Si Julia B. ang may hawak ng room card. Since siya naman ang girlfriend ni Julian na in-charge sa amin.

“Room 8256. Where are tho—Ayun!” sabi ni Julia.

Sinwipe niya yung card then we entered the room.

“Taray! Ang laki!” Julia M.

“Wow!” Janella.

“Ganda!” Ako.

“Amazing! Ang dami kong nakikita sa sobrang dilim!” Gab.

Haha! Loko kami noh. Di pa kasi nasa-swipe ni Julia dun sa may ilaw kaya madilim pa. Sinwipe niya na nga.

Nanlaki yung mata namin sa nakita namin. Condo type itong room namin. Yun lang, walang kusina.

Dati kasi, iba yung retreating house namin. As in parang ano, lumang style. Ngayon naman modern.

“OMG! Ang ganda! Parang kwarto lang talaga!” sabi ni Julia M. tapos tumakbo siya dun sa may bed na Malapit sa magandang view.

Oo, may dalawang bed na magkatapat . They are both Malapit sa view ng buong subic. You’ll see the sea! Promise ang ganda. Tapos ngayon, gabi pa. Nakikita namin yung mga ships. May iba pang bed pero di  gaano Malapit sa view. Grabe ang ganda. Don’t get me wrong. Magkakatapat lahat ng bed pero may dalawang beds na Malapit dun sa view.

“Girls, lagay muna namin itong gamit niyo sa may walk in closet then kayo na bahala.” Sabi ni JC sa amin.

“Whaaat? May walk in closet?” Julia B.

“Oo. Eto oh.” Tapos binuksan niya yung pinto.

Sasalubong sa iyo yung reflection mo. Isang malaking salamin ang nasa harap mo. 8 cabinets ang nandun. May make-up area pa.

“Gusto ko nang tumira dito!” sabi ko.

Linagay na ng boys yung mga bags namin sa harap ng closet para kami na ang mag-aayos mamaya.

May isang French door akong nakita pagkalabas ko. Syempre dahil na curious ako, binuksan ko.

“OMG!!!”

Nagulat ako dahil nagtakbuhan silang lahat sa akin.

“What happen--- Oh My!” Gab.

Comfort room yung napasukan namin. Not just an ordinary bathroom. It has 6 cubicles inside. 4 shower rooms and 2 toilets. Gaya nga ng sabi ko, di siya ordinary dahil ang laki ng bawat shower room. May heater pa.

Nagsunudan silang lahat. Napa-nganga rin sila sa nakita nila.

“Okay Guys, we have to eat pa. Let’s fix na.” sabi ko.

“Grabe naman ang ganda ng kwarto na ito!!!” Julia B.

“Taaamaaa!” Gab.

“O tama na yan. Mag-ayos na kayo.” DJ.

Kumuha na ako ng pajamas ko at simple T-shirt. Habang hinahanap ko yung undies ko, parang may nakakapa ako.

Teka? Ito yung iPod ko! Bakit andito? Eh cinonfiscate na lahat ng gadgets.

“Kaaath. Asan ka?”

“Andito ako sa closet, DJ.” Sagot ko.

Pumasok siya.

“Bilisan mo na para makakain na tayo. Gutom na ako.” Sabi niya.

BINIBINITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon