Nanatili akong nakatayo sa harap at pinapanood ang laban nila. 29 seconds! Please! Ipanalo niyo na 'tong larong to!

21 seconds. Na kay Gab ang bola. Please shoot the--- 

"Ohhh.." 

Hindi niya na-i-shoot ang bola at agad naagaw ng kalaban. 

I crossed my hands. Please! Let them win! Please!

"Steal! Ang galing!" sigaw ng mga tao.

Na-steal naman kaagad ni Tristan ang bola sa Gold Dogs. Mukhang ito ang ang nabuo nilang strategy. Binantayan ng ibang mga ka team mates niya ang mga players ng Gold Dogs kung sino man ang hahadlang sa three points ni Tristan. Lahat sila may kanya-kaniyang binabantayan. Good thing, wala ng sumasagabal kay Tristan. He position himself and ready to shoot the ball. 

3 seconds. 

Nag buzzer beater si Tristan na ikinatayo ng maraming tao. May mga nagalit dahil pambato nila ang kabilang kampo at syempre may mga nasiyahan sa pagkapanalo ng Wild Lions. At ISA NA KO DOON! 

May nagpasabog ng confetti, naghihiyawan, at may mga umiyak din dahil sa tuwa. 

Sobrang saya nila pati na rin ang coach nila. Uwian time na, tapos na ang laro. Ite-text ko na lang si Gab mamaya para magbigay ng congrats. Kasi mukhang busy siya ngayon. May party pa yan panigurado. Pero paalis na ko ng may yumakap sa akin bigla mula sa likod. He hugged me very tight! Lumingon ako para makita ko kung sino. Nagulat ako ng malaman kong si Gab ang yumakap sa akin. Ito nanaman si puso,lumalakas ang kabog!  

"Nanalo kami, des! Nanalo tayo!" 

Napangiti ako. Kahit pawis siya, ang bango-bango pa rin niya. Aay, ano ba yang pinagiisip ko. 

"Ee-hem..." 

Pagkalingon namin, nakita namin si Tristan. Medyo nakakakilabot siya tumingin. "Gab, tawag ka ng press, i-interviewhin ka." 

Napahiwalay naman ng yakap si Gab. "You know what, you better join us to our victory party tonight." 

~~~(❤)~~~

"And, Congratulation to the Leon Basketball Team!" bati ng isang estudyante na mukhang siya ang nag-organize ng victory party na pinuntahan namin ngayon. 

Nandito kami ngayon sa hall ng college building. Kasama ko sina Ida, Raffy, kuya Daryll and Mayumi. Hindi na namin kasama ngayon si Ace dahil kailangan niyang umuwi ng maaga.

"Des, I save you a sit." sabi sa akin ni Gab. Kinuha niya ang kamay ko at dinala niya kami kung saan niya kami nireserbahan ng upuan. Kahit kailan talaga ang lambot ng kamay niya.

Medyo marami ang tao, lahat talaga ng supporters nila nandito pati na rin ang mga iba pang mga college students nandito rin samahan mo pa ng lakas ng music na pinapatugtog. Ang ingay!

Eto namang si Ida, sabik na sabik na niyang makita at makausap ang crush niyang si Lex. "Punta lang ako doon. Iwan ko muna kayo ha?" paalam sa amin ni Ida.

"Kuha lang kami ng drinks ah." sabay tayo ni Raffy at Mayumi sa upuan nila. Mga kaibigan ko nga talaga. Si kuya naman, ayun, nakikipagusap sa mga kabarkada niyang basketball players.   

Naiwan nanaman kaming dalawa ni Gab. Medyo lumalakas nanaman ang kabog ng puso ko. Kalma ka lang, des. Kalma.

"Thank you for coming tonight, des. Akala ko pa naman hindi ka makakapunta." sabi ni Gab sa akin.

MVP of my Heart (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon