Hindi na ako naka resbak kay Xavier kaya tinititigan ko na lang siya ng masama, pero siya ang seryoso ng tingin sakin. Parang may laman yung bawat tingin niya, somehow natakot ako pero.. biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Sht, ano ba. Dapat magalit ka sa kanya.

"Hoy Garcia, ayaw mo ba niyang pagkain mo?" Tanong ni Olivia na nagpabalik sa akin sa katinuan, wala pa kasing bawas yung pagkain ko simula kanina habang yung sa kanila ubos na.

"Uhm, mamaya na lang ako kakain. Wala akong gana e." Ngumiti muna ako sa kanila bago tumayo at lumabas ng bahay, naiistress ako sa mga pangyayari. Grabe.

Naglakad ako dahan dahan papunta sa may dagat hanggang sa lumalim na...

Hindi ako mag su-suicide mga friends, susuntok suntukin ko lang yung tubig hanggang sa mapagod ako. "Arrrrrgh! Letse ka'ng lalaki ka! Naiinlove na ata ako sayo'ng hayop ka!"

Patuloy ko'ng sinusuntok suntok yung tubig. "Hindi pwede! Hindi pwede!" Napatigil ako ng may yumakap sa akin.

"Bakit ka nandito? Paano kung lumakas yung alon? Edi natangay ka. Pwede mo naman ako suntukin e, magpapasuntok naman ako. Mas gusto ko pa yun, kesa mawala ka sakin, Gabby." bulong niya sa akin, ramdam na ramdam ng tenga ko yung hininga niya. At ito na naman yung puso ko, nag ra rak and roll na naman.

Humarap ako sa kanya at sinuntok siya sa mukha, o, ano! Kala mo ha. Ngiting tagumpay na ako ng makita ko'ng dumudugo yung labi niya. Nakaramdam ako ng awa at pag aalala, grabe naman. Ganun ba kalakas yung suntok ko?

"Oh shit, tara Xavier gagamutin natin yan dun." Hinawakan ko yung kamay niya at dali dali siyang hinila papunta sa bahay. Pumasok ako sa loob at kinuha yung first aid kit.

Lalabas na sana ako ng makita ko si Olivia na naka hawak sa mukha ni Xavier, tapos hawak naman ni Xavier yung kamay ni Olivia at pangiti ngiti pa. Ano, talandi ka talagang lalaki ka? Lahat ba ng babae dito lalandiin mo!?

Lumabas na ako at inihagis sa kanilang dalawa yung lalagyanan ng first aid kit. Dali dali akong pumasok sa kwarto at nag impake ng gamit. Nakakaasar siya! Paano na lang kung mag asawa na kami!?

Feeling ko naiiyak ako na ewan, bakit ba kasi ako nag oover react!? Ano ba'ng meron kami!? Wala ngang kami e, atsaka si Olivia, may boyfriend siya at alam ko'ng hindi niya kayang lokohin si Conrad, di tulad ko na kayang lokohin si Froilan.

"Gab.." kumakatok siya habang tinatawag yung pangalan ko. "Mag usap tayo.."

"Tigilan mo na ako, parang awa mo na. May boyfriend ako."

"Gabby, walang pakielam yung boyfriend mo sa'yo. Ako lang yung may pakielam sa feelings mo kasi, mahal kita." Napahinto ako sa pagliligpit ng gamit ko, tama ba yung narinig ko'ng mahal niya ako?

"Ano?"

"Gabby, mahal kita."

"Alam mo'ng mali 'to diba? Sana man lang hinintay mo na mag break kami ni F." Biglang bumukas yung pinto at napatingin na lang ako dun sa pumasok.

"But it doesn't change the fact na may nangyari na sa atin. Pwede ka'ng mabuntis, Gabby at sa ayaw mo at sa hindi ako ang magbibigay ng pangangailangan niyo ng magiging anak natin." lumapit si Xavier, at napatingin ako sa lalaking nasa likod niya.

"Gabby.." naiyak na ako sa nakikita ko, yung lalaking pinaka mamahal ko umiiyak. "Tell me, di totoo yun diba?"

"Sabihin mo sa kanya, Gabby"

"Sorry, F.. I'm really sorry.." lumapit ako sa kanya at niyakap siya pero hindi niya ako tinulak palayo.

"Siguro ako yung may kasalanan nito, nawalan ako ng time sa'yo, di ko kasi alam kung paano ko sasabihin sayo na aalis na ako papuntang France, di ko alam kung papaano ako mag papaalam." Sabi niya na ikinadurog lalo ng puso ko.

