Hinahampas ko pa ang dibdib ko para kumalma ako. Pero sa tuwing maiisip ko yung close up na mukha ni Dory at yung boses niyang bagong gising na medyo husky...
Nakakaturn on...
Patuloy pa din sa pagtunog ang cellphone ko. Kaya basta ko na lang sinagot.
"Hello?" agad na sabi ko nang sagutin ko ang tawag.
"Pareng Neo!"
Tinignan ko ang screen saka binalik sa tenga ko. "Bakit na naman Erskin?"
"Oh bakit parang high blood ka? Naparami ba kain mo ng chicharon? Aba nakakahigh blod nga yan."
I rolled my eyes. "Pwede ba? Sabihin mo na lang." naiinip na sabi ko.
"Ikaw naman Pare.. kakauwi ko lang. Wala ba akong I miss you man lang dyan?"
Kinilabutan ako. "Kadiri ka. Kilabutan ka nga." at tumawa lang ng malakas ito.
"Pero ito seryoso na---"
"Kailan ka ba naging seryoso?"
"Wag mo akong putulin dyan. Patapusin mo na ako para seryoso na."
"Okay. Fine."
"Punta kang Il Paradiso bukas. Magpaparty si JT. May bagong band siyang ilalabas." tukoy nito kay Jazz. Isa ding member at meron music company.
"Kailan ba?"
"Siguro punta ka kahapon." sarcastic na sabi nito. "Bukas nga di ba?"
"Kung sinasapak kaya kita?" naasar na sabi ko.
"Eh kasi naman sinabi ko ng bukas eh. "
"Oo na. Oo na."
"Libre ba ngayon si Ms. Preggy? Kasama mo ba? Sama mo kaya?" suhestiyon nito. Ayaw ko nga. Baka kung ano pang sabihin nila kay Dory.
"Hindi ko alam. Hindi---"
"Nemo! Okay ka lang?" katok ni Dory sa labas.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...
Finding fifteen
Magsimula sa umpisa