"What?" Tanong ni Rain kay Hailey.
"Ako dyan" sabi ni Hailey sabay turo sa kinaupoan ni Rain.
"Ang laki ng space sa kabila tas makikiupo ka pa?" Reklamo ni Rain sa kanya.
"Gusto ko dyan eh! Ano? Tatayo ka o tatayo?" Pataray na sabi ni Hailey with pataas kilay effect pa.
"Oo na! Oo na! Taray ehh. Para kang si babe ko" sabi nya at lumingon sakin sabay kindat. Psh! Tumayo na sya at nagpunta kina Zeus. Umupo naman agad si Hailey at nilingon ako.
"Ganyan talaga yan si Kuya Rain, malandi" sabi ni Hailey sakin. Tinignan ko naman sya at ningitian. Ngumiti naman sya sakin at sinusuri ako.
"Ang ganda ng smile nyo po." Sabi nya sakin. Naflatter naman ako sa sinabi nya kaya medyo naoawkward ako. "Alam nyo po ba, sa phone ni Kuya Lance, may picture sya sa isang babae na kamukha mo. Akala ko nga nung una ikaw eh." Nagtaka naman ako sa sinabi kaya natagalan ako sa pagsalita.
"Talaga? Andami ngang nagsabi sakin na andami dawng kamukha. Di ako yun" sabi ko naman sa kanya.
"Gusto mong gumala ate?" Tanong nya sakin.
"Saan naman?"
"Dito lang po sa Ancestral. May ipapakita po ako sa inyo sa labas. Hali ka po." Sabi naman nya at kinaladkad nako papuntang labas. Medyo malayo yung nilakad namin pero tanaw ko na yung pwesto kung saan may gusto syang ipakita sakin.
"Man made lake po to pero parang natural lang." Sabi nya sakin at nilingon ko naman yung lake na sinasabi nya. Ang ganda. Parang di talaga sya man made. Ang linaw ng tubig at napalibutan sya ng mga matataas na kahoy. Ang sarap ng hingip ng hangin. Perfect place para magstandby. Naglakad naman si Hailey papuntang Manggahan kung saan pwedeng sumilong. Sinundan ko naman sya at umupo na dun.
"Ate! Magingat ka po kay Kuya Rain ah. Playboy yun." Sabi nya sakin. Natawa naman ako at tumango nalang. As if naman papatulan ko yung hambog na yun.
"Di ko type si Ulan. Ayoko sa mga taong mahangin. Sorry! Pero nahahanginan talaga ako sa kanya eh. Kaya nga kahit kahapon ko lang sya nakilala, bwesit na bwesit ako." Sabi ko naman sa kanya.
"Ganyan talaga yan ate. Nangungulit pag trip nya yung babae. Paiba iba nga girlfriend nyan eh. Di naman nya ipinapakilala samin pero nakikita namin syang dinadala yung mga babae nya sa condo nya sa Manila. Di ko nga alam kung virgin pa ba yun or hindi" natawa naman ako sa reaction nya at patuloy syang nagkekwento about kay Ulan. Nakikinig naman ako sa kanya hanggang naubusan na sya ng topic. Naisip ko naman sina Amber at Lance.
"Pwedeng magtanong?" Sabi ko sa kanya. Nilingon naman nya ko at tinangoan. "Diba magsyota si Amber at Lance?" Tanong ko sa kanya.
"Opo! Pero alam mo ba ate. Before naging sila ni Ate Amber, may ibang mahal si Kuya. Di nga lang nya masabi kina mama kase dati na silang pinagkasundo ni Ate."
"Talaga?"
"Oo! Pero di naman nya ata naging girlfriend yung babae. Di kase niligawan ni Kuya." Sabi nya pa.
"Ilang taon na ba sila ni Amber?" Tanong ko naman sa kanya.
"8 months pa lang po ata. Matagal niligawan ni Kuya si Ate eh. Pero mahal naman nya si Ate. Magbestfriend kaya sila bago naging sila." Napatigil naman ako sa sinabi ni Hailey. Bestfriend? Pinagkasundo? Parang si ano lang.
Natigil naman kami sa pagkikwentohan ni Hailey ng may narinig kaming nagsigawan. Lumapit naman kami dun at nagtago sa isang shade. Nakita namin sina Amber at Lance na nagaaway ata.
BINABASA MO ANG
Lost Love
FanfictionYou've lost your love in a distance. Will you be able find your love that lost miles away?
CHAPTER 8
Magsimula sa umpisa