"Hindi ka bagay maging pulis!" Inis na saad ni Hailey habang pinapanood si Xavier na paalis.
"Topher kasii! Bigay mo na sakin yaaaaaaan!" Parang batang naglupasay sa lupa si Candy habang nagmamakaawang ibigay sa kanya ang panglimang flag.
Tiningnan lang sya ng binata. "Para namang di ka gentleman e!!!" Singhal ulit nito kaya agad napakamot sa ulo si Topher at binigay kay Candy ang flag. Ngumiti naman si Candy pero bago umalis ay binaril muna si Topher.
"Kahit kaibigan ka ng mahal ko hindi ko isusuko sayo ang bataan!" Seryosong saad ni Blake at saka binaril si Hannah na dala ang pang anim na flag.
Inis namang tiningnan ni Hannah si Blake kaya ng akmang babaril nanaman ito ay tinapal nito sa mukha ni Blake ang flag. "Oh sige sayo na sayo na!! Kainin mo hanggang sa mabusog ka!!" At saka ito padabog na umalis.
"Matalo man sa huli atleast pinaglaban ko diba?" Saad ni Isha kaya agad nangiwi si Mark. Humuhugot nanaman ito.
"Pero wala kang mapapala kapag pinaglaban mo ang isang bagay na bandang huli ay hindi pala sayo." Nadalang saad ni Mark.
"Pero atleast naging masaya ako sa PAKIKIPAGLARO!!! BLEH!"
Nagulat si Mark ng bigla syang sunggaban ni Isha at kinuha sa kanya ang pang pitong flag.
"Uy, bigay mo na sakin please? *pout*" nagp-pacute na saad ni Chloe kay Jared habang nakaturo sa pang walong flag.
"Hindi yan magw-work sakin, bye!" Supladong singhal ni Jared kay Chloe at naglakad paalis kaya naiwan itong inis na inis.
"Hoy transferee! Bigay mo sakin yan kung ayaw mong masaktan!" Banta ni Yuki kay Alec habang nakaturo sa pang siyam na flag kaya walang ano ano'y nakangiti pa itong binigay ni Alec.
"Gentleman ako kaya ibibigay ko yan sayo," Alec.
Kahit nagtataka ay kinuha ito ni Yuki ngunit laking gulat nya ng makaramdam ng tubig na tumatama sa kanya.
"Hehehehe, bawas points din yan!!" Alecna nagtatakbo paalis.
Nanlulumong naglalakad ng sabay si Argel at Brayden. Hindi nila alam kung kumpleto na ang flag na hawak ng team nila.
"Manalo kaya tayo?" Argel.
"I dont know," Brayden. "Pero gusto kong kaming girls ang manalo, hihi"
Napangiwi si Argel. "Bakla talaga tsk tsk."
Mawawalan na sana sila ng pag asa na makahanap ng flag ng biglang mapatigil si Argel sa paglalakad kaya gulat na napatingin sa kanya si Brayden.
"Anong trip mo?!"
"Y-yung pangsampung flag!"
May kinang sa mata ni Argel ng sinabi nya yun. May pag asa silang manalo kung ganon.
~
"Walang panalo, walang talo. Tie ang laro pareho kayong nakakuha ng tig-limang flags." Nakangiting wika ng guro kaya narinig agad ang panghihinayang ng mga ito.
"Sayang, dapat pala di ko na binigay yung flag ko,"
Mahinang bulong ni Alec.
"Ngayon, sabay sabay ninyong buohin ang salitang nakuha ninyo." Pagpapatuloy ng guro.
Pinagsama sama nila ang flag at napangiti sila ng mabasa ang isang pangungusap mula dito.
Class 4 - Fairytale is not
just a section or a group,
we are a one big happy Family."Aww, so sweet *pout*" Candy.
Binagligtad ni Hailey ang likod na bahagi ng flag at nabasa nila dito ang salitang, Teamwork.
"Thanks for the teamwork guys, now let's pack our things para bago tayo umalis bukas ay ayos na ang lahat ng gamit natin."
~
Gabi na at pare pareho silang nakapalibot sa harapan ng bonfire. Wala ang dalawang guro dahil may inaayos ito sa loob ng resthouse.
"Minsan ba naisip nyo na sana bumalik na lang tayo kung saan simple lang ang lahat?" Pagbasag ni Hailey sa katahimikan.
"Katulad 'nung mga bata pa tayo?" Hannah.
"Hmm... 'nung mga panahong ang tanging problema lang natin ay kung aling krayola ang dapat na ipangkulay." Sagot ni Candy.
"Hays, nakakamiss nung tuhod pa lang ang nasusugatan at hindi ang puso," biglang hugot ni Isha na wala namang pumansin sa kanya.
"Gusto nyong magfield trip?" Biglang sabat ni Alec.
"Saan naman?" Argel.
"Sa memory lane!" Nakangiting sabi nito. "Kwento lang kayo tapos makikinig ako para kunwari kasama nyo na ko noon!"
"Haha, naalala ko tuloy 'nung elementary tayo habang nagp-pe kumakain ako ng mikmik at nilagay ko sa lalagyan ng polbo na walang laman tapos sakto dumating si Jaxon, humingi tapos pawis na pawis pa naman ang mukha nagtatanong sakin ba't daw malagkit?! Hahahaha!" Tawang tawang singhal ni Anika kaya natawa na lang si Jaxon sa naalala.
"Aiden, naalala mo ba yung trap na ginawa ni Candy sa backdoor sa room? Hahaha, ang sarap mo dun tyong punong puno ka ng alikabok!" Singhal naman ni Xavier.
"Pero ang hindi ko nakakalimutan 'nung nangupit ng yakult si Kane sa canteen tapos biglang napatakbo sa cr para lang maglabas ng sama ng loob!" Kiara na tawang tawa.
"Hoy mas nakakahiya ka kaya! Nung bata pa tayo, kinuluyan mo ng pink yung talong tapos pinakopya mo sakin edi ayun parehas tayong zero!" Kane.
"Naalala nyo rin ba 'nung tinamaan ni Mark ng rubix cube si Jayden?! Hahaha--tae laptrip...yun, hehe?" Pahina ng pahinang saad ni Isha na nakatingin kay Blake kaya agad nagsitahimik ang lahat.
Oops! Nabanggit nya ang pangalang pinakaiinisan ni Blake.
Huminga ng malalim si Hailey. "Pagkaraan ng ilang buwan, ang maingay na hallway, ang tawanan at kulitan sa canteen, ang mga nakapilang late sa open field na maggugulo, ang mga mapagkunwaring estudyante sa clinic, at ang classroom na parang dinaanan ng ilang bagyo dahil sa sobrang gulo --- ang Class 4-F, magiging tahimik." Seryosong saad ni Hailey.
Napasimangot naman ang iba.
Malapit ng matapos ang exciting stage sa buhay nila.
"Pero ... Pagkatapos ng ilang taon, babalik tayo sa lugar kung saan tayong lahat nagsimula." Patuloy nito. "Babalik tayo ng may kanya kanya ng buhay at ang tanging masasabi na lang natin, ang saya pala talaga. Sobrang saya." Nakangiti nitong wika kaya agad napangiti ang lahat.
Chapter 24
Magsimula sa umpisa