"Basta. Matulog ka na lang muna alam ko na late na kayo natapos ni Eric kaya puyat ka." Sabi ni Matt na kahit puyat din ay mukhang hindi inaantok. Sanay na kasi ito sa puyatan dahil sa trabaho nya bilang artista.

Dahil sa sobrang antok ay nakatulog na si Mina.

Nagising ito nang maramdamang nakatigil ang sasakyan.

"Sir repeat ko lang po order nyo. Dalawang pancake sandwich. Isang hot choco at isang coffee po yung drinks. Then, apat na regular yum na solo lang po. Tama po ba Sir?" Sabi ng babae sa drive thru counter ng Jollibee sa isang gas station.

"Oo yun lang." Sagot ni Matt.

Matapos magbayad ay lumipat sila sa kasunod na window para kunin yung order ni Matt.

Pagkabukas ng bintana ng sasakyan ni Matt para kunin yung order nya ay nagtilian yung mga crew na nag aantay sa may claim window.

"Si Matt Gonzales nga!" Sabi nung isa.

"Ang gwapo nya diba." Dagdag din nung isang babae na mukhang yung kumuha ng order ni Matt kanina.

"Sino yung kasama nya? Girlfriend nya?" Sabi naman nung pangatling crew na medyo halata ang pagsilip sa kung sino ang katabi ni Matt sa loob.

"Hi Sir good morning po. Enjoy your meal po." Sabi nang isa pang crew na nag abot naman ng orders ni Matt. Pagkakuha ay nginitian ito ni Matt. "Nakakahiya kayo." Sabi nito sa mga kasamahan habang isinasara yung window.

"Iba talaga pag sikat e no?" Pang aasar ni Mina sa kaibigan na nginitian lang sya. "San tayo pupunta? Bakit panorte tayo?" Tanong ni Mina nang mapansing nasa NLEX sila.

"Basta. Kumain ka na lang muna dyan."

Kumuha si Mina ng isang pancake sandwich at inumpisahang kainin.

"Ahhhh." Sabi ni Matt na nagkabuka ang bubig na parang nagsasabing subuan sya ni Mina.

Inilapit naman ni Mina ang kinakain nyang sandwich at pinakagat dito si Matt. Nang maubos ay binuksan pa ni Mina yung isang sandwich at muling pinaghatian nila ni Matt.

"Gusto mo pa?" Tanong ni Mina sa kaibigan na nagdadrive pa din.

Umiling lang si Matt.

"Buti wala kang shooting ngayon." Sabi ni Mina.

"Wala si direk. Sa tuesday pa ulit kami may sched."

"Ah ganun ba. Bakit di mo inaya si Eric?"

"Kasi ikaw lang yung gusto kong kasama." Sabi ni Matt na tumingin pa kay Mina na parang may ibig sabihin.

Medyo namula ang dalaga na ikinatawa ni Matt nang mapansin nya ito.

"Uy! Umaasa. Hahahaha!" Biro nito.

"Che! Ikaw ang umaasa." Sabi naman ni Mina.

"Nasa condo si Eric."

"Ha? Condo mo?"

Tumango lang si Matt.

"Oh anong ganap nya don?"

"Eh pagkahatid nya sayo dumaan sya don kasi tinawagan nya ako. Nung nalaman nyang kakauwi ko lang e dun na sya dumiretso."

"May sinabi ba sya sayo?" May pag aalalang tanong ni Mina.

"Anong sasabihin? Nang inuman lang kami ng konti. Bitin daw sya dun senyo. Boring mo daw kasi uminom. Haha!"

"Nagsalita ang magaling sa alak."

Wala pang isang oras ay nakarating na sina Mina sa Porac, Pampanga.

"Pautangin mo nga akong puhunan, maghahardware na lang ako tapos dito ako kukuhang hollow blocks." Sabi ni Mina ng nakita ang mga hollow blocks na nakapatas sa mga quarry nadadaanan nila.

Makalipas ang ilang minuto ay narating nina Matt ang isang adventure park - Sandbox.

Pagpasok nila dito ay wala pang ibang guest dahil mukhang kakabukas pa lang. Dumiretso si Matt sa information at makatapos magtanong ay lumipat ng cashier upang mag avail ng tickets.

Pagbalik kay Mina ay iniabot nito ang ticket nya.

"Bawal KJ. Itatry nating lahat ha." Sabi ni Matt habang naglalakad sila papasok.

"Ano ka! Alam mo namang takot ako sa mga ganyan." Pagrereklamo ni Mina habang tinuturo yung mga attraction sa loob. "Kung sinabi mo na dito tayo pupunta e di sana hindi na ako sumama."

"Paano mo maoovercome yung fears mo kung hindi mo haharapin diba." Sabay hila sa dalaga papunta sa isang attaraction na kung tawagin ay Giant Swing.

Pagdating doon ay nagpupumiglas si Mina sa pagkakahawak sa kanya ni Matt pero wala itong nagawa sa mahigpit na kapit sa kanyang kamay ng kaibigan.

Pag kaabot ng ticket sa guard sa entrance ng attraction ay pinalapit sila ng dalawang lalaking facilitator sa upuan ng swing na may taas na 45 to 50 feet ang taas. Tinanong sila ng operator kung gaano kataas.

"Full swing kuya!" Sigaw ni Matt.

Samantalang si Mina ay ayaw umupo dahil nga takot ito sa heights.

"Tara na! Nanaakyat ka ng buildings na matataas tas scafolds na hagdan lang gamit tas ito mababa lang naman." Sabi ni Mayt sabay hila sa kaibigan papaupo.

Walang nagawa si Mina kundi umupo. Matapos naayos lahat ng safety harness ay unti unti nang hinihila pa akyat ang swing. Hindi maiwasang mapapikit ni Mina.

"Tingin ka dito ha." Turo ni Matt ang hawak na action camera sa kaibigan na umiiling lang sa takot.

Nang marating na nila ang todong taas ng swing ay "Click!" biglang naghulog na ang upuan nila Matt at nag swing up and down.

"Ahhhhhhhhh!!!!! Ayoko na! Ayoko na! Ahhhh!!!!" Mangiyak ngiyak at paulit ulit na sigaw ni Mina habang nagpapabalik balik paakyat pababa ang swing.

"Woooooo!!! Sarap!" Sigaw naman ni Matt na tuwang tuwa at pakaway kaway pa sa action cam nya.

Nang tumigil ang swing ay agad bumaba si Mina at naupo.

"Uwi na tayo." Sabi nya na parang latang lata.

Hinila sya patayo ni Matt. "Anong uuwi?! Madami pa tayong itatry." Sabi ni Matt habang itinuturo ang ibang mga attraction sa Sandbox.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now