"Mom!"

"Ikaw ba ang boyfriend ng anak ko?" I rolled my eyes heavenwards. Lord, bakit po ganito nanay ko?

Lumingon sakin si Grey habang nagkakamot ng batok, mukhang di nya alam sasabihin nya. Aba't bat hindi nya alam?

"Hindi ko po sya boyfriend. Wag nyo ngang harassin si Grey, Mom"

Nagpabalik balik ang tingin samin ni Mommy. "Bakit hindi mo girlfriend ang anak ko?"

"Mommy!" feel ko na ang pag-init ng pisngi ko sa hiya at err sa inis sa nanay ko. Jusko naman talaga.

"Ugh.." Ang pakonswelo na lang talaga dito ay yung mukha ni Grey. Ang cute nyang mahiya. Joke! Mukha syang... Ano.. Mukha syang.. Panda. E? Cute ang panda. Basta pangit sya. Mukha syang najejebs na dinosaur.

Nagpatuloy ang interrogation ni Mommy kay Grey. Tanong sya ng tanong ng kung ano ano. Kung saan nakatira, kung ilang magkakapatid. Kulang na lang magpasagot ng slambook tong nanay ko e.

Sagot lang naman ng sagot si Grey. Kung kanina uneasy pa sya ngayon mukhang beshies na sila ng nanay ko. Tss, samantalang akong anak nya na hindi nakauwi ng ilang linggo, ni hindi man lang ako tanungin kung kamusta na ko.

Bahala sila dyan. Basta ako kakain. Namiss ko caldereta ni Mommy. Kaya kahit hindi pa oras ng hapunan kumakain na ako.

Pinagpatuloy nila chikahan nila sa sala habang ako nasa kusina pa din.

"Mommy andyan na si Ate?!" Napatigil ako sa pagnguya nang marinig boses ni Buchoy, kapatid ko, mula sa labas.

Napangiti ako nang malapad pero napasimangot din ako sa sagot ng nanay ko.

"Nasa kusina ang Ate mo. Sabihan mo ngang tumigil na sa paglamon at tumataba na sya"

"Sino sya?" Uh oh. Nandun nga pala si Grey.

Masama man sa loob kong mawalay sa kinakain ko, baka mangain ng buhay ang kapatid ko. Syempre kailangan malinis ko kaagad ang mga ebidensya.

Pagkalabas ko ng kusina, saktong papasok si Dad. And my brother's on the verge of tears.

Kumikislap na yung mata nya nung tumingin sakin, lukot na din ang mukha nya na anytime bubulahaw na. Lumapit ako kaagad para aluhin sya but I was too late. Ngumawa na yung kapatid ko.

Nagtawanan lang si Mom and Dad. Napatingin ako kay Grey at gusto kong matawa sa mukha nya. Salubong na salubong ang kilay, e. Nagulat at nagtaka siguro kung bakit bigla na lang umiyak 'tong kapatid ko.

"Bakit ngayon lang kayo, Dad?" Tanong ni Mommy may Dad.

"Bumili daw muna kaming cake para sa Ate nya"

Awww, natouch naman ako sa kapatid ko. Hinalikan ko sya sa pisngi at niyakap pa ng mahigpit.

"Tahan na. Shhh, akala ko ba Big Boy ka na? E, bakit nagccry ka pa? Paano mo ipprotect si Ate kung umiiyak ka?"

Humiwalay naman agad sya sakin. Nagpunas ng luha tapos humarap kila Mommy nang nakapamaywang.

"Bakit ka andito? Aagawin mo ba Ate ko sakin?"

Nagtawanan sila Mom and Dad sa sinabi ni Buchoy. Me? Sobrang lapad ng ngiti ko. Tiningnan ko si Grey at feeling ko hindi nya alam kung anong irereak nya. Pero mas angat sa mukha nya ang amusement. His eyes gave it all.

Pumunta na si Mommy sa kusina para maghanda ng hapunan. Si Dad naman umakyat para magbihis. Tumayo na ko sa pagkakaupo kasi nakakangalay na.

Yung kapatid ko halata namang ngalay na yung braso, ayaw paawat.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon