"Hey, it's you!" Hindi mapigilang bulalas ni Yael ng makita ang babaeng nasa gilid ng pool at umiinom ng juice. Hindi niya akalaing ito ang dinosaur kanina na nagpasaya sa mga bata. Suot pa rin nito ang katawan ng dinosaur pero hawak ng isang kamay nito ang ulo. Kahit limang taon na ang lumipas ay nakilala pa rin niya ang babae. It was the same face, same beautiful features, but a little bit older. Hindi mo naman siguro makakalimutan kapag may isang teenager na nagsabi sa yo na nagtresspass siya sa kasal mo at nakabunggo mo pa sa ospital noong ipinanganak ang anak mo na nagbibirthday ngayon. Napakaraming markers para maalala niya kung sino ang babae.
"Ay, Mr. Figueroa, kayo po pala," wika nito na mukhang nagulat sa bigla niyang pagsulpot.
Hindi naman dapat niya ito lalapitan lalo pa at nandito ang babae sa likod-bahay kung nasaan ang swimming pool. Nasa harapang lawn ang ginaganap na birthday party, galing siya sa loob-bahay dahil gumamit siya ng CR, noong mapalingon siya sa glass door at mapansin ang babaeng nakatayo doon. Napatigil siya at inisip kung saan niya ito nakita. At noong lapitan niya ang babae, nakumpirma niya kung sino ito. "Yeah, anong ginagawa mo dito?"
"Ah, nagpapahangin lang po. Medyo mabigat itong si Dino eh," itinuro nito ang suot na costume.
"I see. Puwede ka at ang mga kasama mo na kumain sa lawn." Paanyaya niya sa mga ito.
"Naku, nakakahiya naman yata iyon. Hindi naman kami bisita dito." Pagtanggi nito.
"Iniinvite ko kayong makisaya sa birthday ni Israel, pinasaya ninyo siya kanina at ang mga batang bisita. At tapos na ang trabaho ninyo kaya puwede na kayong makisalo sa mga bisita. There's no problem with that." Paninigurado pa niya.
"Ah okay, sige po. Sabi mo po eh," alanganing pagpayag nito.
Nginitian niya ang dalagita, dalaga, well, hindi siya sigurado kung ilang taon na ba ito. "Babalik na ako sa party. When youre done here, you can join us."
Tumango ito. "Sige po. Thanks po."
"No problem." Wika niya saka tumalikod. Bago siya tuluyang pumasok sa loob ay nilingon pa niya ang babae. Nagtama ang mga paningin nila, tumango ito at ngumiti, sinuklian din niya ang ngiti nito bago siya tuluyang tumalikod. What a small world.
Napakaliit ng mundo para sa kanilang dalawa ni Mr. Figueroa.
Iyon ang paulit-ulit na naglalaro sa isip ni Maggie ng mga oras na iyon sa kauna-unahang pagkakataong tumapak siya sa lugar na iyon. Was it five, six months ago? Bukod sa hindi niya inasahang magkikita pa sila ng lalaki, hindi rin niya inaasahan na sa ganitong klase ng sitwasyon muling magtatagpo ang landas nila ng lalaki.
In a wake.
Oo, sa isang lamay, sa isang lamay na kung saan ay nakaburol ang asawa nito at ang batang kakabirthday lang.
Pakiramdam niya ay nanlambot ang mga tuhod niya at napahawak siya sa braso ni Shelly, ang bading niyang kaibigan na nagdala sa kaniya sa lugar na ito. Alam ni Shelly ang mga palihim niyang racket na ayaw niyang malaman ni Patrick at si Shelly ang tagahanap niyon para sa kaniya. This time as a crying lady. May paniniwala ang mga Instik na kailangang maraming umiiyak sa isang namatay upang tanggapin ang kaluluwa ng mga ito sa langit. Or something to that effect. Kaya laging may mga crying ladies sa burol ng mga namamatay na Chinese nationals. Looking at the ribbon, she found out that it was Mrs. Figueroa who is half-Chinese.
Walang problema sa kaniya ang ganitong klase ng trabaho. Kung pag-iyak lang naman, kaya niya iyon. Sa seventeen years niya sa mundo, napakarami ng nangyari sa buhay niya na kaiyak-iyak naman talaga. Kaya pinatos niya ang pagiging crying lady. Pang-ilang beses na rin niya ito, at iiyak lang siya, may pera na agad siya. Hindi siya puwede sa mga pagmomodel dahil may audition pa ang mga iyon. May ilan na ring lumapit sa kaniya para magcommercial o papasikatin daw siya bilang artista. Pero hindi niya gustong maging artista.
Gusto niyang makatapos ng pag-aaral at maging lawyer. Isa pa, hindi gusto ni Patrick na magworking student siya. Nabanggit na niya dati pa sa kapatid ang kagustuhan niyang magtrabaho, noong magfirst year college siya. Pero malaking HINDI ang sagot ng kapatid. Ang pag-aaral na lang daw niya ang asikasuhin niya at ito na ang bahalang magtrabaho. Kaya hindi siya puwedeng lumabas sa TV o anupaman dahil malalaman iyon ni Patrick at ikakagalit iyon ng kapatid.
Naguguilty siya sa pagtanggap sa mga ganitong trabaho, at alam niyang magagalit nga ang kapatid kapag nalaman iyon nito, pero malinis ang intensyon niya. Gusto niyang makatulong sa kapatid. Sobra na ang sakripisyo nito para sa kaniya, lalo pa ngayong nasa college na siya at mahal ang tuiton fees niya at iba pang school fees. Second year college siya at Psychology ang course na kinukuha niya. Pagkatapos nito ay balak niyang ipagpatuloy ang pagkuha ng Law.
Gusto niyang maging abogado dahil gusto niyang ipagtanggol ang karapatan ng mga batang naiiwan at napapabayaan ng mga magulang. Lalo ang mga batang Amerisian na katulad niya at ni Patrick. Napakaraming katulad nila na anak ng mga sundalong amerikano na naiwan lang sa Clark at Olongapo. Alam niyang marami sa mga batang iyon ay malalaki na ngayon.
May asawa at apo na nga ang iba pero hanggang ngayon ay nananatiling naghahanap sa mga nawawala nilang ama. Masuwerte na nga siya kahit papaano na alam niya kung sino ang tatay niya. Gusto niya ring ipaglaban ang karapatan at well-being ng mga batang napapabayaan ng mga inang walang pakialam. Yeah, it was too personal for her.
"Maggie, okay ka lang?" Untag sa kaniya ni Shelly.
Napalingon siya dito. "Ha?"
"Ang higpit kasi ng hawak mo sa akin at natulala ka na. Para kang nakakita ng multo." May pag-aalalang sagot ni Shelly.
Umiling siya. "Saka ko na lang sasabihin sa yo. Kailangan ko ng magtrabaho. Pupunta na ako doon." Hindi na niya hinintay pang sumagot si Shelly at lumapit na siya sa ilang babaeng makakasama niya sa pag-iyak. Pamilyar ang ilan sa mga ito na nakasama na niya sa ibang burol. Umupo siya sa tabi ng kakilala niya at kahit hindi niya pilitin ay tumulo ang mga luha niya. Nilingon niya si Yael Figueroa. Nakatitig ito sa dalawang kabaong kung nasaan ang mag-ina nito, pero base sa expression ng mukha nito, mukha itong nakatulala at lumalagpas lang ang tingin nito sa mga kabaong. Nanikip ang dibdib niya sa anyo nito.
So much agony, so much pain. And lifeless, soulless, broken. Iyon ang nakikita niya sa lalaki. At nagtuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha niya na para bang siya ang namatayan. Hindi niya personal na kilala si Mr. Figueroa, hindi sila close. Pero pakiramdam niya ay bahagi siya ng buhay ng lalaki. Nandoon siya sa kasal nito, noong ipanganak ang anak nito, noong birthday ng bata. Saksi siya sa maliligayang sandali sa buhay nito, at ngayon, pinagadya siguro talaga ng tadhana na makiramay siya sa pinakamalungkot at pinakamasakit na bahagi ng buhay nito.
Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang itsura ng lalaki. Nakaupo ito sa wheelchair, may cast ang kanang kamay at may benda ang ulo, may nangingitim ding pasa ang mukha ng lalaki. Parang kakalabas lang nito sa ospital. Hindi niya alam ang ikinamatay ng mag-ina nito, pero kung titignan niya ang itsura ni Yael Figueroa, naiisip niyang hindi simpleng bagay ang ikinamatay ng mag-ina nito.
It seemed that it was a painful death, figuratively and literally. At hindi niya maintindihan pero parang pinipiga ang puso niya sa nasasaksihan niyang paghihirap ng lalaki. Pakiramdam niya, may bahagi ng puso niya ang kasamang ibinuburol ng sandaling iyon. Which was weird, very weird. Wala naman siyang anumang relasyon kay Mr. Yael Figueroa o sa dalawang namatay. Bakit kailangan niyang sobrang ikalungkot at iyakan ang sandaling ito?
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 05: Destiny
RomanceAvailable now in e-book and soon to be on print (12-11-17): https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/4319/RANDY%E2%80%99s-Sweetheart-Series-5;-Destiny---RSS00005 This is the fifth and final book of RANDY's Sweetheart Series. This is about...
Chapter Four: Three Years Ago
Magsimula sa umpisa