"So, ano? Tatayo ka na lang ba diyan o sasabayan mo kong manligo?" napabaling ako sa sinabi niya. Tumindig ang mga balahibo ko. Ngumisi siya ng nakakaloko.
"Eww!" ani ko. Tumalikod ako at lumabas ng bathroom. Narinig ko pa ang paghalakhak niya habang sinasarado ang pinto ng CR.
Lumabas ako ng kwarto niya. Dumiretso sa sala nila at nanuod ng TV. Inilapag ni Manang ang lasagna na niluto ko. Kinuha ko iyon at agad na isinubo. Ewan ko pero parang medyo may kumulo sa dugo ko. Naiinis ako ng walang dahilan.
Isang oras bago bumaba si Win. Tulad ng normal na porma niya. Gwapong gwapo pa rin. Walang kupas. Nagulat siya nang makita akong nakaupo sa sofa.
"Uy, bakit diyan ka naghihintay?" tanong niya.
"Nanunuod ako ng TV." masungit kong sagot sa kanya. Hindi ko siya tiningnan.
"May TV sa kwarto."
"Kumakain ako."
"Pwede mong dalhin yan sa taas." Bumaling ako sa kanya dahil sa huli niyang sagot sa akin. Ano bang problema niya? Nakakainis na siya.
Tumingin ako sa aking relo at nakitang 8:45am na. "Uwi na ko. Nagsayang lang ako ng oras." Sabi ko. Hindi ko man lang napilit na sumama. Pero, syempre.. May date siya. May date sila ni Reina. Hindi ko siya dapat pilitin.
"Ihahatid na kita." aniya.
"Wag na. Late ka na sa date mo." Ayokong maging dahilan ng pagkalate niya. Baka magalit pa si Reina. Sa totoo, gusto ko siya. Hindi lang sa magandang mukha kundi pati na rin sa ugali. Medyo nakikita ko ang similarities namin. Kung magkakatuluyan sila, dapat akong maging masaya.
"Okay lang, Win. Ito naman. Pwede akong magpahatid sa driver niyo." sabi ko. Pinilit kong ngumiti para hindi siya maguilty.
"Kapag kaya ko, gagawin ko." aniya. Hindi ko masyado nakuha ang sinasabi niya. Hinila niya ang braso ko at dumiretso kami sa kotse niya.
"Sir Win, yung inorder niyong bulaklak. Dumating na po. Nilagay ko sa likod ng kotse niyo." Tumango si Win.
"Ah. Salamat po, Manong Wally." aniya sa guard nila.
Pumasok ako sa front seat tapos umikot naman si Win sa driver's seat. Bago pa siya makapasok sa sasakyan, tumingin ako sa likod. Nakita ko ang isang bonggang bouquet ng flowers na nakapatong doon. Tumingin ako sa harapan bago pa mapatingin si Win sa akin.
"Let's go." aniya. Tumango lang ako.
Kahit kailan ay hindi pa niya ako binigyan ng bulaklak. Kahit nung naging kami ay wala akong natanggap mula sa kanya. Siguro ang oras niya. Masaya na ako noon nung binibigay niya sa akin ang oras niya. Ngayon.. Hindi ko na alam. Baka iba talaga kapag ibang tao. Iba na talaga dahil si Reina na ito.
[ Yasser's POV ]
"Bakit daw hindi sumama si Win? Ano ba naman yun!" tanong ko ng kapatid kong si Zeke. Kahit kailan walang alam ang isang to.
"May lakad daw." sagot ni Raffy. Pinagmasdan ko ang reaksyon niya. Walang pagbabago. Masaya pa rin siyang nakatingin sa daanan.
"Hayaan mo na yun, Raffy. I'm here." ani Zeke. Bumaling si Raffy sa likod ng kotse kung saan nakaupo ang kapatid ko. Ginulo niya ang buhok nito.
"So, napakaswerte ko pala na nandito ka." tumawa si Raffy.
Mga 12:45pm kami nakarating sa Enchanted Kingdom. Gustong magrides ni Raffy kaya yun nag pinuntahan namin. Tuwang tuwa rin naman ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Teen Fiction[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...
Chapter 14 // Gusto
Magsimula sa umpisa