Tha guy from my Past(one shot)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh! You're really out of your mind Paul. Can't you see I'm not even serious with our relationship. I don't know how to handle a relationship. Can't you see Paul you don't deserve a girl like me. And one thing more, I don't even love you." Sinabi ko na yun para tumigil na siya at di nga ako nagkamali kasi ilang minuto na siyang walang masabi kaya nagsalita na uli ako. "Kaya sige na Paul let go of me. Let go of our relationship. Someday you will find a girl that will give you the love that I can't give to you." Sabay sara ng gate at nakita ko naman na siyang naglakad palayo sa bahay namin.

*End of flashback*

"Ehem! Pwede ba kaming maki-table." Bigla naman akong nabuhayan ng dugo.

"Ah sige okay lang patapos na din naman kaming kumain ni Aiz eh. Diba Aiz?" Tanong ko habang nakangiti kay Aiz.

"Pero----" di niya tinuloy yung sasabihin niya kasi tinignang ko siya ng 'um-oo-ka -na-lang-libre-kita-siomai-mamaya' biglang nag-ningning ang mga mata ni Aiz. At tumayo na nga kami "Tara na Xy. Kakainin ko nalang sa room tong burger ko." at tuluyan na kaming umalis. Pero dumeretso muna kami sa rooftop tutal may isang oras pa bago mag-start yung klase namin. Kailangan ko munang magpahangin.

"Xy, don't forget my siomai!" Excited na sabi ni Aiz.

"Oo na." Walang gana kong sagot sa kanya.

"Xy, realtalk ha. Affected ka ba sa presence ni Paul?" Diretsahang sagot ni Aiz.

"Ewan ko ba Aiz naguguluhan talaga ako. Ang weird kasi ng nararamdaman ko eh tuwing lumulapit siya sakin." Tahimik lang kaming dalawa.

Haay! Mula nung nagbreak kami wala na akong in-entertain sa mga nanligaw sa akin. Ayoko nang makasakit pa, ayoko nang magpaasa pa. Ayoko nang sayangin lahat ng effort nila. Ayoko nang magsayang pa sila ng oras sakin.Ang weird lang kasi eh. Mula nung nakipagbreak ako sa kanya parang nag-iba yung buhay ko na parang may kulang. Wala naman akong nararamdaman na spark na sinasabi nila noong naging kami. Hindi ako naswi-sweetan sa kanya. Pero simula nung pinakawalan ko siya parang ang laking space ng mundo ko yung walang laman,parang ang lungkot,sobrang lungkot. Mali ba na pinakawalan kita? Mali ba na nasaktan kita?

"Aiz tara na sa room." Nagpasya na akong pumunta sa room dahil baka lamunin ako ng kalungkutan na nararamdaman ko. Hindi na umangal pa si Aiz. 30 minutes na kasi kami pero wala pa ding nagsasalita. Nung nakatayo na kami, naagaw ang atensyon ko ng mga tao na naghihiyawan at bigla kong nakita sa gitna si Paul na may kasama siyang babae. Na-curious ako sa nangyayayare kaya hinila ko agad si Aiz pababa, papunta sa open field.

"Xy saan tayo pupunta?" Tanong ni Aiz habang hinilhila ko siya. Hindi ko na siya sinagot kailangan ko talagang malaman kung anong nangyayari. Pagdating namin dun nakipagsiksikan kami sa kumpol ng mga tao.

"Xy anong meron? Bakit---" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya. Ng biglang magsalita si Paul agad siyang tumingin sa nagsalita at biglang nanlaki ang mga mata niya.

"You are the star in my life, you gave light to my lonely and dark night. You are my world. You are my universe. I love you to the moon and back."

*flashback*

Nandito kami ngayon sa cliff. Ewan ko nga kung bakit niya ako dinala dito. Ano namang meron sa lugar na to?

"Xy I love you. Salamat kasi finally binigay mo na ang matamis mong oo." Ngumiti nalang ako pero nako-cornyhan na talaga ako sa mga pinaggagagawa niya.

"Xy mahal na mahal kita. Ikaw ang nag-iisang bitwin sa buhay ko, ikaw ang nagbibigay ng liwanag sa napaka-dilim kong mundo. Ikaw ang mundo ko. Ikaw ang universe ko. Mahal na mahal kita to the moon and back. To infinity and beyond."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE GUY FROM MY PAST (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon