Pagkatapos ng napakatahimik na recess ay pumunta na muna kami sa field ng school. Mahaba yung recess namin kaya makakagala pa.

"Sabihin mo na sakin kung bakit ang tahimil mo."

"Wait lang ha! Di oa nga nakakaupo eh. atat lang? Hehe."

"Oo na! Oh ano na?"

"Diba ayaw sakin ni Ate Bianca? Sinisira nya buhay ko?"

"Bakit? Ano ginawa? Resbakan na ba natin?"

" Baliw!! Di naman sa ganun. Sinabi nya kasi kila Mama na dapat lumipat na ko ng school next school year. Baka daw kapag new environment, galingan ko daw sa studies. Alam mo naman sunod lagi sila Mama, kaya napag desisyunan nila na sa susunod ay ililipat na nila ko sa private school."

"WHAT?!"

"Wow! English yan ah? Naku. Baka duguin ilong mo Zen."

"Seryoso muna. Totoo? Iiwan mo na ko? :("

"Kaya nga kelangan ko galingan para mabago isip nila eh. Zen!! Magaral na tayo ng mabuti."

"Bakit pati ako nadamay?"

"Sabi kasi ni Bianca, baka daw ikaw yung nakakasama sakin."

ANO DAW???!!!

"Hoy Bree ha! Namumuro na sakin yang Ate mo. Baka kapag nagkita kami di ko mapigilang sapakin yan"

Nako ha! Dinamay pa ko. Si Bianca? Ate yun ni Bree, ayaw nya kay Bree bata pa lang sila kasi mas maganda sa kanya si Bree. Oo! Mas maganda talaga. Sa studies lang sya bumawi. Sipsip pa sa magulang. Siguro sya lang yung taong hindi ko gagalangin, pero kelangan kasi baka lalo sumama tingin sakin magulang ng bestfriend ko.

"Chill lang. Kaya kelangan natin galingan para mapatunayan natin na nagbabago na tayo."

"Nako. Bahala na! Kainis naman."

"Mackenzie naman eh!! Gawin mo na para sakin to. Ayoko lumipat ng school huhuhu"

"Panget mo umiyak. yakk!!""

"Dali na ha?"

tumango-tango na lang ako as a sign of saying yes. OHA! English yan.

"Da best ka talaga. Mwaa!"

"YAAAAKKK! WAG MO KO HALIKAN! MANYAK KA BREE!!"

Yakkk! Hinalikan ako ni Bree sa pisnge ko, with laway pa. Kadiri talaga tong babaeng to. Walang hiya sa sarili. Hahaha!

"Hoy MacKenzie, yun yung tinutukoy kong pogi kanina oh!"

Tinignan ko yung tinuturo nya and ...

"WAAAAAH!"

"Hoy!! Tumahimik ka nga ang sakit sa tenga ng boses mo." pagsaway ni Bree sakin.

"Ang pogi nyaa!!"

"Alam ko. Ako nga nagturo sayo diba? Balita ko sya yung bagong transferee galing sa Lopez University."

"Ah. Sya ba yun?"

"Ay hindi. Kakasabi ko pa nga lang diba?"

"Sorry naman. Na distract kasi ako sa kagwapuhan ni kuya."

Umalis na ko sa harap ni Bree at lumapit kay kuyang pogi.

"Hi Kuya! Welcome sa West High School. Ako nga pala si MacKenzie." tapos inabot ko sa kanya yung kamay ko.

"Zelo." tapos inabot nya din kamay nya at nagsmile at umalis na sya agad. Waaaah! Why so pogi kuya?? :">

Kung saan ako humugot ng kapal ng mukha? Syempre gwapo si Kuya, I mean si Zelo kaya dapat may kapal talaga ng mukha. Bwahahaha! >:)

"Bree Anne!! WAAAAH. Ang pogi nya."

"Ano pangalan?? Dali share naman dyan."

"Sya daw si Zelo, ang soon-to-be-boyfriend ko. waaaah!!"

"Hoy MacKenzie!! Mahiya ka nga sa sarili mo. Wala naman syang sinabing ganun eh."

"Meron kaya."

"ulul. na sa likod mo ko nun. Ilusyunada ka lang talaga."

"Ewan ko sayo. Inggit ka lang kasi nalaman ko agad pangalan nya."

"Bahala ka. Tara na malalate na ko dahil sayo."

"Osige babush!!"

Hindi kami magkaklase ni Bree. Sad but true :( Pero sana magkaklase kami ni Kuyang pogi. Hihihi :'>

Na sa classroom na ko ng makita ko mga classmates kong babae nagkukumpulan.

"Super pogi nya!" - Jasmine

"Ang tangkad pa! Hihihi." - Marie

"Ang kinis ng balat at super puti!" - Lilia

Omygashh baka si Zelo pinaguusapan nila. Naku!! Madami na agad ako kahati.

Dumating agad si Mrs. Cruz kaya tumahimik na din yung mga malalandi kong classmates. Sakin lang dapat si Zelo!! (^v^)

"Good Morning Class." bati ni Mrs. Cruz, teacher namin sya sa Chemistry.

"Good Morning Mrs. Cruz."

"You may now sit down. And I will introuduce someone to you."

"Kyaaah! Baka si pogi yun!!!"

"Classmate natin sya?? YES!!!"

Sumisigaw na yung mga classmates kong malalandi. Sakin lang sya!! Huhuhu.

Pero wait..

Classmate ko si Zelo. Kyaaahhh!!!

"Zelo, you may now come in."

Nung pumasok na sya, lahat ng girls nagsigawan. Naiinis naman yung mga boys. Hahaha! Pero, kasama ba ko dun sa nagsisigawan? Aba syempre naman. I AM SO HAPPY!!!

"Zeffron Lopez, Zelo for short."

"KYAAAAAAAAHH!!"

Sigaw dito, sigaw doon. Sige ha nabibingi na ko.

" ALL OF YOU QUIET!!" Sigaw samin ni Mrs. Cruz. Ang ingay kasi nung iba. -.-

"Okay, Zelo you may take your seat beside..."

please sana sakin! Please lang!! HUHUHUHU.

"...beside Ms. Perez."

Ouch ha!! Bakit kay Bea pa?? Ayun yung bruha kulang na lang himatayin sa sobrang kilig. Naku!! Humanda ka saking bruha ka!!

Okay na rin siguro, dahil na sa likod ko si Zelo. Omayygashh. Na sa likod ko sya!! Kyaaaah...

Tapos na yung klase at buong araw akong lutang. Di kasi ako makakilos ng ayos kasi na sa likod ko si Zelo my loves. HIHIHIHI

Hinahanap ko na sya ngayon kasi dismissal na namin.

Anak ng jueteng naman oh!! Asan na sya? Ang bilis nya mawala ha!! -_____-

~~~ PLEASE VOTE AND COMMENT KUNG ANO MASASABI NYO. THANK YOU :)

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon