Nandito kami sa oval, pasimula na ang flag ceremony. Parang may patay nga e. Tamad na tamad kasi kaming kumanta ng pambansang awit, kaya mas lalo akong naaantok at gustong mahiga sa damo-damo. Yung mata ni kuya, halatang CCTV. Hanep! May body guard lang ampeg.

Buti na lang may flag ceremony kung wala posibleng late na late ako.

Pagkatapos ng flag ceremony, dumiretso na 'ko sa room ko. Nang habang ako'y naglalakad may bumangga sa akin.

"##!?!###! ANYARE HA?!" Bulyaw ko sa lalaking nagbabasa ng libro na nakabangga sa akin.

"Sorry naman, ang liit mo kasi eh" Pang asar pa nito sa akin, huwaw. So ang height ko pala ang may kasalanan?! Ganern? Huwawwww.

"Nananadya ka ba?! Baka sadyang di ka tumitingin sa daanan mo dahil nag bab-"

Bigla na lang siyang umalis at dumiretso nang hindi pinakinggan ang mga sinasabi ko, bastos lang 'no? Isa na siya sa mga letcheplan sa paaralan na 'to. Kaya 'di umuunlad yung- Ay, umuunlad na pala, kahit papaano. Tsaka baka basahin 'to ni Duterte e, patayin ako non e! (Beseye leng empeg)

Hinayaan ko na lang ang lalaking umalis. Buti na nga lang, di ko nakita yung pagmumukha niya baka magaya ko yung kung fu ni panda eh.

Nasa likod ako ng pintuan ng magiging classroom ko, kaso nga lang, late na ata ako. Naririnig ko kasing may nagpapakilala kaya sumingit na 'ko.

"G-Good morning po." Andaming nagsi-tinginan sa'kin. Wow, may beauty queen lang? Halos ang pangit ng boses ko dito dahil sa kaba.

Nagulat ako, yung lalaking nasa harap na nagpapakilala, maygasss. Katakot yung face. Halatang may galit.

"Bakit ka late ng 3 minutes?" Tanong sa akin ng guro with kalabaw face.

Common sense, nakakatamad pumasok, mabagal maglakad, tapos grabe yung inakyat kong hagdan halos mamatay na 'ko sa pagod. -__-

Hindi na lang ako sumagot, baka kasi humaba pa, hiyang hiya na kasi ako sa lalaking nasa harap tapos masyado na 'kong famous. Nasa pinto pa nga lang ako, kilala na 'ko agad ng mga classmates ko.

"Anong pangalan mo iha?"

"Hailey po."

"Well, Hailey, dahil late ka do'n ka sa likod umupo."

Sa totoo lang mas gusto ko sa likod, kasi lagi na lang yung mga bida sa ANIME laging nakaupo sa likod, katulad ng Watamote, My Little Monster, Kimi ni Todoke, etc. *OO* ~ (SORRY SA MGA HINDI OTAKU.)

Yumuko't tumakbo ako patungo sa magiging upuan ko, medyo hindi lang ako komportable dahil malabo paningin ko.

"Uh.. Ako po si Zeke Ashton Felipe masaya 'ko dahil kayo ang magiging kasama ko sa taon na ito." Yumuko ito para magbigay respeto. Jangas ng name pang banakalzxc.

"Well, siguro magiging masaya ka talaga dito. Now, have a seat."

Wasted AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon