Chapter 10 He saved me

Magsimula sa umpisa
                                    

Akala ko kaya ko nang lumaban pero akala ko lang pala, akala ko hindi na mangyayari ang ganitong eksena na katulad ng dati kong buhay pero akala ko lang din pala yon.

Di ko napigilang umiyak. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang mapahiya at makisalamuha sa ibang tao, kasi alam ko na naiiba ako sa kanila, mayaman, may ipagyayabang, magaganda at gwapo, at higit sa lahat perpekto.

Bigla silang sumigaw lahat ng "MORE!!!" nakita kong tumawa mula sa likod ko si Tiffany.

"see, I told you this will be fun" sabi niya sa kasama niya.

"Cindy, ano pa ba ang meron diyan?" maarte niyang sabi.

"harina" sagot naman nung Cindy at iniabot kay Tiffany yung harina

Binuhos naman ni Tiffany yung harina sa buong katawan ko.

"oops! Sayang naman yung flour and eggs, para sana yan sa lulututin naming cake. Kaso mas masarap pa palang mang trip kaysa sa mag bake. Sorry ka na lang dapat orange juice lang talaga ang itatapon ko sayo, kaso sumigaw sila ng more eh"

Halos kalahati na ng harinang dala niya ang nabuhos niya sakin nang bigla may humawak sa kamay niya at isinangtabi ito.

Naramdaman ko din na wala ng harinang tumatapon sakin. Tinignan ko kung sino ang gumawa non.

Nung nakita ko di ko napigilang umiyak lalo at yakapin siya.

Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero hindi naman siya nagalit.

"hubarin mo ang uniform mo" mahinahon niyang sabi kay Tiffany.

"pero Natha-" di na natuloy ni Tiffany ang sasabihin niya dahil biglang siyang sinigawan ni Nathan.

"hubarin mo!"this time sumigaw na siya.

Mahigit isang minuto na ang lumipas at hindi pa rin kumikilos si Tiffany hanggang sa nag salita ulit si Nathan.

"huhubarin mo ba yan?! O ako pa ang mag huhubad sayo!?" sigaw ulit ni Nathan.

Tinignan ko si Nathan "di na kailangan ok naman na k-" di ko na natapos pa ang sasabihin ko.

"shut up!" sigaw niya uli.

Nakakatakot siya. Nakayakap parin ako sa kanya nang bigla siyang kumalas at hinawakan ako sa balikat.

"sinaktan ka ba niya?" nag aalala niyang tanong.

".........................." imbis na mag salita umiyak nalang ako lalo ayoko namang magsinungaling.

"di mo na kailangan pang sagutin, alam ko na ang sagot" seryoso niyang sabi.

"di mo talaga huhubarin yan?!" matapos sumigaw si Nathan, lumapit siya kay Tiffany at akmang tatanggalin niya na yung uniform ni Tiffany.

"okay okay gagawin ko na" at nag simula na ngang hubarin ni Tiffany ang uniform niya.

Matapos niyang hubarin ang uniform niya, ngayon eh pinag titinginan na siya at yung iba ay pini-picturan siya at meron namang iba na nag bi-video sa kanya.

Hindi dahil sa hubu't hubad na siya well naka sando naman siya at maikling short dahil na din siguro sexy siya ay ewan ko kung bakit?

Inabot ni Tiffany kay Nathan ang damit niya. Si Nathan naman ay inakbayan ako para alalayang mag lakad at saka kami bumaba.

nung makababa na kami ang daming sumalubong saaming mga studyante at picture pa sila ng picture.

"kayo! Pumunta na kayo sa klase niyo nagyon din!" sigaw niya at nag sialisan na nga ang mga iba.

Diary ng feeling abnormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon