"Ahm, Miss Claire, pwede na po ba tayo lumakad ulit?" Tanong ni Manong Ed.
"Ayy, opo. Pasensya na po" sagot ko at nagpatuloy na nga kami sa paglalakad.
"Waah! Sa wakas! Namiss ko tong bahay na to!!!" Sigaw ni Keidi at yumapos pa sya sa may poste nung bahay. Ung bahay kasi hitsurang cabin, well actually cabin talaga sya, hehehe medyo mahirap kasi i-explain kaya tingnan nyo na lang sa ung picture sa right!
"Halatang namiss mo yan Keidi" natatawang sabi ni Josh.
"Hoy! Keidi! Umayos ka nga, andumi dumi nyang poste yayapusin mo!" saway naman ni Laureen kay Keidi.
"Hayy nako ang Babe ko pati ba naman poste pagseselosan mo? Ikaw talaga! Halika nga dito. Hindi ka naman kasi nagsasabi gusto mo din pala ng yakap" panloloko naman ni Keidi kay Laureen. Yang dalawang yan, daig mo pa ang aso't pusa kung magbayangan pero kung maglambingan jusko! Wala ng bukas!
"Che! Oh! Bitbitin mo to!" hinagis ni Laureen ung bag na bitbit nya kay Keidi, nasambot naman to ni Keidi.
"Babe naman eh! Tampo ka na agad eh!!!" tumakbo sya sa loob para sundan si Laureen na nagkukunwaring nagtatampo, asus! Gusto lang ng lambing eh.
"Ung dalawang un talaga! Hindi na nagbago eh" iiling iling na sabi ni Yuri.
"Nako Yul, hayaan mo na sila, ganyan na na talaga yang dalawang yan" sabi ko naman.
"Nako tama ka, Tara na nga, madami dami pa tayo aayusin eh"
Pumasok na kami sa loob, mukhang araw araw nga tong nabibisita kasi ang linis walang kaalikabok alikabok.
"Miss Claire, iwanan ko na po kayo. Asa kusina na po ang tanghalian nyo, nakapag hain na po ako. Ung mga iba nyo pa pong pagkain nailagay ko na po sa ref" sabi ni Manong Ed.
"Ayy, salamat po talaga Manong Ed, pasensya na po sa abala, tatawag na lang po ako kay Manang pag magpapasundo na kame. Ingat po kayo! Ayy, sabay na po pala muna kayo samin kumain"
"Nako hindi na po Miss Claire, sa resort na po, madame din po kasing guest dun kelangan ng nagiintindi"
"Mukhang hindi naman po kita mapipilit eh, sya sige po, ingat po kayo"
"Sige po" nag bow sakin si Manong Ed (tradition un sa Korea! Alam nyo naman un diba?) tska sya umalis.
Bumalik na ako sa kusina at tingnan nyo mga to, hindi man lang ba nakahintay? Gutom na gutom lang?
"Wow, thank you sa paghihintay sakin ha!" Sarcastic kong sabi.
"Kumain ka na nga lang!" sabi ni Nathan at tinuro nya ung vacant seat sa tabi nya, at wow naman! So sweet naman my boyfriend! Bakit? Kasi naman oh, may kanin na ung pinggan ko.
"Wow! Gutom much ka no? Ambait ah!" umupo na ako kasi gutom na din ako eh. Teka eh bat kanin lang to?! "Eh teka, hoy Nate! Nagmagandang loob ka na din naman eh hindi mo pa nilubos lubos! Bakit walang ulam?!"
"Eh kasi po senyora hindi ko naman kasi alam kung anong gusto mong iulam" paliwanag nya. Ahh, hehehe, sabi ko nga.
"Hehehe, sorry naman. Pero thanks! Hihihi"
"Witch lang? Grabeng tawa un ah!" Singit ni Keidi.
"Che!" Binelatan ko na lang sya.
Waah!!! Bulalo! Favorite ko to!!! Dali dali akong kumuha pa ng kanin! Syempre no, Bulalo kaya kelangan madameng kain! Sarap kaya nito!
BINABASA MO ANG
Ms. Bitch Meets Mr. Baby Face
Teen FictionWhat will happen if Mr. Ex meets Ms. Bitch again with her so-called boyfriend Mr. Baby Face? Will there be a 'together again' ending? Or a new 'so-like fairytale love story'? You'll find out if you start reading their story! :3 CURRENTLY BEING EDITE...
Chapter 13 - Camping Time!
Magsimula sa umpisa