Chapter 32.2.2

Magsimula sa umpisa
                                    

~~

Matapos na makuha ko ang mga gamit ko kina Carl ay pilit na nagyaya si Dalton na mamasyal daw kami saglit. Halos ilang araw na daw sila dun ay ni hindi man lang nila nagawang mamasyal ni Vaughn dahil nga sa pag-aabang palagi sa akin.

Pumunta kami sa Wright Park at gusto daw mangabayo ni Vaughn. Kaya lang n'ung sinabi niya 'yun ay parang may kakaibang ipakahulugan? Ginatukan nga siya ni Dalton at sinamaan siya nang tingin. Magkaibigan nga sila.

"The little devil is on my house, dude." Si Vaughn na nagmukha pang driver sa aming dalawa dahil ayaw man lang humiwalay sa akin ni Dalton.

"Oh, I'm so happy for you, man." Nakangisi pang sagot naman ni Dalton at mabilis na ginagap ang kamay ko at hinalik-halikan. Nakakatuwang isipin na wala na siya ni kapiranggot na hiya kahit pa kasama namin ang nangungunang kontrabidang kaibigan niya sa pagbabagongbuhay niya.

"I can't believe I have to deal with that bitch again." Nakaismid pang sabi niya at kahit gusto kong magtanong ay nanatili na lang akong nakikinig sa usapan nila.

"I wonder how she looks right now."

"Same old witchy look." Walang interest na sagot lang niya at tumingin sa amin sa front mirror. "It's wrong to come with you guys! Nagmukha akong chaperone ninyong dalawa!"

"Pinilit ba kitang sumama?" Nakaismid namang sagot lang ni Dalton.

"Yeah right." Iiling-iling namang sagot lang ni Vaughn sabay itinuro ang pupuntahan namin. "We're here."

Nang makarating kami sa Wright Park ay nanguna na sa pagsakay sa kabayo si Vaughn dahil nauumay daw siya sa aming dalawa. Samantala, namili naman si Dalton ng kabayo at sinisipat pang maigi.

"I like this one." Itinuro pa niya dun sa lalaking naga-assist ang dark brown na kabayo na mukhang maganda naman nga ang built ng katawan. "I'm riding with you."

"Huh? Kaya ko naman mag-isa, Ace." Ngumuso lang ako at mas gusto kong sumakay na nag-iisa.

"I don't trust their horses." Masungit na sagot pa niya.

"Kaya ko mag-isa. Laking hacienda ako remember? Kawawa naman ang kabayo kung dalawa pa tayo."

"That's the reason why I am picking."

"Basta! Ako lang mag-isa!" Maktol ko pa at napaikot lang ang kanyang mga mata. Alam kong alam niya na hindi niya ako mapipilit sa gusto niya. At nakakatuwa na palagi din naman siyang sumusunod kahit ayaw niya tulad ngayon.

"Stubborn woman!" Nakasimangot pang sabi lang niya at namili ulit ng isa pang kabayo. "I like this one. What's his name?" Tanong pa niya dun sa lalaki.

"Stallion po, sir."

"Cool." Tumangu-tango pa siya bago ako balingan. "Are you sure you'll be fine?"

"Yup!" Nakangiting sagot ko pa at tangka na sana akong aakyat nang biglang umalalay sa akin 'yung isa pang lalaki na naga-assist din.

"Hey, hey!" Halos umalingawngaw ang boses ni Dalton at parang alam ko na kung bakit.

"No ones touching my girl, dude." Masungit pang sabi niya dun sa lalaki na napakamot naman ng ulo.

"Ace, ano ba?!" Saway ko naman at iiling-iling pa niya akong tinulungang makasakay sa kabayo. "Tinutulungan lang naman ako!"

"I said no ones touching you, pumpkin. You're Dalton Ace property. Remember that?"

"Jeez..." Pinaikot ko lang ang mga mata ko at pinaningkitan naman niya ako ng kanyang mga mata.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon