Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)

Beginne am Anfang
                                    

Wala pang isang minuto, lumabas na rin si Kent.

"AKIN NA NGA, AMBOBO KASI AMPF! ANG DALI DALI LANG NITO, MAKINIG KA NGA SA TEACHER MINSAN PHOEBE! AKIN NA! BILIS

Yes! Effective.

Natulala siya, five minutes lang yatang binutingting ni Kent yung project at tapos na. Wagas na itong himihina at lumalakas ang ilaw.

"Ayan!"

"Wow." 

"Hwag ka nang maingay ah, kapag nag-ingay ka pa, pupunta ako dito sa kwarto mo at wawasakin ko sa harap mo yang project mo! OKAY?!"

"Okay." todo ngiti si Phebe. "Thanks Kent ha?" nahihiya naman siya ngayon. Mukha kasi siyang tangang sigaw ng sigaw kanina.

 Mukha kasi siyang tangang sigaw ng sigaw kanina

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Kinabukasan, na-late na siya nagising. Dali-dali tuloy siyang naligo at tumakbo sa school.

"Walangyang Kent to! Di man lang ako ginising!"

 Malapit na siya sa school ng makitang ang daming tao sa may gate. May press pa, at iba't-ibang parang mga fans na nakalabas ang smartphones at cameras.

Ano naman kaya 'to Bakit ang dami-daming tao? Either si Kent lang to oh si Elisa eh, sila lang naman ang celebrity sa school namin. Pero anong meraon ngayon? Di naman nila birthday.

Habang papalapit siya, bigla na lang nag-ring yungg cellphone niya na ikinagulat niya.

"Hala. Ano ba naman 'to, nakalimutan ko i-silent buti na lang, hindi pa ako nakakapasok sa room, kung hindi lagot na naman ako. Sino ba 'tong tumatawag?"

Si Jhone. Nagtanong pa siya. Wala namang ibang tumatawag sa kanya kundi ang bestfriend niya.

"Yes?" nakangiti at masigla niyang bati.

"Hoy bruhilda! At sa boses mo mukhang kampanteng-kampante ka pa diyan, late ka na kaya, malapit ng dumating si ma'am Cagula. Ano? A-absent ka ba dahil di mo nagawa yung project mo?"

"Mmm Mmm!" umiling-iling siya habang lumalawak ang pagkakangiti. "Tapos ko po!!! Hahahaha!" gustong pumalakpak ng tenga ni Phoebe. Tapos naman talaga siya. At alam niyang pulidong-pulido ang pagkakagawa niya.

"Weh?! Hindi ako naniniwala?"

"Oo nga kasi!"

"Eh nasaan ka na? Bakit wala ka pa ngayon dito?"

"Late nga ako nagising. Tapos ang dami pang tao dito sa labas. Ano bang meron?"

"Anong meron? Ako? Nanalo kasi ako sa pageant at magiging representative sa Bb. Pilipinas. Kaya ayan, nasa labas sila para hintayin ako. Because you know..."

"Huh? Nanalo ka ba sa kung anong pageant?"

"HAHAHAHA! GAGA! Gullible mo talaga!! Malamang araw-araw tayong magkasama! Nandiyan kasi si Harley Villaluz."

          

"Huh? Sino yun?"

"Bopols ka talaga! Hindi ka ba nanunood ng tv? Si Kensungit lang yata ang kilala mong artista."

"Ano namang gagawin ko sa Harvey na yun."

"Ngengot. Hindi Harvey. Harley! Yung parang sa motorsiklo. Harley." pinipigilan ni Jhone na matawa. "Artista din yun. Kumabaga, siya ang Kent Fuentabella ng kabilang network. Si Harley Villaluz."

Harley? Yun yata yung lead actor sa kabilang channel kasabay ng timeslot nila Kent eh. Nagtransfer dito?

"Sige na bilisan mo, baka ako'y malate na rin nandito lang ako sa CR para tumawag sa'yo!! Bye!"

Tumango-tango na lang si Phoebe dahil parang naalala na nga niya na may Harley Villaluz nga pa lang rival si Kent mula sa kabilang network. Nababalikwas siya mula sa pag-iisip ng marinig ang ring ng school bell.

"Hala! Nag-bell na! Late na nga ako!"

Dali-dali siyang tumakbo sa loob habang maingat na hawak-hawak ang light dimmer niya. Alam niyang mahigpit naman talaga si si Ma'am Cagula. Kapag hindi mo napasa on time, hindi ka na niya pagbibigyan. Tumakbo siya ng mabilis at paiwas sa mga taong nagkukumpulan. Masaya siyang nakalampas sa mga nag-aabang na press pero tumakbo pa rin siya ng makarating na siya sa loob ng campus.

Kaya hindi niya napansin ng May nakabanga siya.

*BLAG*

Nanlaki ang mga mata niya. Bukod sa napaupo siya dahil sa impact ng pagbangga niya sa isang tao,  nahulog pa yung light dimmer niya na ginawa pa ng asawa niya. Nasira ang katangi-tanging bagay na ginawa ni Kent para sa kanya. Wala na siyang pakialam sa iba niya pang nagkalat na gamit kahit na halos naglabasan lahat ng laman ng bag niya.

"Sorry miss!"

"Anong sorry? Late na nga ako tapos yung project ko di ko alam kung sira n--"

Hala. Ang gwapo naman nito? Di niya mapigilang sabi sa sarili Sino kaya siya? Di ko malaman kung cute ba siya o gwapo. Ah basta! Huh? Anong pinagsasabi ko! Parang wala naman akong asawa kung makapag-cute dito sa nakabangga at nakasira na nga sa ginawa ng asawa ko para sa akin.

"Damn. Sorry! I'm really sorry." nanghina si Phoebe ng hawakan siya ng lalaki sa dalawang braso at hinila siya patayo. Feeling niya ay ang vulnerable niya. "Sorry talaga, miss! I didn't see you eh." pumunta naman ang paningin ng lalaki sa project na nahulog. "Naku nasira ko pa yata. Okay. Allow me to look into this, at sana magawan ko ng paraan."

Napatingin si Phoebe sa paligid. Ang dami na palang nakitingin sa kanya. Hindi siya sigurado, pero parang tinataasan siya ng kilay ng mga babae sa nakapaligid. Pagtingin niya sa mga kinatatayuan, nasa tapat pala siya ng Section A.

Naisip niya agad si Kent.

Oh God. Nakita kaya ni Kent na nahulog ko yung light dimmer. Wala na. I'm dead.

"Naku!" inagaw niya sa kamay ng lalaki ang proyekto "Kuya, hwag na. Kaya ko na ito."

"Kuya? Haha!" napatawa ang lalaki. Gusto na ni Phoebe na magtago sa ilalim ng kung sino mang palda. "No I insist, ako naman ang nakabangga sa'yo eh. Kaya ko naman siguro yan."

Habang nag-aagawan sila sa PCB, timitingin din sa gilid gilid yung mata niya. Lagot kasi siya talaga kay Kent kapag nalamang nasira lang niya yung ginawa nito kagabi.

At isang ikot lang ng mga mata, nakita niya nga ang kinatatakutan. 

"Hoy ikaw! Nagpapapansin ka na naman dito ha?"

"Excuse me Ken Tomas Fuentabella, hindi ako nagpapapansin kahit kanino!"

"Shut Up!!" Namutla si Kent.

Secretly Married (Completed, 2011)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt