"Siguro iyong makita ko na may kahalikan siyang iba at sabihin niya mismo sa harap ko na kahit minsan ay hindi niya ako minahal ay sapat na para huwag ng alamin ang dahilan niya kung bakit bigla siyang umalis." Sukat doon ay bigla siyang tumalikod nang maramdaman ang biglang daloy ng mga luha niya.

"Iyan siguro ang mali mo at ang mali niya. Pareho niyong hindi pinaglaban ang isa't-isa."

"Ipaglaban? Para saan? Kung alam ko namang sa simula pa lang ay wala na akong ilalaban dahil hindi ako ang mahal niya." Humarap siya sa binata at tumitig sa mga mata nito.

"Paano kapag nalaman mong mahal ka niya? Mahal na mahal ka niya higit pa sa inaakala mo?"

Natahimik ito dahil sa sinabi niya.

"Lasing ka na Stacy."

Lumapit siya rito na halos dalawang dangkal na lamang ng layo niya.

"Hindi ako lasing, alam ko ang pinagkaiba ng lasing sa hindi lasing Troy Sarmiento. Bakit nga ba hindi mo siya hinabol? Bakit hindi mo siya pinaglaban? Bakit ba hinayaan mo lamang siya?"

"Iuuwi na kita Stacy, lasing ka na."

Hinawakan nito ang dalawang braso niya pero nagpumiglas siya. Oo at inaamin niya na kanina pa siya umiinom pero hindi siya lasing. Huminga siya ng malalim at muling tumitig dito. Kanina pa niya pinipigilan ang luhang gustong lumabas sa mata niya. Ngunit bago niya masabi ang mga katagang nais at matagal na niyang gustong sabihin dito, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang babae na sa tantiya niya ay kasing edad lamang niya.

Dumiretso ito at lumapit sa kanila, nagulat siya ng hinalikan nito sa labi ang binata. Tila sa tagpong iyon ay nawala lahat ng lakas at sigla niya. Tila nilamon na rin lahat ng lakas ng loob niya.

"Hi babe." narinig pa niyang sabi ng babaeng kaharap, tila nabingi siya. "Hello Stacy, pasensya na kung nakaabala ako sa inyo. Kaya lang, hinahanap na kami sa baba. By the way, im Troy's girlfriend."

Napatingala siya sa tinuran ng babae at napatingin siya bigla sa binata. Tila naghahanap siya ng kompirmasyon mula rito, umaasa siyang nagkamali lang ng bigkas ang babaeng nasa harapan nila. Ang hindi nito pagsagot ang lalong nagpadagdag sa pagbigat ng kalooban niya, mas hiniling na lamang niya na sana ay totoong lasing na lamang siya.

"Tapos na kaming mag-usap. Besides i have to go, this reunion is giving me a headache." pinilit niyang tatagan ang boses niya at kinuha ang lahat ng natitira niyang lakas para lumakad, lagpasan, at iwanan ang dalawa.

The moment she closed the door, she finally let go the tears that she keeps on hiding a while ago. After that, she immediately went downstairs.

Mukha ni Robert ang una niyang nakita kahit nanlalabo ang paningin niya pagkababa niya. Actually, may katabi ito at marahil ito ang asawa nito. Pareho ang mga itong nakatingin sa kanya.

Nang maalala niya bigla ang pinag-usapan nila kanina ay unti-unti niyang naunawaan at naintindihan ang lahat.

Kaya pala... Naisip niya.

Kaagad siyang lumabas at nilagpasan ang mga taong may balak na kumausap sa kanya. Hindi na niya inisip ang magiging posibilidad ng mga inaakto niya. Nang may tumigil na taxi sa harapan niya ay akma na sana niya itong bubuksan nang may biglang humila sa kanya,

At si Robert ito. Hinila siya nito nang hinila until they've reached the parking lot.

"Asawa ko nga pala." pagpapakilala nito sa babaeng nakita niyang katabi nito kanina. Napakunot ang noo niya.

Take me to your heart again [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon