⊱༻ 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 44 ༺⊰

2.7K 56 69
                                    

𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀'𝐒 𝐏𝐎𝐕


HAPON na nung magising ako at katulad kahapon wala na si Dwight sa tabi ko, nag-message naman siya na nasa tabing dagat lang sila ng mga kaibigan niya kaya hindi ako gaanong nag alala kung nasaan siya.

Naglalakad pa lang ako patungong pavillion kung saan naririnig kong nagkakantahan ang mga kasama namin nung sabayan ako ni Angeli sa paglalakad.

"Girl, punta tayo ng boardwalk." Aya niya sa akin.

"Saan 'yon?" tanong ko naman.

"Malapit lang 'yon. Ayun, oh, natatanaw mo ba yung parang cottage na 'yon sa gitna ng dagat?" tinignan ko ang tinuturo niya at napansin ko na nga iyon nung makarating kami dito simula kahapon.

"Sige, pero magpapaalam muna ako kay Dwight."

Natawa si Angeli. "Kaya ayoko magjowa, e, kailangan pang magpaalam ka pa kapag may pupuntahan ka."

That's how I respect him. Our relationship, even if it's fake.

Natawa lang rin ako saka niya ako inaya papunta ng pavillion kung nasaan sila Dwight. Malayo pa lang kami rinig na rinig ko ang boses ni Doc Yvonne at bigla akong nanliit kasi magaling pala siyang kumanta. Binirit ba naman yung 'Come on in out of the rain' ni Sheryn Regis.

"Pa-cancel na nga ng kanta ko d'yan," sabi ni Angeli nung makatungtong kami sa sahig ng pavillion matapos niyang marinig ang boses ni Doc Yvonne.

Bahagya kaming natawa dahil talagang pina-cancel niya yung kantang sinelect niya. Hindi ko na lang sila pinansin at napatingin kay Dwight pagkatapos nag ngitian kami at lumapit na ako sa kaniya para ayain siyang nagpunta doon sa sinasabi ni Angeli.

"Later, beh." Sagot niya at parang may kumurot sa puso ko. Bakit mamaya pa? Gusto niya pa bang marinig yung boses ni Doc Yvonne kumanta?

"Bakit?" napanguso ako.

"Next, 'I've been waiting for you'. Kanino 'to?" napatingin kami kay Von habang hawak ang microphone na ibinigay na sa kaniya ni Doc Yvonne.

"That's mine," muli akong napatingin kay Dwight nung sabihin niyang sa kaniya ang kantang iyon ganoon rin naman siya sa akin saka muling ngumiti. "Kantahan muna kita."

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina lang nung makita kong niyakap siya ni Doc Yvonne at napalitan ng hiya pero mas nangibabaw ang kilig.

Yawa! Kinikilig ako!

"Sana all, kinankantahan. Looking for kakantahan sa banyo!" tili ni Angeli kaya nagtawanan uli kami matapos no'n kinuha ni Dwight ang microphone na iniaabot ni Von.

Naging tampulan kami ng tukso dahil hinawakan ni Dwight ang kamay ko. Mas lalong tumili si Angeli dahil sa kilig. Maganda na ang boses ni Dwight pero mas gumanda sa pandinig ko iyon nung magsimula siya.

"Yeah girl, I've been searching so long
in this world..
Trying to find someone who could be..
What my picture of love was to me..
Then you came along.."

Madiin ang pagkagat ko sa labi ko dahil kinikilig ako at tinitignan niya ako sa mata habang nakangiti siya. There's something about his eyes but I can't read it.

"When I saw you I knew you were the one..
The love that I'd been dreaming of.."

Napatingin ako kay Doc Yvonne at hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko sa mata niya. Nagsiselos ba s'ya?

𝐃𝐋𝐒 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora