After ay'yung sports attire namn. Si Yanny ay mas pinili niyang isuot 'yung kaniyang PEP SQUAD na costume na kulay white na may accent na yellow and red. Then si Joshua is 'yung kanyang baseball jesery na kakulay din nu'ng kay Marian.

Tapos nag-Question and answer portion na.

"Candidate number 8, Miss Elizarde from Nursing department, my question for you is, in many parts of the world, obstacle impeding women from achieving their goals in some corporations still exist. What can women do to overcome this?" tanong ng judge.

Tungnuuuuu! Dumugo ilong namin ni Mikee du'n, ah.

Kaya mo 'yan Marian...

Kinakabahan ako para sa kanya. Palibasa wala kasing pakialam 'yan dati sa mga ganun, eh.

"Thank you for that wonderful question. I belived that nowadays we, women, had overcome many obstacles and I do believe that we reached the same level as men have. We must realize that there are no longer any barriers among us."

Emegeeed! Nosebleeeed na internal and external bleeding pa! Ang galing galing ng bestfriend ko shems. Gumana 'yung common sense niya at iniwan niya'yung katangahan sa bahay! Mabuhaaaaaay! Huraaaaay! Kailangan ko na atang i-ready 'yung aking pang-shopping. Hahaha!

And lastly, ang final ramp ay evening gown. Isa-isang rumampa lahat ng contestant pero wala, maganda talaga 'yung friend ko and wala silang magagawa na kahit simple lang pero elegante 'yung suot niya, eh nag-shine pa rin siya! Isang color green long evening gown ang napili naming ipasuot kay Marian. Then after nilang rumampa ay bumalik na sila sa backstage since may nagpe-perform na production number. 'Yung 'La Filipina Dance Troupe' ng A.S. University

"Ang galing mo, Marian!"

"Marian, nakakan-osebleed ka kanina."

"Marian, goodluck sa'yo."

"Marian, libre na 'yan mamaya!"

Sabi ng mga kadepartment ni Marian na mga kapwa nursing student din. Nginitian niya lang ang mga 'to at nagpalit na ng last gown na isusuot niya for the awarding. Grabe ang gastos ng eskwelahang ituuuu.

"MarianBabe! I love you. Goodluck sa'tin," sabi ni Joshua na naka-pout pa tipong gustong halikan si Marian.

"Lumayas-layas ka nga sa paligid ko, Josh, baka sapakin kita diyan," sabi ni Marian na biglang sumimangot.

"Hahahaha! Wala ka pala bro, basted agad."

Narinig naman naming tawa ni Miggy sa sulok. Eh? Nandito pala 'to? Ba't ngayon ko lang napansin?

Anyway, bumalik na kami sa pag-aayos kay Marian since tinawag na 'yung mga contestant for the last ramp and awarding.

Sana manalo si Marian

"...AND our Mr. and Ms. A.S. University Buwan ng Wika Champion is no other than... candidate number 8! Joshua Dean Calderon and Marian Grace Elizarde of Department of Medicine College of Nursing! Congratulations!"

EMEGEEEED!

Napasugod kami ni Mikee sa stage kasama 'yung mga kaklase nila Marian kasama pati si Miggy.

Actually ang nakuhang award nu'ng dalawa are:Most Photogenic for the pre-pageant shoot, Most Talented for Marian, Best Casual naman kay Josh and Best in Long Gown si Marian at si Josh naman ay Best in Sports. Medyo nahakot nila! Ang galing galing!

Nag-group hug kami sa stage and naramdaman kong may 'yumakap din sa'kin. Pagtingin ko, si Miggy! Nahiwalay lang ako sa yakap niya nu'ng iaabot na kay Marian 'yung award. Tapos nu'ng pababa na kami ng stage ay nakita namin si Joshua na may hawak ng boquet of flowers. Ibinigay niya kay Marian pero ini-snob lang siya ni bading kaya ang ginawa ko ay...binatukan ko siya!

"Aray. Bakit ba?!" sigaw ni Marian.

"Kunin mo na. Ang arte mo naman, feeling chiks kahit 'di naman. Dali na," sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso niya. Pinagtulakan namin sa kanya'yung bulaklak na bigay ni Joshua.

Nang nasa backstage na kami ay nagyaya si Joshua kumain. And dahil libre 'to ay hindi kami nahirapan kumbinsihin si Marian. Mouhahaha!

Miguel Angelo Castro

ANDITO kami ngayon sa Tong Yang sa may Centris Mall, dito kami magdi-dinner since magiging celebration din ito ng pagkapanalo ni Marian at ni Joshua

Sampu kaming kakain dito. Kasama ko rin pala si Candy My Love so sweet kasi gusto niya rin daw panoorin 'yung pageant since si Joshua 'yung kasali. Magkaibigan din kasi sila.

Ganito 'yung seating arrangement namin. Ako, tapos napapagitnaan namin ni Joshua si Candy, tapos si Sandra nakatabi kay Joshua then katabi ni Sandra si Sandy-'yung kambal niya-tapos kaharap ko naman si Akane Tibo na sayang 'di ko mapopormahan kasi andito si Candy, tapos katabi ni Akane si Marian, then si Mikee, tapos 'yung dalawang nasa dulo is 'yung si George na may gusto kay Sandy, at si Miru 'yung gumawa ng props namin.

Dahil shabu-shabu 'to ay maggi-grill kami. Tumayo ako para kum

uha ng igi-grill namin then si Candy naman ay naupo na lang. Makikipagkwentuhan na lang daw siya kay na Marian at Mikee . Si Akane naman ay kumuha rin ng food na iluluto nila. Si Joshua at Sandra naman ay kumukuha ng mga drinks then si George ay kumuhuha rin ng ibang foods.

"Uy, Akane," sabi ko sa kanya.

"Problema mo?" Grabe naman 'tong babae na 'to. Ang sungit talaga sa'kin.

"Tibo ka no?" tanong ko sa kanya.

Binatukan ba naman ako. Salbahe. Tss! Tapos nilayasan na ko. Ano'yun? PMS? Lagi na lang?Psh!

Pagbalik ko ay nakita kong nakikipagtawanan si Candy kina Marian.

When Landi Meets Hinhin (Published)Where stories live. Discover now