang ako sa pagkawala ng Diary ko na puno ng mga sikreto ko.

Pero iba na ngayon! May lalaking nakaitim ang nahuli kong sumisumple ng pagtingin sa dereksyon ko! Kapag lumilingon ako sa kanya, lumilingon sya sa ibang dereksyon!

Natatakot ako. Baka isa syang media o tauhan ng kung sinong may masamang balak sa akin!

I have to make a move para iligaw sya! Tama! Ililigaw ko sya at tatakbo ako pauwi para magtago! Hihingi ako ng tulong...kay...kay...

Patay! Wala dito sa Pilipinas si Andrew para sagipin ako kung matrap man ako sa bahay katatago!

BAHALA NA! Ilang linggo na ako dito sa Mandaluyong kaya medyo alam ko na ang pasikot-sikot dito! At..AHA! May natagpuan ako ng hindi sinasadya noong isang araw na nakaliligaw na iskinita! Tama! Doon ko sya ililigaw!

Diary of My Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon