"Asan na ba kasi ang unggoy na'yun?" Tanong ko sa sarili habang hinahanap si Vin sa buong studio. Pinagtanung-tanong ko narin s'ya sa ibang staff at co-models ko pero maging sila ay hindi din alam kung nasan ang unggoy na'yun. Imposible namang maligaw 'yun dito e h ilang beses ko na s'yang sinama dito. Tsaka nasa 3rd floor lang naman ang studio namin.
Lintek na Vin 'yun! Uhaw na uhaw na ko eh!
Sumuko na ako sa paghahanap sa kan'ya. Para lang akong naghahanap ng ayaw mag-pakita. I decided to go to the bathroom. Bigla din kasi akong naihi eh.. Nasa second floor pa 'yung banyo dahil nasira iyong nasa 3rd floor kaya kailangan ko pang bumaba.
When I'm near the bathroom door, bigla itong bumukas. At ganun na lamang ang gulat ko ng lumabas mula doon si Calvin, at ang labis ko pang ikinagulat eh ang kasunod nitong lumabas sa banyo. Si Veronica. My co-model.
What the fxck they did there?
Hindi agad ako nakapag-react dahil sa sobrang gulat. Gagong Calvin 'to kanina ko pa hinahanap kasama lang pala si Veronica sa banyo at....At ano nga ba ang ginawa nila sa loob?
Edi gumawa ng milagro... Sigaw ng isang bahagi ng isip ko. May bago pa ba doon?
Gagong Calvin 'to! Pati ba naman si Veronica! Wala talagang sinasanto ang lalaking 'to. Basta may butas pinapatos..
Lalapitan ko na sana sila ngunit hindi na ako nakakilos pa sa kinatatayuan ko. My jaw fell on the ground when Veronica abruptly kiss Calvin. Gumanti din naman ng halik ang huli. Para akong tangang namboboso sa kanila ng harapan.
Nakatakip ang bibig na agad akong nagtago sa isang sulok. Hindi ako makapaniwala. What the fxck? They actually did it there?
"I have to go. Maybe Georg is looking for me.." Rinig kong sabi ni Vin.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Veronica. Agad akong umalis doon at bumalik kay Manager Clyde.
"You look pale, honey, whatz the materr?" Takang tanong nito ng mapansin siguro ang pamumutla ko. I was about to speak when I feel his hand on my shoulder. Agad akong nag-angat ng tingin kay Calvin. Nakangiti ito at nagliliwanag ang muka na parang dinikitan ng bombilya.
Sus! Masaya lang 'yan dahil nakascore sa banyo! Sabi ng kabilang bahagi ng isip ko. Lihim nalang akong napailing.
"Oo nga babe, you look pale. What's the matter?" Nag-aalalang tanong nito sa'kin...
"Wala!" Pataray kong sabi sa kan'ya bago inalis ang kamay niya na nakasukbit sa balikat ko. Tinalikuran ko siya at naglakad patungo sa dressing room ko. Narinig ko pa syang nagtanong kay Manager Clyde kung anong nangyari sa'kin. Hmpf! Bahala s'ya jan!
Mayamaya nakasunod na s'ya sa'kin..
"Hey babe, what's the matter?" Tanong nito habang sinusundan ako sa paglalakad. Hindi ko s'ya pinansin. "Hey! What's the matter?""Why don't you ask yourself?" Pabulong kong sabi . Akala ko ay hindi n'ya maririnig 'yun pero narinig n'ya parin pala..
"Bakit hindi mo nalang sabihin ? May nagawa ba akong 'di mo nagustuhan?"
"Pwede ba, iwan mo muna ako? Magbibihis ako.." Nayayamot na sabi ko dito. Nasa tapat na kami ng dressing room ko. Tiningnan ko s'ya. Parang hindi ito mapakali dahil inaaway ko s'ya ngayon. Hmpf! Akala mo babatiin kita ngayon? Manigas ka unggoy!
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits
RomanceBakit ka pa mag-hahanap ng BOYFRIEND.. Kung meron ka namang BESTFRIEND...
Kabanata IV
Magsimula sa umpisa