Mas nag-aalala pa nga ako sa kanya kesa sa kaibigan kong si Toni na siyang dahilan ng kalungkutan ko ngayon. Actually, it's breaking her to pieces and I know how it feels. It's breaking both their hearts—one of them already admitted and one seemed to be in denial still.
Kahit anong pilit kong kalimutan ang eksenang nasiksahan ay bumabalik at bumabalik pa rin ito sa'king isipan.
Kotang-kota na talaga si Galaxy sa pagiging babaero. Mas inuuna pa niya ang pambabae kesa sa hanapin si Toni. I have no free time too in my hands. Minsan na nga lang kami may libreng oras ni A ay kailangan pa talagang mapurwisyo dahil sa kanya!
Kung bakit din kasi nakinig ka sa kanya, L! Eh di sana ay alam mo na kung saan hahanapin si Toni. Bahala na nga!
Nagmamadali na lang ako sa paglalakad papunta sa kwarto ni A na napag-alaman kong katabi rin pala ng kwarto ni Jayveen. Instead going to the shorter route ay sa mas malayo ako napunta dahil hinanap ko pa kasi si Toni hanggang sa dulo ng Engineering building.
Bago ko pa mabuksan ang kwarto ni A ay may hagulhol akong naririnig sa may di kalayuan. Napaikot ang tingin ko sa buong paligid pero wala naman akong nakikitang tao. Kung gabi lang nangyari ito ay tatayo na ang balahibo ko sa takot. That would be so creepy!
Ibinalik ko na naman ang atensyon sa hindi pa rin nabubuksan na pinto nang may narinig na naman ako na paghikbi. This time I'm sure it came from Jayveen's room.
"Jayveen?" pagtawag ko rito habang naglalakad patungo sa pintuan niyang nakabukas ng kaunti.
"Jayveen!" tawag ko na naman sabay katok pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Bawat hakbang ko ay mas lumalakas ang pag-iyak nito.
"Papasok ako, ha? Okay lang ba?"
Hinintay ko ang pagsagot nito ngunit dahil wala naman akong natanggap ay pinaunlakan ko na ang sarili na pumasok.
Nalito pa ako nung una dahil hindi ko ito makita. Her room is dark and very silent. Kung hindi lang nito tinawag ang pangalan ko ay hindi ko rin agad siya makikita.
"Hey! Anong ginagawa mo dyan sa sahig?" puno ng pag-aalalang paglapit ko rito at sinarado ng maayos ang pinto.
She's been crying and it's breaking my heart. Kahit madilim ay makikita mo pa rin dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bentana ng kusina.
Kinuha ko agad ang panyo sa pantalon ko ngunit inunahan ako nito ng pagyakap niya kasabay ng pag-iyak ulit nito.
Malambot talaga ang puso ko sa ganito. I was bullied before kaya naaalala ko pa ang sarili kong umiiyak sa gilid ng higaan ko gabi-gabi. Seeing Jayveen like this, opens that scar back in me.
"Heart... Ang sakit-sakit po," umiiyak na wika nito.
The only reason that I could think of was the same scene that everyone witnessed. Iyon ang isa sa mga mali ni Toni na ikinadismaya ko nang lubusan. I mean, it wasn't her fault that Erica approached her. But she always had a choice to immediately pushed her away lalong-lalo nang pinapakita niya sa lahat na si Jayveen ang girlfriend niya. Kahit walang opisyal na salita mula sa kanilang dalawa, kahit sino ay iyon ang iisipin. So, her moment with Erica was a big slap to Jayveen's face. If I was Jayveen, I'd walk out, too.
Ang hirap lang kasi nung pinaparamdam ng tao sayo na importante ka pero 'yong totoo iba ang nilalaman ng puso nila. Alam na alam ko kung ano ang pakiramdam ng ganun.
"It's about Erica and Toni, isn't it?" pagklaro ko. Baka kasi may nangyari pa kasunod nun. Or maybe a part of me is hoping that I'm wrong.
Imbes na sagutin ako ay umiyak lang ito lalo. Hinahaplos-haplos ko na lang ang likod nito hanggang sa kumalma na siya at doon lang nagkwento sa totoong dahilan ng pag-iyak niya.
BINABASA MO ANG
Drunken Love (The High Five Book 1)
Teen Fiction🏳️🌈| Completed ✅ | 🇵🇭 Filipino|The High Five Barkada Serye (Book One) | Jayveen Raye is the eldest to a family of four who doesn't let any distraction get in the way to her goals. Her determination and persistence earned not only the scholarsh...
Chapter 19: Apart
Magsimula sa umpisa