"Sorry.."
"Iniisip mo si Miguel no?"
Of course kilala niya na 'yon. Kwine kwento ko din sa kanya after ko isulat yung nangyari e. At least kapag nakalimutan ko. Maaalala niya.
"Kahit ako din naman nasa posisyon niya yun din sasabihin ko sayo. Syempre mas gugustuhin ko na safe ka kesa naman andon ka pero deads na."
"Deads agad te?"
"Hello? Crazy kaya yung tita mo don. Buti nalang dito kabaliktaran naman. Takot nalang nila sa family mo."
Napaisip naman ako sa kung anong balak sa akin ng tita ko don. Wala naman kakaibang nangyayari simula nang ibalita sa amin ni Tita, mother ni Miguel na buhay siya. Pero imposible naman atang wala siyang gagawin masama. Pineke niya nga pagkamatay niya e. Who knows kung ano pa kaya niya gawin. Tama si Faye. She really is crazy.
"Sige. Tulala kana naman dyan. Mabuti nalang nakapag papasa ka pa din ng mga requirements on time. Hindi naman na a apektuhan pag aaral mo so harot lang nang harot. Pero mag ingat ka ha at kinakabahan din ako dyan sa ginagawa mo."
Napailing naman ako sa kanya. Ang bunganga na naman ni Mama Faye.
"Noteeed!"
"Siya nga pala. Nasira yung printer natin. Lalabas ako mamaya para i-print reviewer ko. Gumawa ka ba sayo?"
"Syempre. Ikaw lang naman ata nakakaintindi reviewer mo."
Puro initials yung kanya. Okay naman siya i memorize kaso nakakalimutan ko meaning kapag ganon binasa ko. Magfa finals na kasi kami. Ayoko naman bumagsak. Grade conscious ka ghorl?
Kinuha niya yung notebook na puno ng highlights. Ano 'to? Bakit hindi niya nalang ginuhitan lahat jusko.
"Ikaw i review mo itong part na 'to tapos ako dito sa kabila. Teamwork!"
Napahilot naman ako sa sentido ko pagkatapos niyang sabihin yon. Nakalimutan niya atang by surname yung chair arrangements.
"Magkalayo tayo ng upuan sa subject na yan baliw."
"Oo nga no? Sige kay Erika nalang ako kokopya."
Katabi niya yon ng upuan. Matalino din. Pero di naman lagi nagpapakopya yon lalo na kapag tinopak. Bayad daw muna. Pinagkakitaan amp-
Sabagay. Nireview niya yon e.Nilipat ko nalang sa usb yung mga ipapa print ko habang hinihintay siya matapos mag note. Sasama nalang din ako magpa print. Sa labas na din kami kakain kasi tinamad na magluto.
"Tara na."
"Hindi na ba tayo magbibihis?"
Tinignan naman niya suot niya. Parehas kami naka oversized shirt. Siya naka leggings ako naman naka short.
"Wag na. Malapit lang naman e."
Kinuha ko nalang yung sweater ko tsaka tinali sa may bewang para matakpan yung legs. Ewan ko ba ang conservative ko dito pero kay Miguel hindi.
Pagbukas pa lang ng elevator bumungad na sa amin agad ang mukha ni Ranz. Yung nagpapapansin kay Faye. Napatingin naman ako sa kanya na nakasimangot na ngayon. Banas yan sa pagmumukha ni Ranz e. Ewan. Ang cute pa naman nila.
"Uy hi miloves! Paakyat pa lang ako e."
"Kapal naman ng mukha mo para pumunta doon ng wala man lang pasabi," sumbat ni Faye. Nako kapag nalaman niya na pumayag ako babatukan ako neto.
"Kapag sinabi ko ba papayag ka?"
"Hindi."
"E bakit ko pa sasabihin? Ang cute mo din e."
Napahinto sa paglalakad si Faye. Sumenyas naman ako sa kanya. Takbo na gago. Umiinit na ulo nyan sayo. Hindi naman siya nagpatinag at nakipagtitigan pa talaga kay Faye.
Bakit ba ko napapaligiran ng mga ganitong tao. Mas lalo ako masisiraan e. Si Miko na marupok. Si Faye na laging beast mode at itong si Ranz na weirdo. Oh well.. idagdag na din natin si Estella the paasa.
Ako nalang matino. Hehe
Hinayaan ko nalang silang dalawa magbangayan. Third wheeling again. Hay nako..
BINABASA MO ANG
Lost in my Dreams
Science FictionWhat if we get lost in our dream? Will you find your way back even if it is better than your reality? Published: May 16, 2020