"Okay so umakyat ka sa puno ng mangga sa likuran ng bahay na ito tsaka kumuha ng dalawang mangga." sabi niya. Aba ang dali naman pala eh.
"Okay. Ang dali dali lang naman." pagmayabang ko sakanya. Nag smirk lang siya at tumayo na kami tsaka nag tungo sa back door ng bahay. Paglabas namin, kitang kita ko na ang puno ng mangga di kalayuan saamin. At saktong sakto naman ang dami ng bunga.
Patakbo akong tumungo doon at nakasunod lang si Zen saakin. Una akong nakarating dito sa puno ng mangga at hinihintay ko si Zen na makaabot dito.
"Akyat na ako ha?" tanong ko sakanya.
"Kailangan mo pa talagang magpaalam?" nakakunot ang kanyang noo habang tinanong niya iyon. Nagkibit balikat lang ako at nagsimula nang umakyat. Ng nakarating na ako sa isang branch, agad akong tumayo doon at kumuha ng dalawang mangga. Madali lang naman palaito sa inaasahan ko.
Nakuha ko na ang isa pero hindi ko pa nakukuha ang pangalawa. Hindi ko kasi masyadong maabot. Nag tip toe ako at naabot ko naman ang mangga pero pagkahawak ko palang ng mangga, bahagyang sumakit ang ulo ko kaya na out of balance ako. Napapikit na lang ako nung babagsak na ako sa lupa.
Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Ilang sandali na lang at mararamdaman ko na ang lupa. Habang nahuhulog ako, parang nag slow mo saakin lahat at parang humina ang takbo ng oras.
May mga litrato na sumagi sa isip ko. Dalawang batang babae, nasa itaas ng puno ng mangga at kumakain sila ng mangga. Nakaupo sila sa isang branch ng puno. Namumukhaan ko sila, sila iyung mga bata sa mga panaginip ko!
Bakit naman nila ako ginugulo? Wala naman akong atraso sakanila. Ano bang kailangan nila saakin?
Ilang segundo na ang lumipas pero wala akong naramdaman na kung anong sakit sa katawan ko maliban sa ulo ko. Nagmulat ako ng mata at bumungad saakin ang sikat ng araw. May mukha akong naaninagan.
Ng naimulat ko na talaga ang mata ko, nanlaki ang mata ko ng nakita ko si Zen. Pagtingin ko, buhat buhat ako ni Zen gaya nung mga bagong kasal.
"Hindi ka kasi nag iingat. Tsk such a clumsy stupid girl" iling iling na sabi niya. Hindi ako makapaniwala na nasalo pala ako ni Zen. Na ngayon ay nasa mga bisig niya ako.
Mukhang hindi pa masyadong nag sink in sa utak ko ang nangyari. Napahawak ako sa ulo ko ng bumalik ang sakit nito. Akala ko ba nawala na ito?
"Ayos ka lang ba?" alalang tanong ni Zen. Tumango tango lang ako. Akala ko ibababa na niya ako pero buhat buhat niya parin ako habang naglalakad kami tungo sa bahay.
Inupo niya ako sa sahig kung saan kami naka upo kanina. Umalis si Zen at tumungo sa kusina. Pagbalik niya, may dala dala na siyang isang basong tubig.
"Here" inabot niya saakin ang tubig. Ininom ko naman ito agad. Hinilot hilot ko pa ang sintido ko. Medyo hindi naman siya masyadong kumikirot.
"Sumsasakit ang ulo mo?" tanog ni Zen at lumapit saakin. Konting distansya nalang at mahahalikan na niya ako. Feeling ko umiinit ang mukha ko at mukhang in an instant nawala ang sakit ng ulo ko.
"O-oo. Medyo noong last 2 weeks pa itong pagsakit ng ulo ko" sabi ko sakanya. Bigla naman niyang hinilot ang sintido ko.
"Sumasakit pa ba?" umiling lang ako.
"Gusto mo bang pumunta tayo ng ospital?" nag alalang tanong nito. Umiling muli ako tsaka ngumiti. Nag iwas naman siya ng tingin at inihinto ang paghilot ng sintido ko. Hala anong problema nito?
"Gusto mo pa bang maglaro?" tanong nito habang hindi parin tumitingin saakin.
"Oo naman!" masiglang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Baliw
Teen FictionThis story is your typical high school love story but revelations will shock you, villain will attack you and especially love will be upon you.
Baliw 24
Magsimula sa umpisa