Nandito na silang lahat sa mesa, 'yung mesa dito ay pinagdikit dikit nalang namin para magkasya kaming lahat, dahil sa sobrang dami namin.
"Ano palang kinuha mo carlo?" Tanong ni tristan sakanya. Habang nagsasandok ng lasagna.
"Doctor." Mahinang sabi niya, teka ano daw? Doctor? Pagkakaalam ko walang doctor dito depende naman sa papasukan mo.
"Pucha pre, bakit ka magdodoctor!" Natatawang sabi sakanya ni cedrick.
"Para magamot ko ang puso ng mga taong nasusugatan." Natahimik ng ilan segundo pero pinagmumura na siya ng mga lalaki dito.
"Tangina ng hugot mo."
"Pucha ano daw!"
"Doctor pala ah."
Sa bandang huli ay nagets ko na din ang hugot niya medyo naging slow pa ako sa sinabi niya.
"E, ikaw michael?" Sumandok siya ng kanin at tinignan kami.
"Teacher."
"Ang che'cheap nyo."
"Tangina mo, gusto kong maging teacher para maturuan ang puso niya kung paano mahalin ang katulad ko." At gaya nga kay carlo na ngamura at nabatukan siya ng mga katabi niya.
"Putangina, anong nangyari sainyo? Basta ako gusto kong maging basurero." Ani naman ni cedrick. Seryoso ang mukha niya.
Gusto nya ba talagang magdoctor? Hindi nga? 'Yung itsura niya basurero?
"Pucha ka pre. Basurero kalang pala!" Natatawang sambit ni jiro. Humahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa.
"Para pulutin ang puso niyang tinapon ng iba." Agad naman siyang nagtakip ng ulo niya dahil alam niyang mababatukan siya katulad nila carlo at michael.
Napailing nalang ako sa mga course na gusto nila akala ko pa naman chixmagnet major in pogi problems chuchu ang kukunin nila puro talaga kalokohan mga 'to.
"Nga pala, half day lang kami." Sabi ni hillary habang umiinom ng juice.
"First day na first day, half day agad. Sanang dyan na rin ako!" Reklamo ni cedrick at nagkamot pa ng ulo.
"Sira ulo, malamang may gagawin kami mamaya sa bahay busy kami kasi pinapagawa kaming design okay?" At umirap siya kay ceds.
"Sungit." Ced.
"Ako masungit?" Hillary.
"Wala akong sinabi na ikaw!" Ced.
"Sumisigaw ka! Katabi mo lang naman ako!" Hillary.
"Sungit mo kasi!" Ced.
"Wala kang pake." Hillary.
"Pag dika tumigil kakasigaw hahalikan kita." Ced.
"Hahalikan lang pala--- ano?!" Nanlaki ang mga mata ni hillary at mabilis na pinaghahampas si cedrick tawang tawa lang 'yung iba namin kasama dahil sa aso't pusa ng dalawang 'to.
"Tumigil ka na. Pag dika tumigil, hahalikan talaga kita." Kaya tumigil si hillary sa panghampas kay cedrick na sobrang namumula ang mukha.
"Pangit! Tse." At nagwalk out na naman si hillary, napailing nalang si cedrick at ngumiti.
"Alam nyo baka kayo ang magkatuluyan." Seryosong sambit ni hannah kay cedrick nag acting naman na parang nandidiri si cedrick.
"No way." At nag walk out din siya katulad ni hillary.
--
Natapos ang first day namin ng wala man lang masyadong ginawa, first day palang naman. Humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko at nag browse ng facebook.
Nagscroll down ako at nakita ko ang post ng ibang kaibigan ni clarence at sila clark and tristan.
Clark Renzo Acerez
A kiss in the rain.
Tristan Raz Arceo
I love you baby. - Bivian Hazel Kelsor
Mga inlove a, nagpatuloy lang ako sa pag scroll down at nakita kong post ni clarence.
Clarence Yvonne Roseller
Walang nagbago, I love you. Mahal na mahal kita, hintay kalang babalik din ako.
Kumunot ang noo ko sa post niya, aalis ba siya? Saan siya pupunta?
Walang nagbago, anong walang nagbago? Anong dapat kong malaman sayo clarence bakit naging mysterious kana?
BINABASA MO ANG
UL2: Until The End[Villamars Series #1]
Romance#1: Kein Coleen Villamar's story. [Completed. Book two]
Chapter 12
Magsimula sa umpisa