OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 50

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatulala ako sumandali.

"Nasaan sila?" tanong ko sa aking sarili habang  inililibot ang aking paningin. Bigla nalang kasi silang nawala na parang bula. Napakamot nalang ako ng aking ulo.

Pumasok ako sa loob ng bahay para tingnan kung naroroon sila. "Tita Susana? Nariyan po ba kayo? Kung naririnig nyo po ako, sumagot po kayo." tawag ko sa mga ito pero walang sumasagot, ni kaluskos o anumang ingay ay wala kang maririnig sa paligid.

Nasaan sila? Muli kong tanong sa aking isipan. Hindi kaya... umuwi na ang mga ito? Pero imposible naman na makaalis sila ng hindi ko namamalayan at imposible namang hindi sila magpaalam sa akin. Napaupo nalang ako sa sofa at napatitig sa dingding. 

Ilang sandali pa ang lumipas ay may narinig akong mga tinig.

Napatayo ako sa aking pagkakaupo at hinanap kung saan nanggagaling ang mga tinig, pero nalibot ko na ang buong sala ay wala akong nakita. 

Tumigil ako sumandali at pinakinggan ang usapan. 

"Tita, sige po mauna na po ako."

"May problema ba kayong dalawa?"

"..."

"SINO KAYO?! MAGPAKITA KAYO!" sigaw ko habang patuloy ang mga tinig sa kanilang pag-uusap. Muli, ay inilibot ko ang aking paningin.

"Ayos lang kahit hindi mo na sagutin 'yong tanong ko. Hwag kang mag-alala sigurado akong magkaka-ayos din kayong dalawa."

"Salamat po, Tita."

Sandali akong napatigil. Napatulala sa kawalan.

Bakit parang pamilyar sa akin ang mga tinig na aking naririnig? "SINO KAYO?!" muling tanong ko sa mga ito, pero walang sumasagot.

Unti-unting nagtindigan ang aking mga balahibo sa buong katawan.

"H-hindi k-kaya?" Nanlaki ang aking mga mata at napatakip nalang ako sa aking bibig. Hindi naman siguro multo ang mga iyon, hindi ba? Nanlamig tuloy bigla ang aking buong katawan. Napayakap nalang ako sa aking sarili habang nililingon ang paligid. Nakahinga lang ako ng maluwag nang masuri kong mabuti ang paligid. "Pwew~" sabay punas ng pawis sa aking noo.

Matapos ang ilang sandali ay tuluyan ng nawala ang mga tinig. Tumahimik na muli ang paligid. 

Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa pero nakakailang hakbang palang ako ay nakaramdam ako ng hilo. Napayuko ako at napasapo sa aking noo. Umiikot ang aking paningin. Huminto ako sumandali. Patuloy parin ang pag-ikot ng aking paningin. Ang mga bagay sa loob ng sala ay nagmistulang sumasayaw na kagamitan.

Ang aking pagkahilo ay sinabayan pa ng pagsakit ng aking ulo. Dahil sa hindi ko na makayanan ang sakit ay napasigaw nalang ako. 

"Ayos ka lang ba?" pagkarinig na pagkarinig noo'y may naramdaman akong kamay sa aking balikat. Bahagyang nanginig ang aking katawan dahil sa pagkabigla. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para makita kung sino ang nag ma-may-ari nang tinig.

Nanlaki ang aking mata nang makita sa aking harapan si Aling Susana. "Ayos ka lang ba?" 

"A-ayos lang po ako." nangangatal na sagot ko rito saka ko inilibot ang aking paningin.

"May problema ba?"

"W-wala po. Sige po, pasok na po tayo sa loob ng bahay." Ang weird lang. Sa aking pagkakaalala ay nasa loob na ako ng bahay, pero paanong nangyaring nasa labas nanaman ako ngayon? Ang isa ko pang ipinagtataka ay kanina ko pa  hinahanap sila Aling Susana pero hindi ko sila matagpu-tagpuan. Narito lang pala sila sa labas? Ano bang nangyayari sa akin? 

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon