Doon na siya biglang kinabahan. Hindi naman sila sobrang yaman gaya ng mga Montelvaro, pero alam niyang mayaman sila ng kuya niya. Hindi naman kaya...
"Hindi mo ba alam na ang kuya mo—"
"Stop! Stop right there! Ayokong marinig!" Agad na putol ni Jeanna sa sasabihin ng binata na nagkumpirma na sa iniisip niya. "Change topic!"
Natawa si Kieth. Hindi niya ba alam kung matutuwa siya dahil doon o hahampasin niya ito dahil aliw na aliw na naman ito sa kanya. "Jeno is a good friend of ours. It's still a mystery to me on why we didn't see you before."
"Hindi ko rin alam pero baka dahil na kila JL ang madalas noon."
"Oh, that could be a reason why." Nasa tawa ng binata na para bang may mga naalala ito. "Lagi rin kami sa bahay ninyo noon. May nakalagay pa nang warning sa fridge na bawal kumuha ng macarons."
Doon na lang din siya natawa. Nakikipag-away pa siya noon sa kuya niya na 'wag kumuha ng mga macarons niya.
"Delikado namang bigla na lang ako mawalan ng macarons, and remember they are my favorite."
Napangiti na lang ang binata at pinisil ang pisngi niya.
Nang makarating sila sa airport ay last call na ng mga passengers kaya naman nagmadali sila. Hindi pa rin siya sanay kaya naman nang kunin ni Kieth ang kamay niya pars hawakan, heto na naman ang puso niya sa pagkabog ng malakas.
Goodness, self, feeling teenager!
"Saan tayo?" Tanong niya habang palinga-linga. To be honest, she's simply trying to distract herself from making a big deal about Kieth's warm hand.
"Business." Sagot ng binata at nagpatuloy sa paglalakad hanggang may mag-assist na sa kanila.
Hindi pa siya masyadong nagtatravel dahil na rin sa mga trabahong meron siya. But being in this luxurious bussiness class reminds her of JL and their once in a blue moon out of the country.
"Which seat do you prefer?" Tanong ng binata sa kanya.
"Dito na lang." Pumwesto siya sa tabi ng bintana. "Or gusto mo dito?
Umiling ang binata at naupo na rin sa tabi niya. "I'll get some sleep first, okay? You should, too."
* * * * * * * * * *
Hindi maipaliwanag ni Jeanna ang ganda ng paligid. Kung hindi siya nagkakamali, pangatlong beses pa lang niya dito sa Boracay. Now, she's eager to make a mental note to travel more.
"Sa susunod ipaalala mo ngang babalik tayo dito." Sabi ni Jeno at inakbayan siya.
Napangiti naman siya at niyakap ang kuya. "Dito ka na lang ikasal, kuya. Ako pa ang bahala sa honeymoon niyo."
Tawa lang at pag-gulo sa buhok niya ang sagot ng binata pero alam niyang tinanggap nito ang ideyang iyon. Iniwan na siya nito at pumunta na ulit sa ate niya. Kahit saan naman talaga ikasal ang kuya niya ay ayos lang. Ang mahalaga sa kanya ay ang maikasal ito sa babaeng magpapasaya sa kanya.
Nilibot niya ulit ang tingin sa kabuuan ng lugar. Isa pang mental note, dito na rin niya dadalin ang staff niya. Ang huling team building ng mga ito sa kanila ay ang Ilocos tour na pinagbotohan ng mga ito.
"Jeanna?"
Napalingon siya sa nagsalita at napangiti. "Hmmm?"
Kieth immediately takes her hand to hold it. "Do you want to see the whole place now or rest first? Everyone's doing their own things first before tonight."
"Maglibot na lang. Tulog na kaya tayo buong byahe." Sagot niya. She entertwined their fingers. "Tara?"
Isa sa mga napapansin niya kay Kieth ay ang pagiging mapulahin ng tenga nito. Hindi pa naman niya tinatanong kung bakit pero marami na siyang nababasa na baka nahihiya ang isang tao kapag ganoon. Pero hindi naman siguro nahihiya ang binata sa kanya, 'di ba?
BINABASA MO ANG
Owned by the Devil
General Fiction[UNDER REVISION] If fate has already been decided after Cinderella had her perfect shoes... there truly is no escaping the not-so-fairytale that comes next. * * * Jeanna De Lara is stuck to her past love. He was her first, at walang makasisisi sa k...
✓ Chapter Eleven: Sunset
Magsimula sa umpisa