"Madumi ka lang talaga magisip. At... Nagkikiss? Ikaw lang ang humahalik sa akin, noh."

"Ewan 'ko sayo. Ang arte mo kasi. Bakit ba hindi mo ako sinagot? Edi sana kung sinagot mo ako, legal na legal na tayong gumawa ng mga bagay na ginagawa ng mga magshota."

"We're not discussing this tonight, Anton." Mariin na sabi 'ko.

"Tss. Ewan 'ko sayo." He kissed my forehead, down to my nose. At hanggang dun lang. "Goodnight. I love you. I'm sorry."

"Yeah, love you too."

Sandali akong napaisip sa sinabi ni Anton pero agad 'ko ding iwinala iyon. As long as walang naffall sa amin. As long as walang commitment. Okay na ako sa kung anong meron kami.

Kinaumagahan ay mas maaga akong nagising kay Anton. Naghihilik padin siya at mahigpit ang yakap sa akin. I get my cellphone on the table at nabasa ang text ni Andrew. Kaninang 7 niya pa ito tinext.

From: Andrew

Pls tell your baby may bball later sa green heights! 9am sharp!

Agad 'kong ginising si Anton. 8:30 na kasi. Varsity sila ng basketball sa university kaya puspusan ang paglalaro nila. Sa pasukan ay araw-araw na ang training nila.

Pagtapos niyang maligo ay sumunod ako. Naka jersey na siya at kicks. Bagay talaga sakanya ang sports attire. Lol.

Kumuha ako ng itim na tshirt niya sa cabinet. May mga shorts at underwear din ako na nakalagay sa cabinet niya dahil madalas ako dito matulog.

Tinupi 'ko ang magkabilang gilid ng shirt at inipit ang dulo nito sa aking shorts at nagsuot ng nike slippers niya. Sinimangutan niya pa ako nang makitang naka short ako. He's always pissed when I wear shorts.

"Good morning! Aga, ah? Saan kayo? Breakfast muna!" Nagbeso ako kay Tita Karla at ganon din si Anton.

"Ah, basketball. Sa labas na po kami kakain ni Olivia. Bye ma!"

Nagdrive siya patungong green heights. Tinext ako nina Zara na nasa green heights na daw sila at late na daw kami.

"Via, okay lang ba sayo na after game na tayo mag breakfast?" Tanong niya at sinulyapan ako.

"Yup! Baka kina Sasha or kina Zara nalang kami mag breakfast. Ikaw?"

"Maybe after the game." He looked at his watch, "I'm late."

Pagdating sa green heights ay kumpleto sila at nagwa-warm up na.

"Nag honeymoon pa kasi kaya late!" Binato agad ni Anton ng sports bag si David kaya nagtawanan sila.

"Gago! Laro na nga!" Humalakhak si Anton at nagsimula na ang laro.

Imbis na magbreakfast kina Sasha ay nanuod lang kami ng laro nila.

"Sasali pa ba tayo sa Maharlikang mananayaw?" Maharlika is yung org ng dancers sa university. Kami kasi ni Sasha ang mahilig sumayaw and yung iba ay more on music and sports inclined.

"Ako, oo. Ikaw?"

"Talaga? Hindi ba magagalit si Anton dyan?"

Napasimangot ako, "At bakit naman siya magagalit?"

"You know.. Uhm, 'coz of what happened last year?"

Natawa ako sa naalala 'ko. Sinapak kasi ni Anton yung kapartner 'ko noon sa sayaw. It was an intense dance. Yung may yakapan, buhatan at lapitan ng mukha. Like that. Ayun, nagsapakan sila hanggat sa na-guidance.

"Syempre noon 'yon kasi nanliligaw siya sa akin that time. Hindi na ngayon." I smiled.

"But I think he's still inlove with you, girl."

Si Anton? Inlove sa akin? "Baliw ka ba? Moved on na 'yan! Ni-hindi nga ata nainlove sa akin 'yan."

"Sure ka ba dyan? Hindi mo ba nararamdaman?"

"Ang?"

"Ewan ko sayo, Anna Olivia. Ang manhid mo." Umiling-iling si Sasha sa akin pero inirapan 'ko lang siya.

Hindi ako manhid noh!

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon