OLM-Knowing her

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang sama ng ugali mo !!! Sabi pa sakin nung isa na halatang paiyak na.

Talagang masama ang ugali ko. Diyan ako kilala, first year ka pa lang kaya hindi mo alam !!! Sagot ko dito.

Isusumbong kita sa mommy ko. Sabi nito na iiyak na.

Edi magsumbong ka, samahan pa kita, Pang aasar ko pa dito gusto ko kasing paiyakin itong first year na ito. Biglang binuksan na yong gate, hinikit na ako nung mga kaibigan ko pero nagpahabol pa ako na asar "belat, iiyak na yan !!" sabi ko pa dito habang hinihikit ako nung mga kaibigan ko.

Para kang isip bata. Sabi sakin ni Jhonna. Natawa naman ako sa sinabi ito. Sometimes i act like a kid talaga. HAHA !! May lalaki kayang tumagal sa ugali ko ??? 

Bat ko ba tinanung yon ???? :/

______________________________________



ALEAH's POV

Kanina pa ako walang kibo, simula nung mabasa ko yong text nung ex ko na si Jake. Gusto niya daw mag usap kami after class sa tapat ng simbahan, buti nalang at hindi ako napapansin ng mga bestfriends ko kasi si Lexie panay ang saway nila dito kasi nakikipag away sa first year. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi , I admit na mahal ko parin siya hanggang ngayon kahit na siya yong nakipaghiwalay sakin ng walang dahilan.. last week lang naman kami nagbreak ee kaya sariwa pa yong sakit. (Ang lalim nun aA !) Kapag naman sinabi ko ito sa mga bestfriend ko tiyak na pauulanan ako ng sermon ng mga ito kasi galit ang mga ito kay Jake kasi sinaktan ako pero gusto ko namang malaman kung bakit niya ako pinapapunta. Kaya ng makarating na kami sa servie namin nagdecide ako na pumunta, magsisinungalin muna ako sa mga bff ko kahit ngayon lang.

Mga bestfriends, may pupuntahan lang ako sandali ha ? May pinapabili kasi si mama sakin ee. Paalam ko sa mga ito.

Sama na kami. Sabi ni Cris

Oo nga, para makalibot naman muna tayo . Sang ayon ni Jhonna.

Kayo sumama, ako ayoko. Ang sakit ng paa ko ee, tinatamad akong maglakad. Pagsalungat naman ni Lexie.

Naku huwag na, malayo kasi yong pupuntahan ko . Pagtanggi ko sana sumang ayon na sila at huwag mangulit sumama.

Hindi, sama nalang kami ni Cris. Pabayaan nating mag isa si Lexie dito. Pamimilit ni Jhonna.

Hindi huwag na, ayos lang talaga. Sabi ko sabay tumakbo na ako.. " Madali lang ako" pahabol kong sabi.

San kaya pupunta yon ? Di niya man lang ako sinama. Nagtatampong sabi ni Jhonna.

Makikipagkita yon kay Jake. Sabi ni Lexie

EE ?!! Panu mo naman nasabi yan ?? Gulat na tanong ni Cris.

At saka alam niyang magagalit tayo pag nakipagkita pa siya. Sabi ni Jhanna.

Kaya nga hindi niya satin sinabi kasi alam niyang magagalit tayo. At saka di kayo nagtaka ? hindi naman umaalis si Aleah ng hindi tayo kasama so kaya naisip ko na makikipagkita siya kay Jake, hula ko lang naman. Sagot ko sa dalawa.

Kala ko naman sure ka ! sabi ni Jhonna sabay tulak sakin. "Tabi diyan at papasok ako sa loob" Sabi nito pagkatulak sakin.

Nagkulitan nalang kami habang hinihintay si Aleah. After 30 minutes dumating siya na walang kibo. Nagkatinginan kaming tatlo nina Jhonna at Cris na ibig sabihin nakipagkita nga kay Jake kasi wala namang dala na binili. Hindi nalang namin siya tinanong, hayaan muna namin siyang mag moment sa ngayon. Pagkadating ni Aleah umalis na rin yong service namin. Tahimik lang kami sa biyahe, pinakikiramdaman lang namin si Aleah na sobrang tahimik at parang nasa ibang planeta ang isip.





ONE LAST MINUTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon