"Hindi ah. Ano kasi--- ahmm.. Haha! Wag ka na magtampo" Sinabi ko kay Zedrick habang nakatingin sa kanya at ngumiti. Hirap maglambing di ako sanay.

"Pasalamat ka! Mahal kita." Ayieee... Nakasmile na rin ulit siya.

"Hoy pare, bakla ka na ba?" Sabi nung isa niyang kaibigan.

"Manahimik ka dyan Amber, matatamaan ka sakin mamaya." Ahh, Amber pala pangalan niya.

"Sus! Palusot. Hi Babe, Amber nga pala." Sabay abot niya ng kanang kamay sa akin para makipagshake hands.

"AMBER! Tsk! Babe ka dyan?! Akin yan! Wag mong isipang ligawan yan at magkakalimutan tayo." Hala! Ako naman ay nagulat sa sinabi niya, kaya nakipagshake hands na lang rin ako sa kanya.

"Relax, pre, Iba type niyan." Sabay tingin nung isang lalaki na kasama nila, kay Christelle.

"Onga! nagpapakilala lang eh. Eto naman! Iba type ko di ba Neth" Aba! Aba! Umaakbay na lang bigla kay Christelle ah.

"Teka nga! Bakit mo ko inaakbayan? Alisin mo nga yan." Haha! Taray ni girl.

"Hahaha! Basted ka na Amber! Di ka pa man din nanliligaw. Mukhang ayaw sa'yo ah." Sabi nung 'neth' habang matawa tawa pa rin. Aba! May nasesense akong hmm.. maganda o hindi maganda?

"Hoy! Tara na nga. Ginugulo niyo MAHAL KO.... Uy! Mamayang uwian hintayin mo ko ah." Sabi ni Zedrick habang naglalakad na patalikod sa amin.

"Sige! Hintayin kita ah!" IHH! Kinikilig ako sa kanya. Talagang in-emphasize niya talaga yung word na MAHAL KO. Pero masaya talaga ako kaya waaahhh! Pinagpapapalo ko si Christelle.

"Kita mo yun Christelle? Sinabi niya sa akin na hintayin ko daw siya? Tapos... tapos... tinawag niya pa kong mahal niya!! Waahhh!" Kinikilig talaga ako. 

"Aray! Masakit na! Halika na malelate pa tayo eh..." Tapos hinatak na lang ako bigla ni Christelle papuntang room kaso may nakalimutan ako.. 

WALA AKONG LIBRO SA BIOLOGY! Hala! Nakalimutan ko kasi naman ang kapal kapal ng libro tapos babasahin lang namin? Tsk! Manghihiram na lang ako sa ibang section. Ayaw kasi ni Ma'am na wala kaming dalang libro kapag nagtuturo siya.

"Hala! Christelle! wala akong libro sa bio.. may kilala ka ba na pwedeng mahiraman sa ibang section?" hala! Please naman oh, ayaw kong tumayo mag-isa sa likod.

"Ah! Si Xavier! Section nila may Bio class din ngayon at mauuna tayong magbio kaya okay lang siguro." Oo nga pala! Buti pinaalala ni Best!

"Tara! Puntahan natin habang wala pa si ma'am." hinatak ko na si Christelle nun para wala na siyang magawa.

"Nicole! Ayun si Xavier oh!" Sabay turo niya doon sa bench at nakita naman namin siyang nakikipagtawanan sa mga classmate ata niya. Mga babae kasi pero may kasama ring lalaki. Yun ata yung grupo nila eh.

Pumunta na kami doon sa tinuro ni Christelle at kinausap na siya para hindi pa kami malate.

"Ahmm,, Xavier.. pwedeng humiram ng bio book?" tanong ko sa kanya habang nakikipagtawanan pa siya. Hindi niya ata ako napapansin.

"May sinasabi ka?" sabi ko nga di niya narinig. Tawa kasi ng tawa.

"Peram, Bio book. Pwede?" Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Ang ganda kasi tapos malungkot? Pero tumatawa naman siya ah.

"Teka, kunin ko lang. Ibalik mo agad at baka ako ang mawalan mamaya." Tapos umalis na siya at hinintay namin si Xavier.

"So... Ikaw pala yung Nicole na sinasabi ni Xavier?" Sino kaya siya? Ang ganda kasi niya. Pero parang familiar? Hmmm.. di ko matandaan ah...

"Ako nga. Bakit po?" syempre dapat magalang pa rin kahit papaano.

"Di mo ba ko natatandaan?" tanong niya sabay turo sa mukha niya.

"Hindi na po eh, pero parang nameet na po kita."

"Hahaha! You're so stupid! Di mo natandaan na nabangga mo ko sa canteen? Now! Did you remember?" Ay siya...siya pala yung magandang babae na hindi ko naman sinasadyang mabangga nung kasama ko si Xavier. Close ba sila?

"I'm Elisha! and Xavier found out that you are too boring to be his friend so he joined to our group." sabay abot niya ng kamay niya pero parang nagdadalawang isip ako kung makikipagkamay ba ako kasi naman kung makalait akala mo kung sinong dyosa, totoo naman dyosa siya sa mukha pero ang ugali? no!

"Nicole! Eto na oh" Sabay abot sa akin ni Xavier ng libro.

"Salamat! Sige balik ko na lang mamaya! Babye!" umalis na rin kami kasi naiinis daw si Christelle sa ugali nung babaeng yon. Ang arte daw kasi english ng english.

Nasa room na kami ngayon at buti na lang hindi kami nalate. Pinabukas na rin sa amin yung libro sa page 27. May nalaglag ngang papel eh, tapos parang paenvelope yung tupi at nakalagay doon "Nicole".

Hindi naman siguro para sa akin 'to at saka bakit niya naman ako bibigyan ng letter di ba? I mean, para saan? At lalong lalo ng hindi lang naman ako ang may pangalan na Nicole dito sa school kaya hindi nga  siguro para sa akin to. Binalik ko na lang yun sa libro at inipit sa page kung saan ito nakalagay. 

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon