Nueve

6 0 0
                                    


November 2018


Malamig na ang simoy ng hangin. Hudyat na nalalapit na ang Disyembre. Hudyat na malapit ng matapos ang larong ito.


Wala ng pag-asa.  Pero pinilit ko pa ring ngumiti.


Ayaw kong makita niya akong malungkot at umiiyak.


Dinala ko siya sa gitna ng gubat kung saan may isang batis na napapaligiran ng mga bulaklak, kay ganda! Sa harap ng malinaw na tubig, nagsimula akong magwika.


Mga salita ng nakaraan.


Mga salita na palagi naming sinasabi noon sa isa't-isa.


Unti- unti siyang lumayo at dahan-dahang tumalikod at tumakbo. Isang gabi akong hindi bumalik sa bahay na pinaglalagian namin.


Isang gabi ng kalungkutan at kasawian...........

JanicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon