Emily's Heartbreak

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumigil siya sa paglalakad nang saktong nasa tapat na kami ng main door namin kaya napatigil na rin ako.

"Never say that again, Princess. Never kang naging pabigat sakin, tandaan mo yan."

I smiled. Pumunta na kami sa may garage matapos niyang magpaalam sa lahat ng kasama namin dito sa bahay.

"Baka naman kaya ka lang lilipat ng bahay para 'di ko makita kung paano ka ligawan ni Sharmaine?"

Namula ang mukha niya tsaka niya ako hinarap matapos ilagay ang maleta niya sa compartment ng sasakyan niya.

"H-Hindi noh!"

"Sus."

Lumapit siya sakin at nagulat ako nang hilahin niya ako. Muntik pa akong matisod pero agad niya akong niyakap.

"Take care of yourself. Don't forget what you need to do. We may live in different houses but always remember that I'm just one call away."

Tumango ako.

"Yes, Sir."

Humiwalay siya sa yakap niya.

"Babantayan pa rin kita kaya wag kang magpakampante."

Natawa na lang ako sa kanya. He kissed my forehead bago tuluyang pumasok sa sasakyan niya at umalis.

I sighed.

Parang lumungkot na naman yung bahay.

Parang gusto kong gumala. Saan kaya?

Pumasok na ulit ako sa bahay pero bigla naman akong natisod sa may carpet. Mabuti na lang sa mismong carpet din ako bumagsak. Dahil doon ay nasilip ko ang mga naka-lagay na magazines sa table.

Oh my gosh! Yayain ko kaya si Emily tapos tanungin ko na sa kanya kung ano ang nangyare?

Shocks! That's a great idea!

"Lady Saphie, are you okay?"

Nanlaki ang mga mata ko tsaka ako lumingon kay Butler James habang naka-dapa pa rin ako. Alanganin akong ngumiti sa kanya.

"Hi, Butler James. Hehe."

Nakakunot ang noo niya. Shocks. Nakakahiya!

"Ano pong ginagawa niyo riyan?"

"Ha? Ah, ano. Nagpa-planking!"

"Hindi po ba't hindi na yun uso?"

"Butler James, kaya nga po. Pinapa-uso ko ulit."

Napakamot na lang si Butler James sa ulo niya.

"Hindi ko talaga maintindihan ang trip ng mga kabataan ngayon."

Bumangon lang ako nang maka-alis na siya tsaka napatawa ng mag-isa.

That was epic!

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon