✓Chapter 21: The Basement

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano, papasok ba tayo?" Kinakabahang tanong ni Jin at tumango naman ako.

We need to find out what was inside this.

Dahan dahang binuksan ni Suga yung pinto at may hagdan pala pababa.

Eto ba yung basement na sinasabi ni Levi na wag puntahan?

Pero kahit na! Tutuloy pa rin kami!

Dahan dahan kaming bumaba at may naririnig pa rin kaming mga kalampag at parang impit na iyak?

Ano kaya yun?

Nang marating na namin ang dulo, nanlaki ang mata naming tatlo.

What the fuck?!.

Jin's POV

shit! Ano to?!

"Sophia! Elyssa! Trisha!" Sigaw ni Cheska at humarap samin yung tatlo na umiiyak at may mga galos.

Nakaupo sila sa sahig at nakatali.

Anong nangyari sa kanila?

May busal din sila sa bibig nila kaya hindi sila makapagsalita.

*blag!*

Napalundag naman kaming tatlo dahil may kumalampag dito sa likod namin.

Pag lingon namin..

"Shit! Alis dyan dali! Baka maabot ka!" Sigaw ni Cheska kay Suga kasi nandun parin siya at nakatulala.

Muntikan na siyang maabot nung zombie.

Oo! May zombie dito. Tatlo. Tsk. May chain sila sa leeg nila.

"Bakit may ganto dito?!" Sigaw ni Suga nang makabalik na siya sa wisyo.

Kahit ako ay nagulat.

"Ummmmp!.. Ummm!" Napalingon ako dun kina Sophia, Elyssa at trisha na parang may gustong sabihin.

Ano daw?

"Ummmmp!" Parang may sinesenyas sila sakin pero di ko maintindihan.

Yung totoo, nakasinghot pa sila?

Okay Jin. Istaph! Nakuha mo pang mag biro ehh =.=

"A-Ah, H-Hyung... " tawag sakin ni Suga.

"Ano?!" Bulyaw ko sa kanya eh kasi naman! Di ko maintindihan sina Elyssa tapos bigla siyang ganyan.

"T-Tignan mo y-yun.. " sabi niya na parang takot na takot.

Kaya tumingin naman ako dun..

O__________O

Hala!!

"Ano?! Diba sabi ko walang pupunta dito sa basement? Eto ang napala niyo! Mamatay kayo!— Sige lumapit ka at makikita mo ang kamatayan ng babaeng to!" Sabi ni Levi kay Suga kaya bigla siyang napaatras.

Hawak kasi ni Levi si Cheska sa leeg at may hawak itong katana kaya hindi makapalag si Cheska.

"Baliw ka! Bakit ka nagtatago ng ganyan dito?!" Sigaw ko sa kanya.

Surviving The Apocalypes(Bts Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon