"Ano na naman bang gusto mo, Louise? Sabihin mo na at nagmamadali ako." Walang gana kong sagot. Tinignan niya lang ako.
Pero bigla niya akong sinabunutan! Hindi ako handa sa pangyayari kaya naman hindi ko alam kung paano ako makakawala sa pagkakahawak niya sa buhok ko.
"Malandi kaaa!" Sigaw niya habang hawak niya ang buhok ko. Hawak ko lang ang tyan ko kaya hindi ako makalaban sa kanya. Di bale ng sabunutan niya ako kesa naman matamaan niya ang tyan ko.
"Bitawan mo ako!" Pilit akong kumakawala sa kanya pero ang higpit pa din ng hawak niya sa akin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Pero nasipa ko siya sa tyan kaya medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Lumayo na ako sa kanya. Pero mabilis niya akong nahabol at tinulak ako. Tumilapon ako sa semento.
Ang baby ko! Naramdaman ko na nasakit na ang balakang ko. Para akong nanlalambot. Hindi niya pa din ako tinigilan. Hinatak niya pa din ang buhok ko. Parang namanhid na ako sa sakit ng anit ko. Kailangan ko makaalis kahit na alam kong imposible na.
Nakadapa ako habang nakapatong siya sa likod ko at hawak ang buhok ko. Gumagapang na ako para makita ako ng tao dahil nasa parking area ako.
Walang patid ang tulo ng luha ko. Wala si Alden ngayon. Hindi niya ako matutulungan.
"Sabi ko naman sayo diba?!! Babawi ako!!" Galit na galit na sabi niya. Patuloy pa din ako sa pag gapang. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may umaawat na sa kanya.
Pinaupo din ako nung isang matanda na tumulong sa akin. "Diyos ko! Tumawag kayo ng ambulansya!"
Nakita ko na may naagos na dugo sa binti ko. Ang daming dugo!
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide (MaiDen) COMPLETED
FanfictionThey were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and live under the same roof? Wala silang nagawa. Lagi silang nag aasaran.... Nagkukulitan, pero hi...
Forty Eight
Magsimula sa umpisa