Half sister ng Daddy niya ang Mommy ni Corrine kaya biologically mag-pinsan pa din sila. "Let's get your things inside." Kinuha niya ang mga maleta nito sa compartment at sumunod sa dalawa papasok ng bahay.

"Your house is so gloomy cous. Parang walang buhay." Sabi nito na pagala-gala ang tingin.

"Bahay pa din naman siya. Dad have some rest. I'll take you to your room."

"Sure son" marahan itong tumango.

Pagbalik niya ay nagi-inspeksiyon pa din si Corrine sa lugar. "Iba talaga eh. Natitiis mo na walang spark ang bahay mo? Sa loob ng limang taon?"

Napapa-iling si Alex, kung meron man nakaka-alam ng damdamin niya si Corrine lang iyon. Nagta-trabaho ito bilang private investigator na nilapitan niya five years ago. Sa sobrang pagkatuliro at pagka-miss kay Dustine hinanap niya ang pinsan sa Maynila at humingi ng tulong para hanapin si Dustine sa Amerika. Sa una ay aminado ang pinsan na nahirapan ito sa pinapagawa niya dahil napaka-laki ng NewYork. Umabot ng isang buwan mahigit bago siya nakatagpo ng tawag mula dito at sinabing nahanap na nito ang kinalalagyan ni Dustine, kung ano na ang ginagawa nito sa buhay. Nalaman niya na nagawa itong i-enroll ng mga magulang sa isang school na tinaggap naman ang dalaga dahil late nagsi-simula ang school year sa Amerika. Hindi na siya nag-tangka na sundan ang dalaga dahil alam niyang malalim ang sugat na binigay niya dito. Nag-tiis na siya na palagi itong pinasusundan sa private investigator para malaman kung maayos ang kalagauan ni Dustine. Pero sa kalauan ay hininto na niya ang pagpapa-sunod dito dahil malaki na ang nagastos niya. Kibit-balikat lang ang isinagot niya sa pinsan.

"Gosh cous! Ipagtatayo na kita ng rebulto dyan sa tapat ng bahay mo. Five long years pero hindi mo man lang mapuntahan at i-confess ang undying love mo sa kanya."

Natahimik siya sa sinabi ni Corrine, tama. May choice siya sundan ito sa Amerika pero hindi niya magawa. Knowing na successful na ang buhay ni Dustine sa New York, iyon ang huling balita na natanggap niya. "I don't think I have the right to face her."

Pinaikot ni Corrine ang mata  tsaka may kinuha na brown envelope mula sa bag. "Well, you must make up your mind because one day baka mag-kita kayo ulit." Inabot sa kanya nito ang naturang envelope.

Kunot noo niyang kinuha ang laman, bumungad sa kanya ang naka-ngiting litrato ni Dustine na close shot ang kuha pero stolen lang. Kuha ang mga pictures sa airport. "Anong ibig sabihin nito?"

"Dustine Monteclaro is coming home." Seryosong sabi ng pinsan.

Inilagay ni Dustine ang huling luggage sa cart mula sa luggage area. Pagkababa na pagkababa niya sa airport ay tagaktak agad ang pawis niya. She exhale a deep sigh bago itinulak palabas sa arrival area ang cart. It's good to be home! Limang taon din sila tumira sa New York, sa ngayon ay siya na ang namamalakad ng kanilang negosyo. Ang parents niya ay retirado na at hinahayaan na lang ni Dustine na mag-spend ng life together. Kinailangan niyang umuwi dahil tatlong site agad sa Pilipinas ang naiisip nila para sa expansion. Excited siyang bumaba sa ramp, napangiti siya ng maluwang nang makita ang isang matangkad na lalaking naka- gray business suit na may hawak na sign-board na "Welcome home Dustine" at bouquet ng red roses na may kasamang maliit na stuff toy. Nagliwanag din ang mukha nito ng makita siya at pilit na ikinaway ang kamay nitong may hawak ng bulaklak at stuff toy.

"Welcome home." Nakangiti nitong inabot sa kanya ang hawak.

"Wow! Thank you. Paano mo nalaman na ngayon ang dating ko ha?" Kunwari ay tinatarayan niya ito pero hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi niya.

Kunwari ay inayos niyo ang kuwelyo ng suit tska tumikhim. "Well, I have my connections." Sabay kindat sa kanya.

Hindi na napigilan ni Dustine ang tawa. "Hoy Mr. Rosalio. If I know si Mommy lang ang kasabwat mo no."

My Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon