"Ayos lang ako ma," nakangiting saad nito. Bwisit! Ngumingiti ngiti pa siya. Pwe.

Napadako ang tingin nito sa katabi ko.

"Ba't ka umiiyak Bea? Dapat nga matuwa ka at heto na ako."

"Loko ka kasi dahil pinag-alala mo ko."

"Mahal mo kasi ako kaya ganun."

"Mahal naman talaga kita kaya huwag mo na kong tatakutin muli ng ganun kung ayaw mong magalit ako sa'yo."

"Pangako. Hindi ko ata kayang magalit ka sa akin, mi amor."

"Ikaw Daniel kumusta ka?"

"Mabuti naman ako Jhake. Dapat hindi mo na kami inaalala. Mas kailangan mong pag-alahanan ang sarili mo."

"Naninibago ata ako sa'yo ah. Hindi ka naman ganyan magsalita dati."

"Na-realize ko lang kasi na dadalawa na nga lang tayo, mag-aaway pa."

"Actually Jhake si Daniel 'yung tumulong sa akin sa pagmamanage ng kompanya habang narito ka sa hospital."

"Glad to hear na narealize mo na rin Daniel ang tamang landas."

Lexi's POV
Nandito ako ngayon sa harap ng isang italian restaurant.

"Sigurado ka ba Joyce dito?"

"Ito lang ang paraan para mapakulong si Daniel."

"Paano pagnahuli niya tayo?"

"Kaya nga galingan mo. Act as if wala kang ginagawa para ibuking siya ng hindi siya magsupestya."

"Pero kinakabahan talaga ako."

"Nagawa nga niyang itago sa atin ang mga ginawa niya kaya dapat kaya mo rin."

"Sige."

"Good luck," sipi nito kaya naman nagbuntong hininga ako at pumasok na nga sa loob.

Umupo ako nang makakita na ako ng spot.

Maya-maya pa ay dumating na rin si Daniel kaya naman pinag-on ko na ang voice recorder na hawak-hawak ko.

"Daniel."

"Anong kailangan mo?"

"Nabalitaan ko na gising na raw si Jhake."

"Ano naman ngayon? Eh di dalawin mo siya."

"Alam mong hindi ko kayang gawin 'yun."

"Bakit naman hindi?"

"Hindi ko kayang bisitahin siya dahil sa nalaman kong ginawa mo."

"Oh that. Lexi try mo rin nga minsan."

"Hindi ko kayang pagtangkaang patayin ang sarili kong kapatid Daniel. Hindi ako katulad mo."

"Tama hindi nga," aniya at naramdaman kong nawala na ang recorder sa kamay ko.

"Hindi ako madaling mauto Lexi. Anong ibig sabihin nito? Gusto mong i-record ang sasabihin ko. Pues, wala na. Kahit sabihin ko man ngayon na ilang beses ko ng pagtangkaing patayin si Jhake wala ka ng magagawa."

"Napakasama mo talaga. "

"Thank you for your compliment. By the way, pangalawang beses na 'to. Sinong gusto mong unahin ko?"

"Daniel nagmamakaawa ako. Hindi na mauulit please. Huwag mo lang sasaktan ang mga mahal ko sa buhay."

"Ang usapan ay usapan. Sorry ka na lang."

"Ganyan ka na ba kasama? Mga walang kamuwang-muwang na tao papatayin mo! Wala kang puso. Ni hindi ko nga malaman kung paano mo nagawang magmahal. Kawawa naman si Bea, minamahal ng isang taong walang puso. Ano kayang magiging reaksyon niya pagnalaman niya ang ginagawa mo?"

"Subukan mo dahil mararanasan mo ang impyerno," aniya habang mahigpit na nakahawak sa pulsuhan ko.

"Hindi mo ko kilalang magalit," sipi muli nito at marahas na binitawan ang kamay ko't umalis na nga.

Napasubsob na lang ako ng mukha sa mesa.

Bea's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin ni Barbie habang naiisip ang sinabi sa akin ni Lexi kanina ng magkita kami.

"Kumusta na si Jhake?"

"Ayos naman na siya pero ba't hindi mo na lang siya bisitahin?" tanong ko rito pero nginitian lang ako ng tipid.

"Si Daniel, huwag mo siyang pagkakatiwalaan."

"Huh? Bakit naman?"

"Basta. Hindi mo alam ang nagawa niya o kahit ang maari niya pang gawin."

"Hindi kita maintindihan. Anong ibig mong sabihin?"  Saad ko na bakas pa rin ang pagkalito sa mga sinasabi niya.

"Pasensya ka na pero hindi ko pwedeng sabihin sa'yo eh. Magtiwala ka lang sa akin kung ayaw mong mapahamak ka lalong lalo na si Jhake," aniya at umalis na.

Anong ibig sabihin ni Lexi?

Ba't hindi ko pwedeng pagkatiwalaan si Daniel?

Ano bang ginawa niya?

(a/n: Hi po. Kumusta na kayo? Dapat talaga last chapter na 'to before ang epilogue pero hindi kinaya ng powers ko kaya may isa pang chapter. After ng next chapter ay epilogue na. Sinong excited? Sinong nalulungkot? Sige. Bye for now.)

Pretense or RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon