// 16. Other Scenario

1.9K 27 3
                                    

Ilang araw nang nagtatrabaho si Marian bilang cashier sa isang department store sa mall. Marami na agad na empleyadong lalaki ang nakapansin sa kaniya. Pero dahil siguro nakakachat at nakakatext niya si Kurt ay hindi niya magawang pansinin ni isa man sa gustong manligaw sa kaniya. It makes no sense if she really ingores those boys who wanted her because of Kurt. Kurt was a guy who settled. But Marian enjoys being Kurt's friend.

Pauwi si Marian ng may tumawag sa kaniya. "Hello Kurt, napatawag ka?"

"5 minutes nang lumilipas nang mag-labasan kayo 'di ba?"

"Oo nga pala. Alam mo pala."

It is not the first time has Marian got a phone call from Kurt. Medyo sanay na silang kausap ang isa't isa. Alam din ni Marian na patago lang itong tumawag. Aminado siyang mag-iisip ng iba ang asawa nito pag nalaman na may kinakausap si Kurt sa phone.

"Kamusta, may manliligaw na ba?"

Napangiti si Marian sa tanong ni Kurt. "Bakit mo inaalam?" Tumingin siya sa paligid. Naglalakad siya palabas sa mall.

"Maganda ka kasi kaya hindi malayong mangyari."

"Matagal nang meron. Tinatanong pa ba 'yan."

"Hindi katulad ngayon. Ibang tao na ang nakakasalamuha mo."

"Sabagay, dadating din naman siguro ang oras na mai-in love ako. Sa ngayon, bago pa lang ako kaya wala pang nagugustuhan. Kikilalanin ko muna sila."

"Sayang, ngayon lang kita nakilala." Medyo nagkakamalisya na ang sinasabi ni Kurt kaya nakakabigla sa parte ni Marian.

"Bakit naman?" Alam na niya ang kahulugan pero mas pinili niyang magtanong dahil wala siyang macomment pa.

"Siguro kung binata ako, baka niligawan na kita." Suddenly Kurt laughs even Marian. Para silang teenager na walang kasense sense ang pinag-uusapan pero nakakatawa na.

"Kung binata ka. Eh kaso may asawa ka na eh. Ikaw talaga."

"I was kidding."

"Alam ko naman na medyo naglilibang ka lang."

Ganiyan lang naman sila mag-usap. Natutuwa lang talaga si Marian kay Kurt hanggang sa isang araw, sinadya na siya ni Kurt mismo sa mall habang papauwi siya.

Nagkasalubong pa sila. Kurt suits an office attire then. Marian's smilling when she suddenly saw Kurt in the employee's exit at back of the mall. "Bakit andito ka?" Ito pa lang yata ang pangatlong beses na nagkita sila kaya kinagulat ito ni Marian. Ngumiti lang si Kurt dahil alam na alam niya ayon sa pag-uusap nila araw araw kung anong oras at saan ito lalabas.

Ngayon kasama niya si Marian na nagpapalamig sa loob ng mall. Nakatambay lang naman sila at kumakain. Willing naman sila parehong mag-usap. Walang halong guiltness dahil magkaibigan lang naman sila.

"Marian!!" Tawag ng bagong kakilala na kasamahan sa trabaho. Marian was still smilling 'till the girl whose voices draws near. Umakbay sa kaniya. "May boyfriend ka na pala." Bulong na pinarinig na kay Kurt.

"Hoy, may asawa na 'yan. Kaibigan ko lang." sabi ni Marian kaya nadismaya ang kaibigan niyang babae. Pinakilala din naman siya. Nakangiti lang si Marian.

"Sige, mauuna na ako. Baka hinihintay na ako ng mga bata." paalam ni Kurt kaya sumabay na pauwi si Marian sa kaibigan niya.

Naglalakad sila papuntang sakayan. "Kailan mo pa nakilala 'yun?" tanong ng kasama.

"Itong taon lang na 'to. May asawa na naman siya kaso gwapo kasi kaya kinaibigan ko na."

"Maganda ka kasi. Paano kung ligawan ka?"

"Hindi siguro."

"Ikaw ba ang nakipagkaibigan?"

"Sa totoo lang, siya."

"May balak yata."

"Huwag ngang madumi ang isip mo?"

"Bakit ka niya pinuntahan pa? Okay lang sana kung napadaan siya."

"Siguro napadaan siya."

"Sabi niya?"

"Hindi!"

"Alam niya kung saan ka nagtatrabaho?"

"Oo."

"Alam din niya ang oras ng uwi mo?"

"Sinabi ko. Bakit ba?"

"Ang mga lalaki, kung walang pakay, wala nang mga ganiyang moment. May friend din akong lalaki na may asawa kaya alam ko. Batian lang, kwentuhan pag nagkita sa iisang lugar, halimbawa, pareho kaming bibili ng ulam. Pero 'yung kakain pa kayo pag nagsalubong, pakilala chuchu pa, katext mo pa yata. Parang may plano eh."

Ngumiti si Marian at napailing. Hindi siya pwedeng magsabi ng totoo na may malisya na ang ibang sinasabi ni Kurt pero naniniwala siyang hindi sila pwede dahil malalagot siya.

"Hindi siguro lahat ganun. May mga lalaki lang talagang nagagandahan sa babae kaya masaya silang katext o kasama. Pero hanggang doon lang 'yun. Maniwala ka."

"Pansin ko lang kasi."

"Imposible 'yan."

"Paano kung manligaw?"

Hindi agad sumagot si Marian. Ang bagay na pwedeng maging posible ay ngayon lang niya naisip. 'Paano nga ba?' miski siya ay nagulat at hindi sigurado sa sarili. "Parang imposible eh. Pero kung manliligaw man siya, hindi ko siya sasagutin."

"Maraming pwedeng mangyari Marian. Ang ganda mo, nanghihinayang ako sa'yo. Gaano ba kayo kaclose ng Kurt na 'yun? Kasi kung pakay niyang iskoran ka, goodbye na sa pagiging friend niyo pag binasted mo siya. Hindi ako mahilig mag-isip ng advance pero maganda ka kasi eh kaya ang dumi ng isip ko. Pasensya na."

"Parang naisip ko ngang iba kami. Hayaan mo, medyo didistansya na ako. Salamat."

"Hoy hindi naman. Baka nagkakamali lang ako. Meron din kasing mga lalaki 'yung kahit may asawa. Malungkot dahil sa ugali ng asawa o may problema. I'm sorry Marian ginulo ko ang isip mo. Baka nga masaya lang siya sa company mo."

Hinawakan niya ang balikat ng kaibigan. "Okay lang 'yun. Malaking tulong ang sinabi mo."

Umuwi siya. Naisip niya ang sinabi sa kaniya ng kasamahan niya. Kung walang planong manligaw si Kurt, baka malungkot nga ito sa buhay. Kasi kung ganda niya talaga ang habol nito, may chance na manligaw nga sa kaniya ito. Kung naglilibang lang, walang problema pero gusto niyang malaman ang lahat lahat kung ano ba talaga ang pakay sa kaniya ni Kurt dahil naguluhan siya. Libangan lang sa kanila pero naliwanagan na siya ng parang may iba nga.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon