Chapter 15 "A New Companion"

Magsimula sa umpisa
                                    

Oo, iniwan niya ako. Matapos ang tatlong buwan na naging magkaibigan kami ay umalis siya at pumunta sa isang lugar na hindi ko alam. He left me there and let me experience hell. Naging mag-isa lang ako at walang kakampi. And that’s one of the times I tried to forget. I don’t want to remember any memory of me being a weakling.

“Hindi ko naman kasalanan na lumipat kami ng residence at lumipat ako sa ibang school. I wanted to go back. But I don’t have the courage to tell them.”

Tumawa ako. Pero ‘yong sarcastic.

“You are really a weakling. Whether you’re fat or not, you still are.” sabi ko

Tatayo na sana ako nang hablutin niya ang kamay ko para pigilan.

“Regina..” sabi niya

“You don’t have the right to call my name! Hindi mo alam kung gaano ako nahirapan noong nawala ka. I needed a friend and obviously you’re not there. You told me to call you whenever I need you, but you never came whenever I did. I was bullied. No matter how many harsh words I say to them, they won’t even budge. They’re confident. They have the guts to fight me bacause I’m alone and no matter how bitchy I am, I can’t take all of them down. Masakit na wala man lang akong karamay. Pero alam mo, kung hindi ka lang dumating sa buhay ko at naging kaibigan ko, edi sana hindi na ako natutong dumepende pa sayo!”

Hindi ko namalayan na may luha na palang umaagos sa mata ko.

Si Regina Hills umiiyak? That can’t be!

Pinunasan ko ang luha ko hanggang sa may naramdaman ako na humawak sa kamay ko.

“Let it be.”

Tinitigan ko lang si Graham nang sinabi niya iyon.

Sinunod ko siya at hinayaan na bumuhos ang luha ko.

“Naalala mo ‘yong impaktang si Margaret? Naku! Asawa ata ni Satan ‘yon eh. Akala mo kung sinong bait-baitan sa harap ng mga teachers pero pagtalikod nagtatransform at nagiging Lucifer. Eto pa, okay lang sana kung ‘yon lang ang ginagawa niya eh, eh dinamay pa ako ng demonyita! Sa tuwing aasarin niya ako, syempre hindi pwedeng hindi ako gumanti, lagi niyang sinasakto na makikita ako ng teacher. Syempre detention ang bagsak ko. Kung saan wala na talaga akong kasama hindi katulad noon.”

Sinabi ko talaga iyon para maguilty siya.

“At ‘yong mga alagad niya? Ayun! Nagkaroon ng lakas ng loob na malditahan ako. Kahit ‘yong si Shaira natuto nang lumaban sa’kin. Pero nakatikim din naman siya sa’kin eh. But that’s another story. Now you know why I’m like this.”  pagpapatuloy ko

Natahimik siya.

Tama lang ‘yan. Maguilty siya!

“I’m sorry.” sabi niya

Matapos nang lahat ng sinabi at pinagdaanan ko, sorry lang ang sasabihin niya?

“Sorry lang ang sasabihin mo? Wow ha, thank you.” sabi ko with sarcasm

Napabuntung hininga siya.

“Sorry kung ‘yon lang ang masasabi ko. Sorry kung hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Sorry kung hindi ko natupad ‘yong mga sinabi ko. Sorry if I wasn’t htere for you. I’m sorry kung mas pinagtuunan ko ang sarili ko at hindi na kita naalalang balikan. Sorry kung nawalan ka ng isang kaibigan. I am deeply sorry, Regina.” sabi niya

Tumahimik lang ako at nag-isip.

Tama naman siya eh. Hindi na maibabalik ang nakaraan. Wala nang magagawa pa dahil nandito na ang mga sugat na naging peklat. Kahit hindi pa sapat para sa akin ang sorry niya, medyo pinatawad ko na siya. Medyo lang ha. Mga ¼.

“Okay na. Baka lumuha ka pa ng dugo dyan, sisihin mo pa ‘ko.”

Natawa naman siya and so was I.

Nanatili lang kaming ganoon at nagkwentuhan sa mga panahong hindi kami magkasama.

“Graham!”

Parang naging yelo si Graham nang narinig niya ang tawag na iyon.

“Wait lang ha.”

Tumango ako at pinuntahan na niya ang tumawag sa kanya.

Pagkarating niya doon ay binungangaan na agad siya nito.

Sabi na nga ba eh. It’s not a good idea to chat during working hours.

Nagpatuloy lang silang nagbabangayan hanggang sa parang nainis na si Graham.

Nilisan ni Graham ang lalaking iyon at pumasok sa isang kwarto ng padabog.

Galit na galit ang matandang lalaki na iyon at sinundan si Graham.

Sila na ang sentro ng atensyon ngayon.

Pagkalabas ni Graham ay sumigaw siya.

“Aalis na ako!” sabi niya at dumeretso palabas.

Ako naman, iniwan ang bayad ko at sinundan si Graham.

‘”Graham, saan ka pupunta?”

“Kahit saan.”

“Why?”

“Ayoko na dito.”

“Then, may idea ka ba kung saan ka na pupunta?”

Napakamot siya ng ulo.

“Hindi” sabi niya with his wide smile

Ano ba naman ‘tong naglalayas na ‘to?

Tinitigan ko lang siya.

Kahit nasa isang mahirap na sitwasyon na siya ay nagagawa pa rin niyang ngumiti.

“Come with me.”

Kinuha ko ang kamay niya at hinila papunta sa kotse ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay nandoon na si Emma na kinakalikot ang iPhone 16 niya.

Napatigil naman siya at tumingin sa’kin.

Magsasalita na san siya nang unahan ko na siya.

“Looks like we’ve got a new travel buddy.”

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon