SP: Crosoft's Confession (Part 18)

Magsimula sa umpisa
                                    

Ibinagsak ko ang sarili sa sahig. Tapos na ang practice – sa wakas! Wala na ring tao sa CFPA. Ito ako, mag-isang nakahilata sa itaas ng stage. Basang-basa sa pawis at nanlalagkit. Kung bakit kasi 'di naka-on ang aircon kapag nagpa-pratice. Kabanas!

Naalala ko naman bigla si Cam. Buti pa ang 'sang 'yon. Day off nun ngayon. Tiyak akong gumagala na naman 'yon sa SM mag-isa.

"Crosoft!"

Kumunot noo ko. Mabilis na umayos ako ng upo. I saw Cam standing infront of the door. Kumay siya saken bago patakbong lumapit sa puwesto ko. Umakyat rin ito sa stage at naupo sa tabi ko.

"Oh, anong ginagawa mo dito?" taas kilay kong sagot sabay abot ng bag ni Cam at binuksan 'yon. Nakita ko ang bottled water niya kaya kinuha ko 'yon, binuksan at ininum ang laman nun.

"Wow, ha? Tubig mo, dae?"

Ngumisi lang ako.

"Anyway, day off ko ngayon."

"Alam ko," ibinalik ko ang bottled water sa bag niya at naghanap ng pagkain sa bag niya. Kaso wala naman akong makita bukod doon sa pink diary notebook niya na may nakasulat na bucket list. "Ano ba 'yan! Magpapakita ka na nga lang saken wala ka pang dala." Ingos ko sa kanya.

"Anong tingin mo saken sari-sari store, ganon?"

"Blah, blah, blah," I messed my hair. Sadya siya, actually. Gwapo daw kasi ako kapag magulo buhok. Sabi ni Cam. Naks! "Anyway, anong meron?"

"Wala," malaking ngisi niya.

Kumunot naman noo ko. "Nakahithit ka ba ng katol ngayon, ha?" Pinitik ko ang noo niya. Napangiwi at natutop ni Cam ang noo. "Tsk, kahit kailan napaka-pack juice mo."

"Ano ba?!" singhal niya saken. "Inaano ba kita? Masama bang makita ka, ha?"

"Bakit mo ko gustong makita?!"

"Eh kasi may mga mata ko! Pack juice ka! Huwag mong bigyang malisya!"

"Ba't ka nakasigaw?!"

"Hindi ah,"

Ngumisi ako. Ang cute talaga ng chubby cheeks na 'to. Umayos ako ng upo. Umisod palapit sa kanya. Hinuli ko ang tingin niya. Titig na titig lang din siya saken. 'Yong poker face niya lagi. Belib din ako sa 'sang 'to eh. Ang galing magtago ng emosyon. BIGYAN NG WELL POWN!

"Crosoft maglaro tayo."

"Ano?" titig na titig parin ako sa kanya.

"Huwag kang paasa. Tapos dapat 'yong taya 'di umasa. Game ka?"

Natawa ako. Seryoso talaga! Sobrang seryoso niya kasi nang sabihin niya ang laro. May hugot talaga. Napahiga ako sa sahig. Tawa parin ako nang tawa.

"Alam mo, maganda 'yang laro na 'yan." Patuloy parin ni Cam. "Life changing."

"Peste ka!" tawa parin ako nang tawa. "S-Saan mo ba 'yan n-nalaman haha!"

Lumuhod ito sa tabi ko at sinilip ang mukha ko. She poked my arm. "Hoy baliw! Ang OA mo masyado. Umayos ka na nga diyan. Nagbibiro lang ako. Tumayo ka na diyan. Magbihis ka kung gusto mo. Libre kita."

"Libre? 'di nga? Mamatay ka na ba?" I pulled myself up.

"Oo, kapag 'di ka pa kumilos diyan. Ang kupad mo!"

"Wow!"


. . . .


"Bakit ba ang gwapo mo lagi?" may inis sa boses ni Cam.

Natawa lang ako. "Kasalanan ba 'yon?"

"Oo, dahil feeling ko ang pangit-pangit ko kapag katabi ka. Iba ang tingin ng tao kapag kasama kita. Parang sinasabi nila saken na ang swerte ni girl –"

MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon