Pero ngayon iba na. I'm going to meet new people. At natatakot akong hindi nila ako magustuhan. Pero ito na yun e. I need to be strong para sa mga magulang ko.

Sabay kaming lumabas ni mommy sa kwarto ko. Hawak nya ang isang kamay ko na parang binibigyan nya ako ng lakas ng loob. Alam ko kung gaano nasasaktan si mommy. Mahal na mahal nya ako. I'm her baby girl. Pero ngayon, papasok ako sa isang malaking desisyon na tanging ako lang ang makakapagpasya.

Pagbaba namin ng hagdan ay agad nagtama ang mga mata namin ng lalaking kampanteng nakaupo sa sofa. Naka number four sya at busy sa pagkalikot ng iphone nya. Mukha syang bored dahil nakanguso at nakakunot ang noo nya. Agad kung naramdaman ang lakas ng presensya nya. Yung tipong kusang luluhod ang mga babae sa paanan nya. Ganun kalakas ang dating nya dahil maging ako ay nakaramdam ng kakaiba sa loob ko lalo na ng tuluyang maglapat ang mga mata namin. Gusto kung mapasinghap sa lalim ng mga mata nya. Parang pati kaluluwa ko ay kitang kita nya. Parang kahit sa pamamagitan lang ng titig nya, magiging alipin ka nya. Tao pa ba sya? hindi sapat ang salitang Adonis kung ibabase sa itsura nya. He's beastly handsome.

Yung kagwapuhang nakakairita kasi alam mo na kahit anong gawin nya, gwapo parin sya. He's wearing all black hanggang sa suot nyang high cut. Kahit ang gilid ng mga mata nya ay may makapal na eyeliner. A Bad boy, tho. Nakakatakot syang tumingin dahil para syang hari na dapat mong sundin.

Nagtaas sya ng kilay sa akin at ngumisi. Yung smirk na nakakainis kasi parang may pinaplano syang masama. O baka naman paranoid lang ako? pero hindi e. Dahil ngayon ko lang pala naalala na sya ang sikat na leader ng grupong BlackBeast. Ang grupo nila ay kilala at topic sa kahit saang paaralan lalo na sa paaralan ko. Para silang gangs na lumalaban sa mga drag racing at poker tournaments sa bansa. Hindi ko alam kung kalian pa naging legal ang drug racing dito at sugal pero walang naglalakas loob na hulihin sila. Maybe because they are so powerful at walang magagawa ang batas laban sa kanila.

Ngayon palang ay halos maghuramentado na ako dahil sa titig nya. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Dumapo ang tingin ko sa babaeng nasa tabi nya. Mas mabait ang itsura nito kumpara sa kanya. Nakasimpleng white dress lang ito pero halatang hindi sya ordinaryong tao.

Medyo nagulat ako ng bigla itong ngumiti sa akin kaya nahihiyang ngumiti din ako pabalik, pero nabura ang ngiti ko ng tumayo ang tao sa tabi nya at parang haring naglalakad palapit sa akin. Naramdaman ko ang pagbitaw ni Mommy sa kamay ko kaya mas lalo akong nanginig. Tuluyan na akong nawala sa sarili ng buong tikas syang tumayo sa harap ko.

Pinasadahan nya ako ng tingin na para bang sinusuri nya akong mabuti. Nakita kung tumigil ang tingin nya sa dibdib ko kaya medyo pinag ekis ko ang mga braso ko. such a pervert! Chini-check out ba nya ako? Bigla tuloy akong naging conscious sa itsura ko. Oo na, inaamin kung hindi pang model ang katawan ko. Petite ako at medyo maliit ang dibdib ko. hindi din masyadong malaki ang likod ko pero kahit papaano may shape naman ang katawan ko at katamtaman lang ang height kung 5'4 samantalang nasa 5'11 siguro tong nasa harap ko. Even his height screams power.

Kung bilugan at malalalim ang mga mata nya na parang kumikinang na bituin sa langit, medyo singkit naman ang mata ko na namana ko kay mommy na may dugong Chinese.

Naiinggit ako sa kanya dahil ang ganda ng mga mata nya. Masyadong expressive at malalim. Sana sa kanya mamana ng mga anak namin ang mga mata nila. Damn! Anong iniisip ko?

Nakapamulsa ang dalawang kamay nya at mayabang na nakatayo lang sya sa harap ko. What now? Tatayo nalang ba sya at lalaitin ako sa pamamagitan ng mga ngisi nya? Tsss.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya at tama nga ako, nakangisi habang pinapasadahan ako ng tingin. Gusto ko syang tanungin kung bakit pero bago ko pa man yun nagawa, bigla syang nagsalita at halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon