"Agaw eksena kayo 'ha? Kayo ba ang may problema? Bigay naman natin ang limelight kay Gemma." Natatawang sabi ni Jeena.

"Siraulo kayo!" Biglang nagsalita si Gemma na nakadapa pa din. Nagpipigil ng tawa ang bruha pero umiiyak pa din. Ewan ko ba kung anong ugali ang meron kami magpipinsan. Ang bibilis magbago ng mood namin.

"Akin lang 'to 'ha?!" Buhat-buhat ni Margareth ang deskfan ni Toffee  nang pumasok siya uli sa kwarto at sinaksak 'yun sa power outlet. Tinutok lang niya sa kanya habang ang isa ay hinayaan niyang umikot. Takot lang niya sa gagawin ko sa kanya 'pag tinutok din niya sa kanya ang isa.

"Lamunin mo." Mataray na sabi ko.

Tumabi siya sa akin at tinulak ako. "'Wag ka nga d'yan! Makikinabang ka din naman sa hangin. Kunwari ka pa d'yan, eh." Tinawanan ko siya kaya tumawa na lang din siya.

"Mga baliw!" Sigaw sa'min ni Paula at binato kami ng unan.

"Tapos na kayo sa eksena n'yo? Ituloy ko na 'ha?" Nakataas kilay pa si Jeena sa amin dalawa ni Margareth.

"Okay. Go!" Nagthumbs up pa ako sa kanya.

Kinuha ni Margareth ang unan na binato ni Paula at pinatong sa hita ko. Naka-indian sit kasi ako at do'n siya humiga habang nakikinig sa mga sasabihin ni Jeena. Pinatong ko na lang ang kamay ko sa braso niya.

"So, ganito nga. The usual friends turned into lovers. Nagkadevelopan, eh. Alam naman ng loka-lokang 'to na in a relationship 'yun girl-"

"Girl?!"

"What?!"

"Ano daw?!"

Halos sabay-sabay na reaction namin tatlo sa sinabi ni Jeena kaya naputol siya sa pagsasalita.

"What the fuck, zuc! You're gay?! Oh my God!" Hindi makapaniwalang sabi ni Margareth. Napaupo pa siya mula sa pagkakahiga dahil sa pagkagulat.

Bumangon bigla si Gemma at hinarap kami. "Oo na! Sige na! Call me whatever you want! Gay, lesbian, tomboy, whatever it is. I don't care! Hindi ko naman ginusto ma-inlove sa kanya, okay? I just tried.. because.. you know?! YOLO!"

"YOLO?! You just tried it because you only live once?! What?!" Hindi ko malaman kung matatawa ba ako o ano sa rason niya. Ayan palagi rason niya sa mga death-defying activities niya kapag pinapagalitan siya ng parents niya. Hindi ko alam na kahit pagdating sa pakikipagrelasyon ay mai-a-apply niya 'yan.

"Swear! Wala akong gusto sa kanya at first, okay? She's so sweet kapag magkasama kami. Wala naman sa akin 'yun dahil gano'n din naman tayo, 'di ba? Kaya walang malisya sa akin 'yun. But then, she confessed. She said she loves me. Iiwan daw niya 'yun boyfriend niya for me. S'yempre I was shocked! She's a girly girl. You know what I mean? Walang bahid talaga dahil mas babae pa siyang kumilos sa akin at ang ganda niya din like me." Pinuri din talaga ang sarili. Nakakaloka!

"She's bi." Komento ni Paula.

"I don't fucking care kung ano'ng tawag sa kanya or sa akin. Basta ayun! Pumayag ako na maging kami. Iniwan niya 'yun boyfriend niya dahil niloloko lang din naman siya ng lalaking 'yun. Ako mismo nakasaksi no'n. Magkasama kami sa bar nang makita namin 'yun guy na may kahalikang iba. She confronted him pero pinatawad pa din niya 'yun guy. I'm just there for her to comfort her kasi nga friends na kami 'di ba? At naaawa ako sa katangahan niya. Then, 'yun nga." Nagpunas muna siya ng luha at huminga ng malalim bago nagpatuloy. "She confessed and pumayag ako dahil nacurious lang ako."

"Grabe 'yun curiosity mo, zuc. Ganyan ba talaga 'pag adventurer?" Puna ni Margareth.

Sa amin kasing lima, si Gemma ang active sa extreme activities. Kung ako takot na takot sa zipline, siya gustong-gusto niya 'yun. Gusto niya 'yun mga agaw-buhay. Pati 'yun mga rides na nakakatakot sa EK, sobrang enjoy siya do'n. Kaskasera din 'yan sa pagmamaneho kaya simula nang maaksidente ay hindi na uli pinagawa ng Daddy niya ang sasakyan niya. Pinagbawalan na siya magmaneho. Buti nga minor injury lang ang natamo niya dati. Pati motor niya ay pinabenta na din ng Dad niya.

Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon