Nahiya na lang din ako. Napataas na lang din naman ng kilay si Elly.

"Oh, sorry, I'm using the flashlight of my phone." Palusot ko pa sa kanya.

Napangisi na lang din naman siya at bumalik sa pagbabasa. Nang tingnan ko naman ang gallery ay nakuhaan ko siya, 'yon nga lang ay medyo blurd dahil nagulat akong may flash pala 'yon. Hindi ko rin naman namalayan na nakaidlip pala ako.

Ginising na lang ako ni Elly, "heads up, palapit sa atin 'yong librarian. Bawal matulog dito." Pabulong naman nitong sabi sa akin.

Nang nilingon ko naman ang librarian na iyon ay tiningnan lang din kami at naglakad na sa ibang direksyon. Natawa na lang din naman ako.

"Ah, Cae..." tawag ni Elly sa akin. Inaayos na naman niya 'yong mga gamit niya. "Pupunta na ako sa next class ko, thank you sa pagsama sa akin dito."

"No problem." Ngiti ko pa. "Saan ka pala mamaya?"

"Ah, susunduin ako ni Jiro mamaya. Sabi niya may pupuntahan daw kami mamaya, hindi ko lang alam kung saan." Aniya.

Napatango na lang din naman. Sayang naman.

"Dapat hindi ka na gumagala, you should practice. Malapit na audition mo eh."

"Yeah."

"You got your song piece?"

I shook my head, "no, not yet, wala akong mapiling kanta eh."

"Oooh, I can give few suggestions." Aniya, "pero sa ngayon, I'll be going back to my class."

Napangiwi na lang din naman ako sa kanya, "sure, see you around."

"Bye!" she waved.

Lumabas na rin naman ako ng library, dumaan pa ako ng canteen at bumili ng snacks. Pumunta na rin naman ako sa next class ko, nadatnan ko doon si Gabe pero wala 'yong tatlong ungas.

"Nasaan sila?" tanong ko naman sa kanya.

Kibit balikat lang din naman sagot niya sa akin.

"Eh? Sabi nila, pupuntahan ka nilang tatlo."

"Oo nga," aniya. "pero umalis din kaagad sila, hindi ko alam kung saan sila nagpunta."

"Sa tingin mo, ano bang nangyayari sa tropa natin ngayon?" tanong ko naman.

Nilingon naman niya ako ng nakataas ang kilay niya, "you should ask yourself, Caelan."

"Gabe..."

"Cae," he smirked. "For the first time na nangyari 'to sa tropa, kung noon naaayos naman kaagad pero anong nangyari ngayon?" he asked, I don't have an answer, I just look at him. "Simula kasi ng dumating si Ellyna, mas lagi mo na siyang makakasama."

"So what's Ellyna? Big deal ba dahil lagi ko siyang kasama at hindi kayo?"

Napangisi naman siya, "yes, Caelan."

"Then what should I do?"

"Be on the cheersquad."

"What the fu—" I hissed. "Gabe naman!"

He smirked, "I know, I get rid of it. Sinabi ko na naman kay Giya na ayaw mo talagang sumali sa cheersquad dahil nakaregister ka na sa Glee Club, don't worry bro, manonood kami sa audition mo."

Isang Saglit, Isang Tingin -A Novel-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon