ANG MALAKAS na tunog ng cellphone ang nagpagising kay Juke.
"Aysss!" angal niya, agad niyang tiningnan kung sino ang caller.
MISERABLE GIRL CALLING...
Napabalikwas ng bangon ang binata. Hindi malaman ang gagawin. Bakit siya tinatawagan ni Cassey sa ganoong oras? Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kanilang kwarto, wala ito. Nagmamadali siyang nagtungo sa banyo, wala din ito.
"Nasaan kaya iyon?" tanong pa niya sa sarili. Sinigurado munang walang makakarinig sa kanya bago sinagot ang tawag ng dalaga. "Hello?"
"Hi! Nagising ba kita?" tanong ni Cassey sa kabilang linya.
"Obvious ba? Anong oras na? Tingin mo sa'kin, kwago? All nighter?" sigaw na nasa isipan lang ng binata. "Naku, hindi." ang salitang namutawi sa kanyang labi.
"Pasensya kana, ha. Ang kapal ng mukha ko, 'no?"
"Buti alam mo! Ang sarap ng panaginip ko, inistorbo mo!" muli sa isipan lang ng binata. "Okay lang, no problem." nakasimangot niyang wika.
"Pwedeng humingi ng favor?"
"Aba! Aba! Aba! Ang kapal naman ng feslak mo! Matapos mo akong pahirapan, hihingi ka ng favor? Neknek mo!" sa isip na naman ng binata. "Sure. Ano 'yun?" nanulas sa kanyang bibig.
"Pwede mo ba akong kantahan ulit? If we hold on together. Pasensya kana, ha. Gusto ko lang maalala ulit ang meaning ng kantang 'yan. Lalo na sa ganitong pagkakataon na hindi ko na alam ang gagawin. Sorry ulit, ha! Wala kasi akong ka-close. Wala akong taong pwedeng pagsabihan ng paghihirap ko. Walang willing makinig at umintindi sa'kin. Noong marinig ko ang boses mo habang kumakanta, sa unang pagkakataon, gumaan ang pakiramdam ko. Kahit ngayon lang, pakinggan mo ako." umiiyak na si Cassey. Nakayupyop ito habang nakatago sa isang sulok.
Natigilan si Clark. Ang balak na pagbara sa dalaga ay hindi na itinuloy. Narinig niya ang paghikbi nito.
IF WE HOLD ON TOGETHER
Don't lose your way with each passing day
You've come so far dont throw 'till the endValley... mountains there is a fountains
Washes our all awayIf we hold on together
I know our dreams will never die
Dreams see us through to forever
Where clouds roll by for you and ITinakpan ni Cassey ang kanyang bibig upang mapigilan ang paghagulhol. Iyon ang madalas kantahin sa kanya ng kanyang lola. Ang nag-iisang taong kumupkop sa kanilang magkapatid, nagpaaral ngunit ngayong ito ang nangangailangan ng tulong, wala siyang magawa.
Napigil ni Juke ang sariling paghinga. Hindi niya inaasahan na may ganoong pinagdadaanan ang dalaga. Ang tapang at taray nito ay hindi pala tunay dahil ang kalooban nito ay puno ng lumbay at pasakit. Pinakinggan lang niya ang impit nitong pag-iyak.
"Sorry at salamat." sa pagitan ng pag-iyak ay wika ng dalaga.
"I'm Juke. Whenever you need my voice, I'm willing to lend it to you. If you need my ears, I will lend it to you. So from now on, there is someone who can listen to you. Just remember my name, Juke."
Tumango lang si Cassey na animo ay makikita ng binata. Pinatay na niya ang sariling tawag. Nakahinga na siya ng maluwag. Ilang sandali pa, nagpasya siyang magbalik na sa kanilang kwarto.
NAGKUNWARING mahimbing na natutulog si 'Lalaine'. Naramdaman niya ang dahan-dahang pagbukas ng pintuan ng kwarto, kaluskos at ang tuluyang paghiga ni Cassey sa kama nito. Napahinga ng malalim ang binata. Dahil sa natuklasan, unti-unting nagbago ang tingin niya dito.
BINABASA MO ANG
SWEET MELODY (SERIES 2: THE BOYS) BY: REINAROSE
RomanceSYNOPSIS: Napilitan si JUKE na magpanggap na isang babae dahil hinihingi ito ng pagkakataon, wala siyang pagpipilian kundi ang makiayon. He act very fine without anyone knowing his true identity, ngunit sa hindi inaasahan ay matututunan niyang mahal...