Emmanuel

15 3 1
                                    


Mahal kong Emmanuel,

Masayang masaya ako noong una kitang makilala. Naaalala ko pa noon, lagi kitang pinagmamasadan sa malayo. Hayskul pa lamang tayo noon. Lagi kitang sinusundan, at lagi rin akong dumadaan sa harapan mo. Alam ko pa nga ang hilig mong tambayan, doon sa hardin ng ating paaralan. Hindi kasi kita kaklase, kaya napaka hirap ng sitwasyon ko.

Freshman palang tayo, gusto na kita. Hindi ka naman sobrang gwapo. Pero may hitsura ka. Hay, oo na nga. Alam kong kukunot ang noo mo, sige na. Gwapo ka na nga. Tapos ang talino mo. Sobra. Lahat napag-sasabay mo. Mga requirements natin, co-curricular activities at pagiging active sa mga clubs na sinasalihan mo. Paano mo nagagawa ang mga iyon? Ako nga, simpleng quadratic equation lang, nahihilo na. Tapos yung pagiging mabait mo sa iba. Sa mga kaibigan ko, at siyempre sa akin. Kilala mo ako, siyempre. Hindi man tayo close, more than strangers naman tayo.

Alam mo, Emman, habang tumatagal, mas lalo kitang nagugustuhan. Kaya nga lumala ng lumala. Pag gising ko kasi, mahal na pala kita agad.

Kung anong club ang sinalihan mo, sinasalihan ko rin. Nakakatawa lang. Nagmumukha akong stalker mo. Ay, oo nga pala. Stalker kita, este ako pala.

Dumating yung araw ng birthday ko. Kilala mo naman ako sa pangalan eh. Oh di ba? Inaya pa kitang sumama sa birthday blow out ko. Treat ko pa nga eh. Ang saya pa noon kasi katatapos lang ng exam. Pero tumanggi ka. Sabi mo gagawa ka pa ng project mo. Sabi ko, okay lang. Pero naiiyak na ako. Hindi ko alam kung napahiya ba ako, o nag assume lang na sasama ka. Todo ayos pa ako sa sarili ko noon. Dati, nagsusuklay lang ako sa umaga, pero noong pinagplanuhan ko yung pag-aya ko sayo, wala ring use. Nag effort pa akong gumamit ng conditioner sa buhok at nagblower pa ako noong umaga na yon. Hindi mo man lang napansin ang beauty ko.

Lumipas ang ilang buwan, napasali ka na candidate sa Mr. And Ms. City High. Nainis pa nga ako sa adviser niyong malapit nang makalbo. Sabi ko pa sa sarili ko, "ano ba iyan. Maeexpose na siya sa ibang babae. Nakakabadtrip naman." Naalala ko pa noon, sobrang na badtrip ako. Iniisip ko palang na naka makeup ka, naiiyak na ako dahil mas mukha ka pang babae sa akin. Wala ka lang boobs. Pero wala eh, sumali ka pa rin. Sino ba ako para pigilan ka? I'm nobody to you. Hindi mo nga napapansin ang  presence ko eh. Pero at least, alam mo yung existence ko. Mga kaibigan ko kasi, yung mga idol nilang iba-iba ang kulay ng buhok ,at kung titignan mo mukhang mga bakla dahil sa makeup, ay hindi alam ang existence nila. Sad life. Pero buti pa ako. Stay strong nga lang ang beauty ko sa pagpapa impress ko sayo. At hindi lang iyon, hindi pa ako pinakain ng gabihan nung mama ko dahil naka sagot ako noong binubulyawan niya ako. Sabi niya, "ano, hindi ka sasagot?! Sumagot ka! Huwag kang bastos!" Tapos sumagot naman ako. Pero dahil doon, sinigawan nanaman ako. "Sumasagot ka sa mas matanda sayo?! Huwag kang kakain ng hapunan!" Di ba ang saya lang? Saan ba ako lulugar? Hindi ko alam! Pwedeng diyan nalang ako sa puso mo?

Lumipas ang isang buwan, natapos na rin. Hindi ka naman nanalo pero may mga award ka. Palibhasa kasi, niluto yung laban. Tapos ang dami naring mga babae ang nagkakagusto sayo. Kahit nga bakla eh. Nakakadiring isipin pero totoo. Ang pogi mo kasi! Di kita ma reach! Lalo na yang puso mo.

Isang linggo matapos yong pageant niyo, may nabalitaan akong babaeng nalilink sayo. Akala ko hindi totoo. Balewala lahat ng naririnig ko sa classroom. Oh diba? Kilala ka. Famous ka kasi. Pero habang papalabas ako ng school gate, nakita ko kayong magkasama nung babae sa may tindahan ng mga palamig. Ang saya mo noon. Kitang kita ko sa mga mata mo. Malabo ang mga mata ko pero hindi ako tanga. Mas madali pa ngang mag conclude sa scenario niyo kesa sa mga experimentations na ipinapagawa sa atin nung mga teachers. Nagtama pa nga ang tingin natin noon kaya umiwas ako. Pagtalikod ko sa inyo, bigla nalang akong naiyak. Ang sakit kasi.

Emmanuel [1st Letter]Where stories live. Discover now