"Wag ka nga mag imbento Froilan! May iba ka'ng babae, aminin mo dahil nakita kita sa parking lot!" Sumigaw si Xavier pero nanatiling kalmado si Froilan.

"Kapatid ko yun, matagal siyang nawala kaya mas inuna ko siya." Sagot naman ni Froilan.

"Bakit hindi mo sinabi lahat ng 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Alam ko'ng masasaktan ka, at ayokong nasasaktan ang pinakamahalagang babae sa buhay ko." Hinawakan niya yung mukha ko at ngumiti siya sa akin. "Mamimiss kita, Gabby, wag ka'ng kakain ng kung ano ano ha? Yung shrimp kahit favorite mo yun, wag ka'ng kakain nun kasi Allergic ka dun. Gusto mo mag pantal? At tsaka, alagaan mo yung magiging baby niyo ha--"

"Tumigil ka Froilan! Di kana ba babalik!? Iiwan mo na ba talaga ako!?" Sigaw ko sa kanya at lalong naiyak nung ngumiti siya.

"Yes baby, magkakaroon kana ng bagong buhay kasama si Xavier. Sana maging masaya ka, palagi mo'ng tatandaan na mahal na mahal na mahal kita at ikaw yung pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Natandaan mo yung pangako ko sayo na ikaw na yung last na babae na mamahalin ko? Tutupadin ko yun Gabby, kahit na wala kana sa tabi ko. Hay, ang dami ko'ng plano para sa pagsasama natin sa mga nalalabi nating oras sa mundo. Sayang lang at hindi natin yun matutupad. I love you Gabby, and this will be the last time I will say these words to you. Goodbye."

"Froilan.." maluha luha niyang binitiwan yung mga kamay ko, hinabol ko pa siya pero bigla akong nanghina at natumba na lang.

Ayun yung last na pagkikita namin ng mahal ko'ng si Froilan Lamoreoux. . .



Xavier's Point of View.

Ilang araw na din simula nung umuwi kami galing sa resthouse nila Conrad. Si Gabby devastated pa din sa pag iwan sa kanya ni Froilan na ni isa sa amin walang nakaka alam kung nasaan na siya.

Sabado ng umaga ng may unknown number na nagtext sa akin.

To: 09*********

Magkita tayo sa may theme park na malapit sa mall. Nakatayo ako at naka suot ng black na sumbrero.

Hindi na ako nagreply at pumunta sa nasabing park. Wala masyadong tao dun at isang lalaki lang ang nakita ko, nakatalikod siya at naka sumbrero. Siguradong siya na 'to, lumapit ako sa kanya at humarap siya sa akin.

Pumunta kami sa isang coffee shop para mag usap.

"Andito ako para ihabilin si Gabby sa'yo, siya yung pinakamahalagang tao sa buhay ko kaya sana ingatan mo siya." Mahinahon niyang sabi. "Ihatid mo siya pag pasok at sunduin mo siya pag uwi niya sa school. Pag nag aya siyang manuod ng sine, sana kahit korni at nakaka antok yung palabas pag bigyan mo siya. Tumawa ka din sa mga jokes niya kahit hindi nakakatawa, wag yung pilit dahil ayaw niya nun, yung natural lang. Pag nag ki-crave din siya sa pagkain kahit madaling araw sana bigyan mo siya nagiging moody kasi siya kinabukasan pag di mo binigyan. Gustong gusto niya yung mga gifts, maliit man o malaki na aappreciate niya. Sana bawat araw mapangiti mo siya, mahal na mahal ko yung babae na yun kahit na ang selosa at over protective. Hahaha. Madaling mahalin si Gabby, she's one of a kind women."

"Kailangan mo ba talagang umalis?" Tanong ko.

"Kailangan e, kaya sana alagaan mo ng mabuti si Gabby. Ngayon nahihirapan siya, pero baka sa mga susunod na araw maging okay na ulit siya." Pinunasan niya ng palihim yung mga luha na tumulo sa mga mata niya at ibinaba ng kaunti ang sumbrero niya para hindi makita yung namumugto niyang mata. "Sige, Xave, kailangan ko ng umalis. Makaka asa naman ako sayo diba?"

"Makaka asa ka." Kinamayan ko siya at dun na naputol yung usapan namin kasi tumayo na siya at umalis.

Nagsisi ako sa ginawa ko sa kanila ni Gabby, mahal ko si Gabby pero naawa ako kay Froilan. Totoong mahal niya si Gabby at kahit kailan hindi niya niloko ito.

I Need Your Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon