"Ano iyan?" Tanong niya.
"Basta, pakibigay" sagot ko naman.
Sinunod naman niya yung sinabi ko at maya-maya nakita ko ng inaabot ito ni Alex. Nakita kong binasa na niya ito, at may maliit na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi.
"Sorry, Alex. Pero kailangan ng tapusin ito" bulong ko atsaka na humarap sa prof na nagtuturo sa harapan.
Pls, Alex. Wag kang bibitaw.
---
4:30
Nandito pa rin ako sa bahay at nakahiga rito sa aking kama.
Ngayon ko na ibe-break si Alex. Yung message ko sa kaniya kanina? About sa break up yun.
Ayoko pa sana, sa totoo lang. Kaso alam kong mas masasaktan si Alex kapag umaasa siyang kami pa pero kami na ni Johnrei.
Lintik kasing buhay 'to eh!
Akala niyo ba mababaw lang yung dahilan ko? Pwes, nagkakamali kayo! Kasi hindi lang naman yun ang ginamit ni Johnrei na pangblackmail eh.
Sinabi rin niya na ipapapatay niya ang mga magulang ni Alex kapag di ako sumunod. Knowing Johnrei, mula bata palang kami lahat na ng gusto niyan nasusunod. Kaya kahit humingi siya o magpatulong siya sa magulang niya, kahit masama, pagbibigyan pa rin siya nito.
Nakakaasar!
Ayoko namang pati yung mga magulang ni Alex na nananahimik lang, mawala pa sa kanya dahil sa hayop na Johnrei na iyan.
Letcheng Johnrei na iyan talaga. Sabi niya kaya lang daw niya to ginagawa dahil mahal niya ko. Pero totoo ba?
Mahal niya talaga ko?
Pwes! Kung totoong mahal niya ko, mas pipiliin nalang niyang maging masaya para sakin, kesa makita niyang malungkot ako.
Kaya hindi talaga ko naniniwala!
Pagmamahal ba ang tawag niya dun? Yung ipapapatay pa niya yung magulang ng mahal ng taong mahal niya, makuha lang ako? Gaano siya ka-selfish?
Minsan na nga lang ako magmahal, naging ganito pa. Pwede naman sigurong sa second time na magmahal ako, atsaka nalang mangyari ito eh, no? Nang mai-enjoy ko naman muna kahit papano ang feeling ng nasa isang relasyon.
Kaso si tadhana, bwisit! Letche siya. Ipapakulong ko siya kapag nakita ko.
Hays.
Tiningnan ko nalang ang orasan mula rito sa relo ko nang matansa kong malapit na ang oras. 4:45 na.
Kaya ang ginawa ko, naghanap na'ko ng damit na pwedeng isuot. Napili ko yung plain white t-shirt, atsaka yung short na above-the-knee.
Simple lang no? Alanganaman kasing magdamit pa'ko ng sobrang ganda eh maya-maya lang tuluyan na kong masasaktan? Sige nga!
Yumuko nalang ako. Bigla na naman kasing pumasok sa utak ko si Alex.
Ano kayang magiging reaksyon niya mamaya? Siguradong kapag nasaktan siya, mas masasaktan ako. Ako kasi ang magiging dahilan kung bakit siya masasaktan.
BINABASA MO ANG
A Hangul Love Story
RomancePagmamahalang nabuo dahil sa hangul. *** Cover by: @KrungRi_Gizibe Trailer by: @StoneHeartedHan Credits to: @yuukieee, @StoneHeartedHan and @h-ypebeast for the past covers.
Kabanata 20
Magsimula sa umpisa