➡38: Crying

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tara baba na tayo"- sabi ko,,,

"Tara"- sabi nya kaya agad na kaming bumaba, sobrang sama ng aura nya ngayon grabe,,,

  Hanggang sa makababa na kami agad kaming pumunta dun sa sala kung nasan sila,,,

"Ok na kayo?"- tanong nila, ngumiti nalang ako, umupo na ako sya naman naglalakad dun sa may mga kalat, patay mainit pa naman ang ulo nito,,,

  Dinampot nya yung isang pocket book at binato sa labas kaya nabigla kami, hala ganito ba sya kapag may dalaw,,,

   Napatingin sya sa mga damit na nakasampay sa kahit saan, bigla nalang nyang hinugot ang baril at pinagbabaril yun, kaya nanlaki ang mga mata namin,,,

"Ayaw ko ng kalat kunin nyo yan"- sabi nya kaya agad tumayo si kazumi at sina zumi,,,

"Anong nangyari sa kanya?"- tanong ni lea,,,

"May dalaw sya ngayon kaya mainit ang ulo"- sabi ko nanlaki naman ang mga mata nya,,,

"Di ba sabi ko ayaw ko ng kalat"- sabi nya kaya agad ginamit ni kazumi ang kapangyarihan nya para iligpit lahat ng nakakalat,,,

  Pagkatapos nun nagsiupuan na silang lahat, sya naman nakatayo lang habang nakatingin sa labas ng bahay, hay nakakatakot syang kasama,,,

"May dalaw pala sya"- sabi ni kazumi,,,

"Kaya pala ang sama ng aura nya ngayon"- sabi ni kuya daniel,,,

   Tapos umupo na sya pero ang lalim parin ng iniisip, nakatingin lang sya sa labas na nakatulala lang,,,

   Naglabas sya ng dagger at pinaglalaruan nya yun, gusto ko man yung kunin sa kanya pero baka mas lalo lang syang magalit, tapos tinitigan nya at bigla nalang nyang hiniwa ang kamay nya kaya nanlaki ang mga mata namin,,,

   Ang daming lumabas na dugo sa palad nya pero pinaglalaruan lang nya yun, dios ko ano ba sa tingin nya ang ginagawa nya?

"Mahal tama na yan, hindi na yan magandang biro"- sabi ko at inagaw sa kanya ang dagger at tsaka ginamot ko ang sugat nya, napaka nitong babaeng toh,,,

   Hindi naman sya gumalaw hinayaan nya lang akong gamutin ko ang sugat nya, hay ang sarap nyang pagalitan,,,

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha?"- tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot,,,

"Wag mo ngang saktan ang sarili mo"- dagdag ko pa,,,

"Kita mo toh gusto mo ako ang hihiwa nito"- sabi ko, pinag-aalala nya ako sa mga ginagawa nya eh,,,

"Aw"- napatalon sya kasi kinurot ko ang tagiliran nya, napakatigas ng ulo,,,

"Makinig ka kasi"- sabi ko natawa naman sila,,,

"Nakikinig naman ako ah"- sabi nya,,,

"Nakikinig? eh nasa mars na ata ang utak mo eh"- sabi ko pa sa kanya,,,

"Alam mo napakatigas talaga ng ulo mo noh, palagi mo nalang akong pinag-aalala"- sabi ko tinitigan na nya ako,,,

"Lagi nalang eh kapag magkasama tayo walang araw na hindi mo ako pinag-aalala, kahit saan ka pumunta pag-uwi mo may mga sugat kana, tapos pati sa harap ko sinasaktan mo ang sarili mo, ano ba ang tumatakbo sa utak mo ha? kung tatanungin naman kita kung ok kalang palagi mong sinasagot na ok kalang, pwede ba wag kang magtago ng secreto mo samin? wala ka bang tiwala samin? palagi mo nalang sinasarili ang mga problema mo kahit nahihirapan kana, nag-aalala narin sila sayo kasi minsan hindi kana namin naiiintindihan eh, hindi na namin naiiintindihan kung ano na ang nangyayari sayo"- seryoso ko na talagang sabi, natahimik naman silang lahat, matagal ko na talaga tong gustong sabihin sa kanya eh,,,

  Bigla nalang syang pumikit at unti unting ng nagsibagsakan ang mga luha nya, dumuko sya at ayun na nga umiyak na talaga sya,,,

"*sob*"- rinig kong paghikbi nya kaya agad ko syang niyakap, naku naman iyakin pala toh nakalimutan ko,,,

"Shhh tama na ikaw naman kasi eh"- sabi ko at patuloy parin syang pinapatahan pero ayaw nyang tumahan,,,

"*sob*"- hikbi nya, umiyak na talaga ng sobra, hay luntik ka naman kasi kirby eh,,,

"Tahan na, wag mo kasing gawin ang ganito eh kasi nag-aalala ako sayo"- sabi ko pero mas lalo lang syang umiyak na parang bata,,,

"Mahal tama na ok Im sorry"- sabi ko pero umiyak parin sya, hinagod hagod ko nalang ang likod nya, hanggang sa makatulog sya habang yakap ko sya,,,

"Napakaiyakin nya parin"- sabi ni bianca,,,

"Walang kupas"- sabi naman ni kyle,,,

"Grabe para kang daddy nya kirby, kung paggalitan mo sya wagas"- sabi ni ate kenny,,,

  Napatingin ako sa mukha nya, ang amo pero napaka naman, pinunasan ko nalang ang pisnge nya kasi sobrang basa eh, para tuloy syang bata....




Katana_Blade

TAOTD: The Golden QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon